Chapter 10: Ang misteryosong lalaki

207 22 4
                                    

  Sky winter

Tumingin ako sa buong kalangitan. Hindi ko namalayan na may pumatak palang luha mula sa mata ko . Naririnig ko lahat ng nasa isip ni Moon kahit ilang metro pa ang layo ko sa kanya . Masaya ako para sayo Moon dahil masaya ka pero. Nalulungkot ako pag iniisip ko ang mangyayari . Darating din ang araw na dahil sa isang misteryosong nilalang mamamatay ang lahat ng may dark code .

Pumasok na ako ng bahay pero may bigla akong narinig .

" Wag mo nang ituloy ang binabalak mo " mahinahon kong sabi sa kanya . Lumabas naman siya sa kanyang pinagtataguan.

" Hindi kaba natatakot sa mangyayari sa atin dahil sa kanya?"
Tanong niya sa akin .

" Hindi mo ako naiintindihan. Wag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo " sabi ko sa kanya .

*Tugsh*
Napatingin ako sa buong kalangitan galit na galit ito katulad ng nasa harap ko . Madilim kumukulog at kumikidlat.

"Hindi ko alam kung bakit mo to ginagawa sky pero gagawin ko kung ano ang alam Kong tama "

" Star tumigil ka !" Natigil naman siya at tumingin sa akin .

"Anu?!"
May pulang tuldok ng ilaw sa noo niya at tinuro ko yon . Nakita niya naman yon ngayon ang galit niya ay napalitan na ng kaba at takot.
Tumingin ako sa direksyon ng lacer na yon .

O.O Nagulat kaming dalawa dahil sa lalaking nakahood na itim sa harap ng gate. Hindi namin nakikita ang mata niya pero alam Kong nakatingin siya sa amin . Nakakatakot ang aura niya nakatutok ang baril na hawak niya sa noo ni star .

"S-sky"

"Star umalis kana .."

'susugurin ko siya '

"Wag mong ituloy yan"
Susugod na sana siya pero huminto siya.

"Umalis kana " sigaw ko sa kanya .sumunod naman siya at lumabas na . Umalis na siya . Tumingin ako sa buong paligid sa paglagay ko wala na ang lalaki  .


  Luna Ashton

Isang umaga nanaman . Kasama kong pumasok ang Winter Brothers sumakay kami sa bus. Kung titingnan talaga sila para talaga silang normal na tao dahil oo normal lang talaga sila pero may kakaiba sa kanila lalo na sa kanilang mga mata . Nasa school na kami at pumasok na pinagtitinginan kami ng mga babae dahil magkasama kami. At napansin ko si Chloe na nakatingin sa amin pero bigla nalang siyang tumakbo paalis nang makita ko siya mukang iniiwasan niya ako .

Hays oo nga pala may gusto siya Kay sky at ngayon ay katabi ko siya habang naglalakad.

" Puntahan mo siya mukang nagtatampo siya sayo ." Napatingin ako Kay sky pero diretso lang siyang nakatingin sa direksyon ni Chloe. Nababasa niya kaya ang isip ng lahat ng estudyante dito? Buti hindi siya nababaliw dahil ang dami niyang naririnig .

Tumingin ako kay Moon ngumiti lang siya sa akin.
Tumakbo na ako at pinuntahan si Chloe. Hanggang sa nahabol ko siya pero nagmamadali parin siya .

"Chloe " hindi siya lumilingon

"Chloe kausapin mo naman ako " pero wala parin mas binilisan niya pa ang lakad niya .

"Chloe naman eh ! Nakakainis na bakit hindi mo ba ako pinapansin?" Huminto siya at tumingin sa akin . Galit na galit siya

" Ikaw ang nakakainis ! 3 taon na akong nasa school pero kahit kailan hindi ako pinapansin ni sky hindi niya nga ako kilala pero ikaw ? Transferee ka palang pero close na agad kayo . Dapat pala unang araw ko palang sa school nagpasikat na agad ako . Kahit mapahiya ako para lang mapansin nila . Bakit hindi kita pinapansin? Ayan pinansin na kita! Papansin ka kasi eh noh?! Pasikat kapa ". Nagulat ako sa mga nasabi ni Chloe . Hindi ako makapaniwala na Sasabihin niya yon sa akin hindi ako makapagsalita dahil sa mga narinig ko mula sa kanya .

Pagkatapos non ay umalis na siya . Galit na galit siya dahil don? Nasasaktan na pala siya sa mga nakikita niya .

Napansin ko na parang may tao sa likod ko lumingon ako sa kanya si moon pala to sinundan lang ako .

"Wala akong narinig " sabi niya
Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na . Wala naman akong gusto at saka may malaking dahilan kung bakit kami magkasama . Kung alam niya na lang na anumang oras pwede akong mamatay dahil sa sikreto nila moon at sky . Pero sa tingin ko hindi niya sa akin Sasabihin yon kahit may galit talaga siya sa akin dahil matagal ko na siyang kilala Sasabihin niya lang na nagseselos lang siya tapos ayun lang pero yung masasakit na salita na narinig ko . Parang hindi siya yon . Parang may Mali . 

Mysterious ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon