Chapter 1: Ang misteryosong lalaki

984 39 12
                                    

Mysterious Man

"Holdap to wag kang gagalaw" napatingin ako sa nagsalita at naramdaman ako ang isang bagay na nakadikit na sa tagiliran ko. Nakikita ko ang isang lalaking nakasumbrero at muka talagang gagawa ng masama.

" Ibigay mo sa akin ang bag mo"

"Hindi pwede!"
Aba! Hindi pwede yon sino ba siya holdaper lang naman siya paano ang kinabukasan ko pag nawala ang bag ko. Pero paano naman ang buhay ko pag nakipag agawan ko? Kailangan kong pumili isuko ko na to ? O makipaglaban pa ako?

Bigla niyang inagaw sa akin ang bag pero hindi ko naman ito binitawan

"Wag ako iba nalang !" Sigaw ko sa kanya habang nakikipag agawan
"Ibigay mo na yan kung ayaw mong mamatay " napahinto ako nang bigla niyang tinutok sa akin ang baril na hawak niya

" Kung ako sayo hindi ko gagawin yan " Napatingin ako sa nagsalita . Isang nakahood na lalaki ang lumabas mula sa dilim. Tumingin siya sa amin at ngumiti ng nakakatakot pero ang gwapo niya.

*Dubdubdubdub*

" Wag mo kaming pakialam! Kung ayaw mong madamay!" Yung baril na nakatutok sa akin kanina ay nabaling na sa direksyon niya
Lumapit siya sa holdaper at humarang sa harap ko

"Ibaba mo ang baril mo " mahinahon pero malamig na boses na nanggaling sa kanyang bibig

Baliw ba siya?! Hindi niya ba alam na holdaper ang kaharap niya hindi aso na susunod agad sa kanya ?

"Masusunod po"

Nagulat ako nang dahan dahang binaba ng holdaper ang hawak niyang baril at tumingin ulit sa lalaki hindi mo makita ang reaksyon ng lalaki dahil nakatalikod siya sa akin .

" Pumunta ka sa police station at sabihin mo na holdaper ka ipakulong mo ang sarili mo"

Hindi ako makapaniwala nang tumango ang holdaper at tinalikuran na kami saka umalis

"Hoy bakit mo siya pinatakas?!"

Lumingon siya sa akin at Nagulat ako sa mga mata niya itim na itim ito parang nakacontact lenses ito.

"Kalimutan mo na nangyari ito " malamig na tono ang narinig ko mula sa kanya tinalikuran niya na ako at naglakad ng nakapamulsa.

Ang weird. Gusto ko sanang magpasalamat at tanungin ang pangalan niya pero malayo na siya. Ang lalaking yon napakamisteryoso niya . Gusto ko siyang makilala ..

Mysterious ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon