Chapter 2: Winter brothers

460 32 4
                                    

Luna Ashton

  Hindi ko makalimutan ang gabi nayon. Ang dami Kong sinabihan tungkol sa nangyaring yon pero lahat sila hindi naniwala. 'Nananaginip kalang siguro non ' , 'wow Dre anong nasinghot mo ?' 'Baka imagination mo lang ' , 'gutom lang yan '

Hindi rin naman ako makapaniwala non pero totoo talaga na nangyari . Pumunta ulit ako sa lugar na yon pero hindi ko na siya nakita. Hays! Baka nga nananaginip lang ako nang mangyari yon .

Ngayon naglalakad ako sa Ashford High . Transferee lang ako kaya bago lang ako dito pero may kakilala ako dito kaya hindi ako maliligaw.

" Nandito na ang Winter Brothers " sigaw ng babae na nadaanan namin. Napatingin ako Kay Chloe

"Anong meron sa winter brothers? At saka sino naman sila?" Tanong ko sa kanya bigla naman siyang napangiti may nakakatawa ba sa sinabi ko?

" Winter Brothers kyyaah pag naririnig ko yon napapangiti ako . Si Sky Winter at Moon Winter ang pinaka sikat sa school bukod sa gwapo na talented at matalino pa teka nandito naba sila? " ah kaya pala.

Tumango ako sa kanya . Bigla siyang huminto at hinila ako papunta sa gilid . Baka aabangan niya ang Winter Brothers nayon wala naman akong pakialam sa mga sikat na yon .

Ang mga nagkakagulo kanina na mga estudyante ay bigla nalang naging maayos at nagkaroon ng malaking espasyo sa gitna .

May dalawang lalaki na dadaan sa gitna

O.O

"Y--yung lalaki " Gulat na gulat Kong sabi Kay Chloe
"Anong lalaki ?" Curious niyang tanong sa akin

"Ayon" sabay turo ko sa lalaking nakablue na bag sa itsura niya ngayon ay parang sobrang inosente niya kaysa sa huli ko siyang nakita . Nakita ko siya sa malapitan dahil napadaan siya sa harap namin . Nakita ko ang mga mata niya kulay brown ito .

" Si moon yon ang gwapo niya no? Bakit mo pala tinanong ? Crush mo na no ? Ayiiee wag kang mag alala hanggang ngayon wala parin siyang girlfriend"

"Hindi "
" Bakit nga?"

" Siya yung misteryosong lalaki siya yon ... siya yung nagligtas sa akin .."

"Anu?! Weeeh .."

Hindi ako nagkakamali siya yung lalaki .. Hindi ko makakalimutan ang muka niya ..  


  "Oo nga seryoso ako muka ba akong nagbibiro?" Tanong ko sa kanya at napahawak nalang sa muka . Bakit ba kasi ayaw niyang maniwala ? Hindi naman ako marunong magsinungaling.

" Ay oo nga . Nakikita mo ang lalaking yon " sabay turo niya sa lalaking nakablack na bag . Kasabay din ni Moon. Kamuka niya dahil kapatid niya pero malaki ang pagkakaiba nila .

"Oh?"

"Siya yung lalaking mapapangasawa ko in the future " sabay ngiti niya sa akin . Binatukan ko naman siya seryoso ako magbibiro siya

"Seryoso ako Chloe "

"Muka ba akong nagbibiro ?" At tinuro pa ang muka siya

"Hindi ... Muka kang tanga " sabay irap ko sa kanya seryoso ako hindi talaga ako nagkakamali .. Siya talaga ang lalaki . Pero bakit ang weird dark na dark ang mata niya nung time na yon pero ngayon kulay brown na ito. Baka siguro gabi non nung nakita ko siya pero impossible naman kasi dahil sobrang dark ng maka niya . Ewan

"Grabe ka naman sa akin Luna tsk tsk ! Hindi naman kasi kapanipaniwala haha..Si Moon ililigtas ka? Eh ako nga hindi niya kilala ikaw pa kaya .. Hahahaha"
Nakakainis na hinawakan ko ang kamay niya at hinila papunta kila moon na yon . Makikilala ako ni Moon dahil nagkita kami nakausap ko siya . Sigurado naman na hindi niya ako makakalimutan.

Nakarating na kami sa kanila.
"Luna naman umalis na nga tayo nakakahiya sa kanila "sabi sa akin ni Chloe .
Lumingon sa amin si Sky at ganon din si Moon . Yung mata niya kulay brown parin pero alam Kong siya yung misteryosong lalaki.

"Hoy ikaw! "Sabay turo ko kay Moon
"Luna tumigil kana nakakahiya na " hinihila na ako ni Chloe pero papatunayan ko na kilala ako ng moon na to . Napansin ko na nakatingin sa amin ang iba pang estudyante dito.

Tiningnan naman ako ni Moon ng may halong pagtataka ganon narin ang kapatid niya . Ang gwapo nila lalo na sa malapitan pero hindi yon ang purpose ko .

Gusto kong patunayan na siya talaga yon .
"Diba ikaw ang lalaki ..ikaw Yong lalaking nagligtas sa akin .. diba? Salamat pala sa ginawa mo utang ko sayo ang buhay ko "

"Huh?"lahat sila
Tiningnan lang ako ni Moon mula ulo hanggang paa at pinagtaasan ng kilay . Ngumiti lang siya sa akin . Alam niya na siguro yon . Sabi na kilala niya ako .

"Luna halikana pinapahiya mo lang ang sarili mo "sabi sa akin ni Chloe at Hinihila na ako

"Ako yung babaeng niligtas mo mula sa holdaper nakahood ka pa nga non ng itim"
Mas lalo pang lumakas ang tawanan ng mga tao dito .

"Sorry pero ngayon lang kita nakita " Yung dating narinig ko na malamig na boses mula sa kanya ay ibang iba na ngayon . Mahinahon at inosenteng boses lang ang naririnig ko ngayon sa kanya hindi yung boses na narinig ko nung gabing yon .

"Transferee bayan o takas sa mental ?" Narinig Kong tanong ng isang estudyante na nakapaligid sa amin . Nagtawanan ang lahat .

" Pumasok na kayo sa room niyo " malakas na boses na narinig ko Kay moon pero hindi yung boses na narinig ko .
O.O napansin ko ang mga mata niya . Naging black nanaman itim na itim .

O.O
" Halikana guys pumasok na tayo malelate na tayo " unti unting nagsialisan ang mga tao dito at hinila ako ni Chloe .

"Halikana Luna malelate na tayo " sabi ni Chloe sa akin at hinila ako .
Napatingin ako sa mata ni sky ang kapatid ni Moon kulay black ang mga mata niya katulad ng kulay ng mata ni Moon ngayon .

Ang Weird . Nakatingin lang sila sa akin habang hinihila ako ni Chloe paalis . Ano bang meron sa mata nila? Maganda . Pero bakit ang weird ?  

Mysterious ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon