CHAPTER 2

6 1 0
                                    

CHAPTER 2

"Ano na namang ginawa mo Estefania Veronica Madrigal?"yan ang bungad sa kanya ng amang si Pierro Madrigal na isang kilalang businessman.

"Ah so, nagsumbong si Pinagnagan? Wow! She's really amazing. Wala pa ngang dalawang oras nakapagreport na sya sa inyo."natatawang sagot ni Estefania. Well,she's not surprise anymore. Everyday routine na ito kung maituturing.

"What do you want? Money? Gadgets? Tell me what you want. Itigil mo lang ang kalokohan mo."bakas sa boses ni Pierro ang pagkairita sa anak. He don't know why his only daughter acts like she is not contented with what she have. In fact, she lives comfortably more than those thousand students in the university. So what is the reason why she end up being like that?

"Pinapapunta kami ni Ms. Pinagnagan bukas. God! Estefania, kakagaling lang namin doon kahapon tapos eto na naman? Ano bang masamang hangin ang nakakain mo at sobrang sama na ng ugali mo?"sabat naman ng ina nitong si Katerina Madrigal, isa namang doktor.

Napairap naman siya at akmang lalampasan nya ang magulang ng bigla na lang itong napapikit hapdi. Sa sobrang lalim ng iniisip nito kanina ay hindi na nya napansing nasugatan sya sa kanang braso nya. Mas lalong nag-init ang ulo nya sa basurang si Sharina dahil sa pagsugat sa kanyang makinis na balat.

"Wag kang bastos!"umalingawngaw sa malaking bahay ang sigaw ng kanyang ama. Marahas na napalingon naman sya dito at tinitigan nya ng mariin ang ama.

"Wag akong bastos? Eh kayo? Hindi ho ba nakakabastos ang inasal nyo? Pagdating ko, imbes na tanungin nyo ako kung okay lang ako o kahit tinanong nyo na lang ako kung ano ang buong pangyayari eh kayo pa tong agad na nanghuhusga. Mas pinaniniwalaan nyo pa yung Pinagnagan na yon kesa sa sarili nyong anak? Bakit? Alam nyo ba yung buong pangyayari? Nandoon ba kayo? Wag nyo po akong pagsasabihan dahil wala kayong alam."sigaw nito habang pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng kanyang mga luha. She don't want to cry again infront of her parents. Not again.

Agad syang umakyat at nagkulong sa kanyang kwarto. Naiwan namang nakatulala ang mga magulang nito. Napahilamos naman sa kanyang mukha si Pierro dulot ng tensyong hindi parin humuhupa.

Kinabukasan ay nakangiti na syang bumangon sa higaan. Tuwing naiisip nyang pagkatapos ng araw na ito ay magiging miserable ang guidance councilor na si Ms.Pinagnagan ay hindi nya mapigilang mapahalakhak.

"Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong sumbungera ka."nakangiti nitong saad bago pa sya pumasok sa banyo at nagsimula ng mag-ayos ng sarili.

Pagbaba ay napasimangot naman sya. As usual nauna na namang pumasok ang mga magulang nito sa kani-kanilang trabaho. Once in a blue moon lang sila kung magsabay kumain. At kung magsasabay man sila ay parang useless din, di parin naman sila nag-uusap usap.

Pagdating nya sa unibersidad ay direcho lang sya ng tingin. Nakakawalang ganang pumasok sa ganitong eskwelahan. Puro pasikat at pagandahan. For pete's sake nasa paaralan sila, wala sila sa mall o sa showtime.

Patuloy lang ang paglalakad si Estefania, panaka nakang tingin ang ipinupukol sa kanya ng bawat estudyanteng nadadaanan nya. May matang mapanghusga,nanunuya at kung ano ano pa. Bilang ganti, tinaasan nya lang ng kilay ang lahat ng mga taong tumitingin sa kanya.

Kung ano anong bulungan ang naririnig nya ngunit hindi nya na lang ito binigyan ng pansin. Mas pinili nyang lampasan ang mga ito at mag-focus na lang muna sa pagganti kay Ms.Pinagnagan. A devilish smile form in her lips.

Mas lalong lumapad ang ngiti nya ng makasalubong nya si Pinagnagan. Mukha itong maaliwalas at masaya, pero hindi na rin magtatagal yan dahil sisiguraduhin ni Estefania na bago matapos ang araw na ito ay magiging miserable sya.

ESTEFANIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon