Chapter 10

247 13 0
                                    

Chapter 10 ; The Spider Web society. (Problem)

STEPHANIE'S POV

Spider Web society.

Contact; 81-0000

golem

Nagulat kami sa aming nakita, pero mas nagulat kami kung paano nalaman ni Blake kung saan nakatago ang Flyer ng Spider Web society. Napatingin kami sakanya ng di makapaniwala habang siya naman ay ineexamine ang flyer.

"Paano mo nalaman na andito to? Isa ka ba sakanila?!" Tanong nila sakanya.

"No. Wala. Nahulaan ko lang because of the outline on the front flyer." Simpleng pagsagot niya sa dalawang nagtanong sakanya.

"That's one of the traits a detective should have, the observation skills."

Well may point siya dun.

"Now we have the flyer. Ano gagawin natin?" Tanong ni Chrisha saamin. Sasagot na sana ako na pabayaan na lang kaso biglang nagsalita na si Pearl.

"Tawagan natin! Gusto ko malaman sino mananalo sa Student Goverment! Hihihi." Sabi naman ni Pearl sakanila.

Yung totoo? Gusto ba nila makakita ng mga gagamba sa locker ng mga candidates? Wai-wait, isa ako dun ah?!

"Nahihibang ka na ba?! Isa ako sa mga candidates tapos ganyan ka?" Sabi ko sakanya na ikinatawa na lang niya.

"Sige na pleaseee?" Pangungukit niya saakin. Nakatingin lang ako sakanya at bago pa ako makareact ay tinawagan na nila ito. At etong dalawang to, niloud speaker pa. Pagka tingin ko kay Blake ay walang reaksyon lang siya. Dahil ba na candidate rin siya sa Student Goverment? Or dahil ganyan lang talaga siya?

                          Calling 81-0000

Yan yung nakalagay sa screen. Naghintay kami ng ilang minuto pero walang sumasagot. Nakailang try narin kami at wala parin. Totoo ba ito? O trip trip lang ng mga estudyante dito?

Sa limang pagkakataon ay sa wakas may sumagot na rin. Pero di siya basta bastang boses, yung boses ay parang nilagyan ng effects para di mahalata kung sino man yun.

You have reached the contact of  the spider web society. Congratulation, you have successfully found our flyer. You may tell us your concern after the beat.

Yan yung sinabi ng nagsalita sa phone. Creepy. Lalo na yung nagplay na yung beat. Parang di ko pa siya naririnig sa mga kanta or anything, sila mismo gumawa nung beat na yun. Nang matapos ang 'intro' ay dun na nagsalita si Pearl.

"Hello! Totoo ba kayo? Anyways, gusto lang sana namin malaman kung sino mananalo sa Student Goverment? Kasi yun yung sabi sabi e. Tapos maglalagay kayo ng nga spiders sa locker diba? Thank you! And sana malaman na namin"

Pagkatapos nun ay binaba na niya. Minsan talaga di ko alam paano ko sila naging kaibigan e. Haist.

"Una na ako." Sabi ni Blake at dali daling umalis bago pa siya makulit ng dalawa kong kasama.

"So tapos nanaman ang pakay natin at natawagan na rin natin ang Spider Web society ay bumalik na tayo sa klade natin. Tapos na ang siesta natin." Sabi ko sakanila at salamat naman at sumangayon sila.

Bunalik na kami sa klase namin at nakinig na. Next subject ay Science then after naman ng Science ay Math na. Galing diba?

•••••

*Riiiiiing!*

Tumunog na ang bell at hudyat iyon na lunch na namin.

Lumabas na ako ng classroom at tumungo na sa canteen. Nothing special tho. Just a normal day. Pagkarating ko sa canteen ay bumili na ako ng pagkain. Fries and Iced tea lang ang binili ko, natanaw ko na rin sila Chrisha sa table namin.

"Uy! Chirshaaaa! Si Fafa Liam oh! Emegesh beh."

Yan na lang palagi ang pinaguusapan nila kundi si Liam, si Edward naman.

Kumain na lang ako at nanahimik. Wala rin naman akong gusto dito e.

"AHHHHHHHHHHHHH!" Narinig namin na may sumigaw at pumasok sa canteen. 

"Tulong! Tulong! Si Johan at Faith ay patay na!" Sigaw nung babaeng nagiiyak.

Lahat kami ay nabulabog at nagulat. Ni isa saamin ay walang gumalaw. Nagulat kami sa sinabi niya.

"Ano pa ginagawa niyo? Tumawag kayo ng ambulansya at mga pulis! Walang magagawa kung nakatingin lang tayo dito!" Natauhan naman kami dahil bigla nanaman sumigaw si Blake at dali daling pumunta kung saan siya dalhin.

Napatayo at sinundan ko na si Blake. Ewan ko kung bakit pero I like this kind of happenings. Yung parang makakapagbigay ka ng justice sa isang tao. Di ko alam kung saan siya pumupunta pero sinusundan ko lang siya.

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa mapatigil ako sa isang matigas na bagay. Pagkatingin ko ay likod iyon ni Blake at nandito kami sa tapat ng Locker room?

"Oh. Blake ikaw ulit, di na ako nagtataka na nakita kita dito."

Yumuko lang siya at nagtungo na sa loob. Tumungo na rin ako at sinundan naman kami ng mga pulis.

Pagpasok namin ay nagulat ako sa nakita ko. Si Johan at Faith ay nakahandusay sa may lapag na duguan. Andaming sugat na natamk nilang dalawa. Walang awa ang gumawa neto.

Nagsimula na sila magimbestiga at mismo kami rin ni Blake ay nagimbestiga na. Pagkalapit ko ay nagulat ako sa aking nakita, mga gagamba na nakakalat sa dalawang katawan na nakahandusay ngayon. At isang drawing rin ng gagamba ang nasa may mga noo nila.

"Detective Black, may nalahap po kaming konting information sakanilang dalawa. Si Johan ay isang Grade 8 student while si Faith ay Grade 9 student. They are both running for the Student Goverment postions." Sabi ng assistant ni Detective Black.

Tumango na lang si Detective Black at nagsimula na magimbestiga. Mismo kami rin ay nagiimbestiga na. But I have a some proof that this could have been done by the Spider Web society.


One, because of the spiders that are scattered here. Second, the spider drawing on their foreheads. And Third, they are running to be a part of the Student Goverment.

•••••

Finally! Actually nahihiya ako e, yung mga nababasa kong story ambilis nilang magupdate samantalang ako ang tagal 😭 Nakakachapter 10 pa lang tayo hueheuehu. Dapat nung Saturday pa to e, kaso nagretreat kami soooo yeah. HAHAHAHA.

Thank you and lovelots! ❤️

Lorenzo High (Case 1) Where stories live. Discover now