Chapter 1

1.9K 54 22
                                    

Chapter 1 ; First Case.

STEPHANIE'S POV

I'm Stephanie Lim. A Grade 10 studente at Lorenzo High. Not a nerd but I love reading books. Not just some romance books but informative books. I'm not into those kind of books. But sometimes, some students sees me as a Nerdy girl. Madalas kasi akong may dalang book or notebook.

Currently nasa library ako ngayon. Well who wouldn't love that place? That place is heaven! Before 4:30pm ay kailangan ko na makabalik sa dorm namin. Yes, you're right. Lorenzo High is a dormitory school. As my memory serves me right, may lahing American ata yung owner ng school kaya napagpasiyahan niya na gawin Dorm-type to. Students can stay here for the rest of the school year. Pwede rin sila umalis to buy something. Malapit rin naman kami sa may mall.

Nang tingnan ko ang wrist watch ko ay 4:15pm na pala. 15 more minutes bago ako makarating sa dorm. Maaga kasi nagsara ang library ngayon for some reasons.

Kung tinatanong niyo kung meron akong kaibigan, yes meron. Sila Chrisha and Pearl. My roomates and kapwa Grade 10 students rin.

Pagkarating ko sa dorm, ay nandun na yung dalawa. I don't mind talking to them. Too tired and too lazy to talk. Nakahiga na ako sa malambot na kama ko. Ughhh! Sa wakas.

"Pst Steph!" Pagaagaw atensyon saakin ni Pearl. Since I'm too lazy to talk ay binigyan ko na lang siya ng What-look ko.

"Alam mo ba yung nangyari kay Ms. Monique at Matthew? Yung sa Grade 9 Bohol? Grabe! As in! Kala mo yung status nila ay di Teacher-student e!" Paninimula ni Pearl sa kwento. Well, I'm not surprised. Siya si Matthew Chua. A well-known bully in our school. Kahit Grade 9 pa lamang siya ay kinakatakutan na siya ng halos lahat ng estudyante dito. Porket galing siya sa isang masagana at makapangyarihan na pamilya.

"Anyare ba?" Di ko na napigilan an sarili ko magsalita.

"Ganito kasi yun, kanina na late si Matthew sa klase ni Ms. Monique. Pagpasok ni Matthew sa klase ni Ma'am ay di niya ito kinausap. Dire-diretso! Nung tinanong siya ni Ma'am ay di siya sumagot. Eto pa! Di siya pinapaupo ni Ma'am hanggat di siya sumagot kaya no choice siya. Nagulat kami kung ano yung rason niya bh3. Nilaro niya pa daw yung mga chemicals sa Science Lab! Ayun! Nagkainitan na." Hanep rin to e. Pag nagkwekwento ay may sound effects pa. Talagang di ka maboboring. Idol!

"Tapos, nagbantaan pa sila sa isa't isa! Sabi ni Ma'am kay Matthew ay di na siya sisikatan ng araw habang sabi naman ni Matthew ay kailangan niya magingat sa mga sinasabi at kinikilos niya kung ayaw niya, buong pamilya niya mawalan ng trabaho! Grabihan talaga sila bh3!" I'm not surprised by Matthew's words pero yung kay Ms. Monique? First time!

And one advantage pag meron kang mga chismosang kaibigan ay nalalaman mo lahat ng nangyayari dito sa school niyo.

Di na lang ako sumagot at nagpahinga na lang ilang saglit.

Naligo at nakapagbihis na ako dahil bababa rin ako mamaya sa may canteen para kumain. Mamayang 10:35pm pa naman ang curfew ng mga estudyante dito.

Bumaba na ako kasama sila Chrisha at Pearl. I ordered the not so usual. Vegetables and juice. Minsan ganito, madalas hindi. No choice ako e.

Usap-usapan rin nila kanina na nandito na daw yung exchange student. Idk eh. I ditched my classes today. Buong araw, nasa library lang ako.

Umupo na ako sa may table namin, may napansin akong lalaking nakaupo sa di kalayuan. Siya ata yung exchange student?

"Pst. Pearl, Chrisha" Pagtawag ko sakanila. Tinignan na lang nila ako at parang hinihintay ang tatanungin ko.

"May itatanong sana ako, kilala niyo ba yung lalaking yun? Siya ba yung exchange student?" Sunod sunod na tanong ko sakanila.

"Seryoso Lim?! Di mo kilala?!" Gulat na tanong ni Chrisha saakin.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Pamimilosopo ko sakanila. Tiningnan na lang nila ako ng masama. Eh sila rin naman e! Mga tanong nila. Jusko.

"Okay. Oo, siya yung exchange student. Classmate mo siya, kapwa Grade 10A mo siya. Siya si Blake Kyle Sylvester. Bakit kasi di mo kilala?" Oh, so siya nga yung exchange students.

"Kasi nga! Nag ditch ako." Nirason ko sakanila.

Nang tiningnan ko siya ay nakain lang siya roon.

So Blake Sylvester pala ha?

"Bakit mo ba natanong? Na love at first sight ka ba? Naknang! Haha!" Pangaasar saakin ni Pearl. Ano na naman ba nasapok nito sa kokote? Mga walang kwenta ang sinasabi.

"Lul. Yak." Yan na lamang ang taning nasabi ko sakanya. Kadiri naman. Di naman ako agad ganun at wala akong hilig sa mga ganyan. Mga pwe!

As usual, maingay parin ang canteen namin. Ano ba ang bago? Natapos na ako kumain at nagbasa na lang. I'm a keen observer btw. Hindi halata pero ganun ako.

Napansin ko sa Matthew kasama ang mga kaibigan niya. Gang sila kumbaga. Mga gangsters ng school namin. Nakakaya niya pa ngumiti kahit ganon ang nangyari? Di ba siya nangamba sa grades niya? Oh well. He's the great Matthew Chua.

Pero bat di pa niya ginagalawa ang pagkain niya? Himala ata? Ano ba pakielam ko? Lmao. Nakakapanibago lang kasi y'know.

Anyways, pinagmasdan ko na lang ang mga tao rito. Normal as usual haist. Napunta na naman ang tingin ko kanila Matthew, ewan ko. Feel ko e.

Nakahanda lang dun yung pagkain ni Matthew at nakikipagdaldalan lang siya. Unang kumuha ng pagkain si James. Ika nga nila 'Sharing is Caring'.

"AHHHHHHHHH!!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si James at nahiga na lang sa lapag. Yung bibig niya bumubula! Kahit yung gang nila at mismo si Matthew ay nagulat rin! Walang ni isa ang gumalaw dahilan na rin sa sobrang gulat.








Ang pagkain na kinain ni James ay may lason! He was poisoned!

--

So heeeeey! Tapos na ang 1st Chap! Unahan ko na kayo, yes I got this idea from DF of ShinichiLaaaabs, so inaalay ko talaga tong Chapter na to kay author! @ /ShinichiLaaaabs notice me senpai! Heuehu. Hahah. So yun, di ko naman talaga ginaya. I just made that as my inspiration. So thank you! Next time hahabaan ko na rin yung mga chapters. Hehe. I already dedicated this chapter for the author that has been my inspiration!

Lorenzo High (Case 1) Where stories live. Discover now