Chapter 40

68.6K 1.5K 463
                                    

Hey guys! Ang daming nagtanong kung bakit ang bilis daw nagpatawad ni Jane. Na para daw nakulangan sila sa effort ni Billy. 

Well to tell you honestly, sa reality kasi, totoong nangyayari yan. May mga taong kapag nilambing na sila ng boyfriend nila at nakapagusap na sila ay agad nilang kinakalimutan yung nagawang kasalanan sa kanila. #Hugot  Just like jane. Kaya from the first place, ayaw niyang kausapin si Billy ng two weeks, yun ay dahil nga sa alam niyang mapapatawad niya agad ito. 

Anw, I have reasons kung bakit nanging ganun ang takbo ng story *winks*

-----------------------------------------------------------

Chapter 40

Jane’s POV

“SUBIC! Omg! Alam mo bang pangalawang beses ko pa lang makarating dito?” Tuwang-tuwang sabi ko kay Billy nung dumaan na kami sa Harbor Point.

“Pangalawa? May nagdala na sayo dati? Akala ko ba ako first boyfriend mo?”

Umayos ako ng upo at tumawa sa kanya. “Dinala na kasi ako nila Papa dito dati”

“Ahhh haha”

Bumaba na kami sa isang hotel malapit sa Harbor Point at may nagwelcome agad sa amin.

Habang nasa lobby kami, hinila muna ako ni Billy para umupo sa isa sa mga couch.

“May welcome dinner nga pala kami mamaya, gusto mo sumama?”

“Ha? Hindi na. Magstay na lang ako dito, mas safe na hindi tayo magkasama sa public. Baka mapabalita na naman tayo”

He frowned and looked at Mel. “Hindi ako makakasama sa welcome dinner ha. Medyo pagod na ko, matutulog na lang ako”

Mel looked surprised then she looked at me and then at Billy.

Tapos medyo natawa siya.

“Sus. Sige na nga, magorder na lang ako ng food para sa inyong dalawa”

Mel was nicer to me than she was before.

Mabait naman siya dati pero ngayon, mas maintindihin na talaga siya sa relasyon namin ng alaga niya.

Kanina nga lang, tanong siya ng tanong kung comfortable ba daw ako sa van.

Tingin ko, dahil iyon sa kampante na siya at ang inaming girlfriend ni Billy ay si Akiko at hindi ako.

She gave us our card keys.

Tig-isa kami ni Billy at magkatabi ang room namin.

StarstruckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon