CHAPTER 3
"WHAT DID YOU SAY?"malakas na sigaw ni Estefania. Kasalukuyan syang nasa opisina ng dean na si Mr.Delfin.
"You heard me right Ms.Madrigal. I'm not going to expel you, but i'm transferring you to the other branch of this university and it's located somewhere in province."kalmadong tugon ni Mr.Delfin.
"BUT IT'S NOT FAIR! SI SHARINA COMMUNITY SERVICE LANG ANG PARUSA. DO YOU THINK IT'S TOO MUCH?"reklamo nya ulit.
"It's not too much young lady. Someday you'll thank me after this."nakangiting sabi ng dean at kinuha ang isang envelope na naglalaman ng mga files ni Estefania.
"I've already discuss it with your parents at pumayag sila. Here's your requirements, next week na yung start ng pasok doon. We'll provide everything miss Madrigal. Allowance,shelter, everything. My only rule is don't do any trouble there. Iba ang mga tao dun, and i want you to find out personally."dagdag pa nito. Napabuntong hininga na lang si Estefania. As if she have a choice?
"Fine."yun na lang nasabi nya at lumabas na ng opisina. Pero di pa lang nangangalahati ay agad syang bumalik sa opisina ni Mr.Delfin at direchong pumasok sa loob.
"You startled me Ms.Madrigal! What is it?"gulat na tanong ni Mr.Delfin.
"How about ms. Pinagnagan?"mataray na tanong nito. Tumawa lang si Mr.Delfin at nagkibit-balikat.
"Kasalukuyang ineembistigahan pa ang tungkol kay Ms. Pinagnagan. Bakit?"nagtatakang tanong nito.
"No need to envistigate. I have the proofs and evidence here. Better to check it out before making your decision. Bye Mr.Delfin."sabi ni Estefania at nagpatuloy na sa kanyang grand exit. She mentally laughed. Ine-imagine nya na ang pag-aalsa balutan ni Pinagnagan habang maraming matang nakamasid sa kanya, mga matang mapanghusga.
Balak na sana nyang umuwi ng makasalubong nya ang pinakapaborito nyang guro. Walang iba kundi ang guidance councilor nilang pinaglihi sa sobra sobrang sama ng loob. Ngumiti sya ng matamis sa guro at hinintay ang magiging reaksyon nito.
"Kung akala mo mapapabagsak mo ako. Pwes! Nagkakamali ka. You don't even have evidence with you so i know na hindi ka naman paniniwalaan ng lahat. Anyway congrats! Sa wakas ay lalayas ka na rin ng unibersidad. Take care dear. I'm gonna miss you."sabi nito at ngumiti ng nakakaloko.
"Mami-miss din kita Pinagnagan. Sa sobrang close natin, sabay pa tayong lalayas sa unibersidad na to. Ako, ililipat lang sa kabilang branch eh ikaw? Saan ka na maghahanap ng trabaho nyan?"pang-aasar nito na dahilan upang ikalukot ng pagmumukha ni Pinagnagan.
"Anong ibig mong sabihin?"mariing tanong nito na may halong kaba.
"Igoggle mo na lang."walang ganang sagot mi Estefania at naglakad paalis. Naiwan namang nakatanga at kinakabahan ang guro.
She confidently walk dahil naibigay na nya sa dean ang mga matitibay na ebidensya na magpapatunay na isang kabet at maduming babae si Pinagnagan. Imagine? Ang pinaka kagalang galang at pinakamabait 'kuno' na guro ay isa palang imoral.
Pagkauwing pagkauwi nya pa lang ng bahay ay sinalubong sya ng kanyang ina na nakakunot ang noo. Tila isa itong kriminal kung tingnan ng kanyang sariling ina.
"Why? Is there something wrong with my face?"iritableng tanong nya. Umiling ang ina nito at patuloy parin syang tinitigan. Nairita naman si Estefania dahil sa weirdong inaasta ng ina kaya nagpagdesisyonan nyang lampasan na lang ito at umakyat na ng kwarto. Ngunit hindi pa sya nakakahakbang ay sa wakas umimik na rin ang kanyang ina.
BINABASA MO ANG
ESTEFANIA
HumorSaktong pagtungtong ng alas kwatro ng hapon ay isinilang ang napakagandang bata para sa mag-asawang Katerina at Pierro. Bakas sa mukha nila ang saya at pananabik sa bagong silang na sanggol. Pinangalanan nila itong Estefania. Ilang taon ang nakalipa...