Chapter 35

52.7K 1.5K 220
                                    

Chapter 35

Jane’s POV

Gustong-gusto kong magtago at tumakbo paalis ng bahay nila Billy noong sumigaw na ang mama niya.

Natakot talaga ako kasi never pa kong nasigawan ng parents ko ng ganito.

First time na may magalit sakin ng sobra.

“You have to end this billy!” Sigaw ulit ng mama niya.

Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay ni Billy sa takot.

“Ma, malaki na ko. Alam ko na ginagawa ko”

“Talaga bang alam mo pinaggagagawa mo?”

“I know you think na risk po itong relationship namin sa career ko pero ma, hindi. Parehas naming itinatago ito dahil takot si Jane na malaman ng papa niya”

Her mom hissed. “Kahit na! Hindi pa rin safe na naggirlfriend ka ng isang fangirl! Kahit anong gawin mo, fan mo pa rin yan! Pwede niyang ipagkalat lahat ng sikreto mo pag ginusto niya! What if i-blackmail ka niyan? Huthutan ka ng pera?”

Yumuko ako habang dinuduro ako ng mama niya.

Naiiyak ako dahil tinatapakan na niya pagkatao ko.

“Billy, uuwi na ko” Mahinang sabi ko.

“YOU BETTER DO! At wag na wag kang babalik dito sa pamamahay----”

“MA! STOP!” Sigaw ni Billy. “All my life, sinunod ko gusto niyo. Never akong sumagot pabalik at gumawa ng ayaw niyo. Pero for once, let me have my own happiness. Please”

Hinila na ko ni Billy palabas ng bahay nila.

Sumakay agad kami ng kotse niya at nagdrive agad siya.

Thankful ako na nakaalis na kami doon dahil sobrang bigat na ng pakiramdam ko sa mga pinagsasasabi ng mama niya.

“I’m really sorry jane. My mom’s just---”

“I understand” I said through my tears. “You don’t have to say sorry, hindi naman ikaw ang nagsalita ng masasakit na bagay sakin”

Napatingin siya sakin pero di ko magawang tumingin sa kanya.

StarstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon