CHAPTER 1

6 1 0
                                    

CHAPTER: 1

"ANO BA?!! ANG PANGET PANGET MO NA NGA, HAHARANG HARANG KA PA SA DINARAANAN KO! PANIRA KA NG ARAW!"malayo pa lang ay dinig na dinig sa buong hallway ng unibersidad ang galit na galit na boses ni Estefania Veronica Madrigal. Nabangga sya ng nagmamadaling estudyante habang sya ay busy sa pagtetext. So, sino ba ang tanga sa kanilang dalawa?

"HINDI KO NAMAN SINASADYA MS.ESTEFANIA." sagot ng kawawang estudyante. Tinignan nya ito mula ulo hanggang patay na kuko at tinaasan ng kaka-trim nya lang na kilay.

"AT SAAN KA NAMAN KUMUHA NG LAKAS NG LOOB NA SAGUTIN AKO HA? TINATANONG BA KITA?"sigaw parin ng dalaga. Nagsimula naman ang komusyon sa paligid. Tila nagugustuhan ng kapwa nila estudyante ang munting eksena sa hallway.

"Sorry po. Di na mauulit."nakayukong sabi nito. Inirapan nya lang ito at binangga ng bahagya sapat na para mapatumba ang kawawang estudyante. Ngunit hindi pa ito nakuntento, kinuha nya ang alcohol sa kanyang Gucci na bag at marahang ibinuhos ito lahat sa kawawang estudyante. A smirk form in her lips.

"There, para luminis ka naman sa paningin ko."sabi nito at nagwalk out. Habang naglalakad ay hindi mabura sa kanyang mukha ang ngiting tagumpay. Ang ngiting hindi naman tanda ng pagiging totoong masaya.



Nang makarating ito sa classroom ay automatikong tumaas ang kanyang kilay. Puno na naman ng mga mahihirap na scholar ang paligid at mga mayayamang mayayabang at malalandi ang makakasama nya sa isang buong semester. Kumulo lalo ang dugo nya ng may biglang lumanding sa ulo nya. Isang balat ng saging.

"SINONG MUKHANG BASURA ANG NAGTAPON SA AKIN NG BASURANG TO?"sigaw nya sabay turo sa balat ng saging na kasalukuyang nasa tuktok ng kanyang ulo.

Natahimik naman ang paligid. Tila nabato naman ang mga tao sa loob ng apat na sulok ng silid. Kilala si Estefania Veronica Madrigal bilang isang halimaw. Hindi sa mukha pero sa pag-uugali. Sa sobrang sama ng pag-uugali nito ay pati ang ibang teachers ay tumataas ang presyon. Pati ang mga estudyante ay ilag na ilag sa kanya, natatakot masampolan ng kasamaan ng kanyang ugali.

"WALANG SASAGOT? O AKO MISMO ANG HIHILA NG MGA NGALA-NGALA NYO PARA MAHANAP NYO NA ANG BOSES NYO?"mataray na sigaw parin nito. Nanginginig na tumayo naman ang patpating scholar at itinuro ang isang sosyaling babae na kasalukuyang nakayuko. Tumaas naman ang kilay nya, mukhang namumukhaan nya ang sosyaling babaeng iyon.

"OH?! THE BITCHEST SHARINA FUENTES! HOW ARE YOU MY DEAR? HINDI KA PA BA NAGKAKARON NG AIDS? ILANG LALAKE NA BA ANG NAKADALI SA MALA EIFFEL TOWER MONG KATAWAN?"nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Estefania habang si Sharina naman ay nagpupuyos sa galit.

"HOY MADRIGAL! ANONG AKALA MO HINDI KITA PAPATULAN? ABA'T SUMUSOBRA KA NA AH? AKALA MO BA LAHAT NG TAO TAKOT SAYO? PWES! AKO HINDI! MATAGAL NA KONG NAGTITIMPI SA MALA-DEMONYO MONG UGALI KAYA NGAYON HINDI KO NA PALALAGPASIN LAHAT NG TO."halos maputol na ang litid sa leeg ni Sharina ng sumigaw ito. Marahan namang natawa si Estefania. Tawang mapang-asar.

"SUMIGAW KA PA TALAGA? HINDI KA NAHIHIYA? WALA KA NG MAIPAGMAMALAKI TAPOS MAY LAKAS NG LOOB KA PANG MANIGAW SABAY CHIN UP. HOY SHARINA! FOR YOUR INFORMATION, WALA AKONG PAKE KUNG HINDI KA TAKOT SA AKIN. MABUTI NGA YON EH, MAY THRILL. TEKA ANO BANG PUMASOK SA SINLIIT NG MONGGONG UTAK MO AT BINATO MO AKO NG BALAT NG SAGING?"nakangiting tanong nito. Ngiting nanunudyo at naghahamon ng away.

"YOU KNOW WHY? BECAUSE I HATE YOU. LAHAT NG TUNGKOL SA IYO KINAIINISAN KO."confident na sagot ni Sharina.

"OK, NOW IT'S CLEAR. YOU'RE JUST INSECURE. OK LANG I UNDERSTAND YOU NAMAN SHARINA. I HAVE EVERYTHING. EVERYTHING THAT YOU DON'T HAVE."nang-iinis na sabi nito. Kung ang kaninang takot na takot nyang mga kaklase ay naninigas,ngayon naman ay tila mga audience sa sabungan at naghihintay ng mananalo.


"I'M NOT INSECURE BITCH."tila nagpantig naman ang tenga ni Estefania sa narinig. Bitch? Her favorite word.

"ME? BITCH? OH YES I AM! WE ARE BOTH BITCH. BUT DEAR, WE ARE DIFFERENT. I AM JUST A BITCH WITH A WICKED ATTITUDE. BUT YOU? YOU ARE A BITCH WITH A WICKED FACE AND UNCONTROLLABLE HORMONAL ABNORMALITIES THAT LEADS TO AIDS"nangangasar na sagot nito dahilan upang magtawanan ang mga kaklase nila. Hindi na napigilan ni Sharina ang kahihiyan, agad nyang sinugod si Estefania at akmang sasampalin ng mapigilan ito ni Estefania.

"NOW YOURE USING VIOLENCE. HAHA! LALO MO LANG PINAPAHIYA ANG SARILI MO."imbes na matakot ay nang-asar pa si Estefania dahilan para maputol na ang sing-nipis ng sinulid na pasensya ni Sharina at mabilis na sinambunutan ang huli.

Nagsigawan naman ang mga tao sa classroom tila aliw na aliw sa eksena. Dehado na sa sambunutan si Sharina, mas malakas si Estefania at sa haba ba naman ng kuko nyang may pink na manicure ay siguradong namimilipit na sa hapdi ng pagkakakalmot si Sharina.

Nagkakagulo parin ng maabutan ng isang prof at guard ang pangyayari. Mabilis pinaghiwalay ang dalawa at agad na inilabas sa classroom. Natatawang hinawi ni Estefania ang kulay burgundy nyang buhok at nagsmirk kay Sharina na halos himatayin sa pagkakasambunot nito.

Agad na dinala sa guidance office si Estefania, habang sa clinic muna ang bagsak ni Sharina.

Napataas ang kilay ng guidance officer ng makompermang si Estefania Veronica Madrigal na naman ang bumisita sa kanyang opisina. Napailing na lang ito at humugot ng isang malalim na paghinga.

"Ms.Madrigal what is it again this time?"kalmado ngunit may diing tanong ng guidance councilor.

"Do i really need to explain? Ask those stupid students of this university who witness our legendary brawl." walang ganang sagot nito. She is tired of explaining her side, in the end hindi naman sya pinaniniwalaan.

"Explain it or else aabot na naman ito sa mga magulang mo. Hindi ka na nahiya? Kahapon andito sila para pakiusapan akong bigyan ka pa ng isang pagkakataon para hindi ka makick-out sa eskwelahang ito. Tapos gumawa ka na naman ng gulo, what is your problem Ms.Madrigal? Lack of attention?"tila nabato naman si Estefania ng marinig nito ang huling tinuran ng guidance councilor.

"Go ahead Ms.Pinagnagan. Isumbong mo na sa parents ko. See you again tommorow."sabi nito at agad na lumabas ng opisina. Agad syang nagtungo sa isang tabi at umupo.

"Lack of attention her ass! Sa sobrang pagbabantay at paghihigpit nga nila ay sakal na sakal na ko."kausap nito ang sarili. She wants to shout. She wants to shout all her pain away, but she couldnt do it.

Wala na syang ganang ipaliwanag lahat. Besides, lahat ng tao ay hindi naman sya paniniwalaan. Like earlier, hindi naman sya yung nagsimula ng away at hindi rin naman sya ang unang nanugod para manakit. Pero sa mata ng ibang hindi nakakaalam ng totoong pangyayari ay siya ang may kasalanan. Na sya lang ang may kayang gumawa ng ganun.

Sa saglit na pananahimik ay umandar na naman ang mala-demonyong ugali ni Estefania. May isang napakagandang ideya ang pumasok sa utak nya dahilan para mapangiti sya ng kaylapad.

"Humanda ka Ms.Pinagnagan. I'm not Estefania Veronica Madrigal for nothing. Let's see who'll suffer after this."saad nito at naglakad papunta sa kung saan. She will make a way to make everyone who blocks her way suffer. Like she does.







[End of Chapter 1...]

How was it guys? Vote and comment if you like it! Thank you!

See you next chap!

ESTEFANIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon