Chapter 12: He saved me again

195 21 3
                                    

   Moon Winter

"Luna!" Bigla siyang natumba at nawalan ng Malay
" moon malapit na siyang mawala hindi kaba masaya pag nangyari yon ?" Sabi sa akin ni Ynna na may halong ngiti.

Nagtaasan ang halos lahat ng mga bagay dito sa corridor nagtakbuhan at nagkagulo ang lahat ng estudyante na dumadaan dito .

"Wag mong sabihing kakalabanin mo pa ako dahil lang sa babaeng yan ?" Tiningnan ko siya ng masama at sinandal si luna sa pader . Wala parin siyang Malay

"Oo dahil hindi mo dapat to ginagawa " sabi ko sa kanya
" Ganon ? Edi ok. Sige madali naman akong kausap " lahat ng bagay na nakalutang ay tumama sa akin . Hindi ako nakailag dahil sabay sabay .
*Tugsh*

O.O may biglang tumama sa tiyan ko sobrang lakas . Kaya tumilapon ako sa sahig
" O ano moon ? Gusto mo nabang mamatay ? Umalis kana diyan baka madamay kapa "
At may mga bagay ulit na lumipad papalapit sa akin .
O.O hindi ko na kayang tumayo pa . Ang sakit ng katawan ko .

*Tugsh*
May isang tao na tumambad dito mula sa bintana.
O.O

Nakahood siya na itim at nakamask ng itim ang kanyang bibig .tumingin siya sa akin . Bigla akong kinilabutan sa presensya niya dahil nakakatakot ang aura niya .

"Sino ka?! " Si Ynna na may halong kaba
"I- ikaw ba ang misteryosong nilalang?" At tumingin siya Kay luna tulog parin ito

"Impossible" pinatamaan agad siya ng mga bato at salamin dito sa corridor. Pero nakailag parin ito sa sobrang bilis niyang gumalaw ay nasa harap niya na agad ito . Bigla niya itong hinawakan sa leeg at

O.O kinuha ang baril sa kanyang bulsa .

"W-wag p-pleass"maluha luhang Pagmamakaawa niya sa misteryosong lalaki
Napatingin ako sa gilid at napansin ko si luna na gising na. Tumingin siya sa lalaki .

"Ang misteryosong lalaki " siya na may pagka gulat tumingin siya sa akin ng may panlalaki ng mata

"Moon" yun nalang ang nasabi niya
Bakit ?

*Tugsh*
Bigla kaming napatingin sa harap kung nasaan si Ynna

O.O ngayon Naliligo na siya sa sarili niyang dugo at yung misteryoso wala na siya . 

 Luna Ashton

Hindi nga siya ang misteryosong lalaki . Sino ba talaga? Ngayon ginugulo nanaman ng mga tanong ang isip ko . Agad lumapit sa akin si moon at tinutulungan akong tumayo.

"Ayos kalang ?" Tanong niya sa akin tumingin ako sa buong paligid wala na talaga ang lalaki . Bakit ba lagi nalang siyang nawawala?

"Luna?"
"Huh?"
"Ok kalang ?"
"Oo ayos lang ako pero sila sky at Chloe?"

Tumingin kami sa gilid ngayon ay nakita namin sila na tumatakbo papalapit sa akin .

"Luna ano bang nangyayari? Teka ? Siya yung babaeng kumausap sa akin kanina . A---anong nangyari sa kanya?"sabi niya ng hindi na tinitingnan ang babae . Tumingin ako sa mga estudyante nagkakagulo silang lahat . Dahil sa nangyari. Tinitingnan nila ang bangkay ni Ynna. Napansin kong nasa harap na namin ang principal .
"Ipaliwanag niyo kung anong nangyari" yung principal

"Natatakot na ako sa mga nangyayari. Nong nakaraan baril ngayon mga lumilipad na bagay naman tapos yay! " narinig Kong sabi ng isang babae sa gilid ko . Ngayon pinalilibutan na kami ng mga estudyante dito

"Suspended na ang klase dahil sa nangyari kayo sabihin niyo sa lahat ng students dito " sabi ng principal sa babae tumango naman ito at umalis na.

--
Pumunta kami sa principalsoffice at pinatawag naman ng principal ang mga police, soco, at mga detective para imbestigahan ang mga nangyari.

" Anong koneksyon niyo sa babae? At anong alam niyo sa mga ginawa niya kung bakit napapalutang niya ang mga bagay ?" Seryosong tanong sa amin ng principal sa totoo lang walang science explanation kung bakit nagagawa ni Ynna ang magpalutang ng mga bagay .

"Hindi namin alam ang dahilan kung bakit niya napapalutang ang mga bagay " sabi ni Moon sa principal

"Anong koneksyon mo Luna sa babaeng yon?"

"Hindi ko siya kilala "

Napansin kong tiningnan ni Moon ang mata ng principal at biglang nagkulay itim ang kanyang mga mata.

" Simula ngayon sarado na ang kaso dito sabihin mo sa mga police na isarado na ang kaso dahil tapos na patay na siya at yung tungkol sa misteryosong lalaki isa siyang tagapagligtas "

"Luna " napatingin ako kay Chloe mukang natatakot siya . Dahil sa mga nangyayari . Alam niya na ang mga nangyayari madadamay siya .

Pagkatapos ng usapan medyo bumalik na sa dati ang lahat dahil sa dark code ni Moon . Kinontrol niya ang mga police soco at iba pang detectives .

Bakit ba to nangyayari? Pinikit ko ang mga mata ko inisip na masamang panaginip lang ang lahat ng ito pero hindi , gising talaga ako na nasa mundo ng masamang panaginip .

Bakit ba nangyayari sa akin to? Diba lahat ng bagay may dahilan? Pero bakit hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin to.


Napansin ko si moon at sky na lumapit sa akin . Teka bakit wala si Chloe?

"May sasabihin kami sayo "  

Mysterious ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon