Chapter 30

67.6K 1.7K 251
                                    

I just wanna say THANK YOU sa lahat ng sumusuporta sa stories ko!

At sa mga patuloy na naghihintay ng updates!

Thanks guys, you all are the best! :*

Xoxo, Nerdyirel ♥

-----------------------------------------------------------

Chapter 30

Billy’s POV

Bumalik muna kami ni Jane sa condominium ko saglit.

“Ang shunga ko rin noh? Bakit hindi ko agad napansin na ikaw at yung nerd-looking luke ay iisa din?” Natatawang sabi ni Jane pagupo niya sa sofa.

“Magaling lang talaga ako umakting haha”

“I know that pero diba, nakakausap kita in person. Bakit di ko nahalata na iisa yung boses mo at yung classmate ko? Na iisa lang kayo?”

Kumuha ako ng drinks at cookies sa refrigerator tapos umupo na rin ako sa kanya.

I handed her one.

“Wah! Mogu-mogu! My favorite”

Ngumiti lang ako at binuksan na yung TV.

Nagtext naman kasi si Jane sa Papa niya na sasaglit lang siya sa isang shop kasama nung mga co-fangirls niya pero ang totoo, gusto ko lang kasi talaga siyang makasama kahit saglit lang muna.

“Anong oras ka uuwi?” Tanong ko sa kanya pagkakagat ko sa cookies na hawak ko.

“Hmm, how about 9?”

“Make it 10” Sagot ko.

She suddenly laughed. “Nagtanong ka pa, ikaw din naman pala masusunod”

Hahaha!

Oo nga noh?

Laughing, kumuha siya ng cookies tapos kumain din.

Busy siya sa panunuod ng TV.

Tinititigan ko lang siya.

Ang galing lang.

Biruin mo, andito talaga siya sa tabi ko.

StarstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon