Chapter 9

280 16 1
                                    

Chapter 9 ; The Spider web society. (Start)

STEPHANIE'S POV

"Well, since na solve mo na yung 2nd mystery, why don't we solve the first mystery? The Spider Web society."

This doesn't sound right.

"Ako rin! Gusto ko rin masolve yung Spider web something!!" Masayang sabi ni Pearl. Omgg.

Well, I guess I have no other choice but to say yes.

"Uhum." Yan na lang nasabi ko sakanila at nakita ko nanaman ang masasaya nilang mukha.

"Then G!! Wait, hanapin ko dito yung notebook na puno lang ng information tungkol sa Spider Web Society."

Hinanap na ni Sam sa may desk at sa may bookshelf yung sinasabi niyang notebook. Mukhang wala ngang nakakaalam dahil nahihirapan si Sam sa paghanap ng notebook.

Nakita ko na nahanap na ni Sam yung notebook. Color green ang notebook at simple lang ang design. Sa may lower part ay may SW na sign which I guess na sumisimbolo sa Spider Web.

"Phew! Nahirapan ako sa paghahanap nun ah! Pero eto na! Wiiieee." Masayang sabi ni Sam.

Ano ba ang makukuha namin dito? Baka may isang member ng Spider Web Society na pinagmamasdan kami ngayon at isusubong sa head nila. Invading people's privacy is a must not.

"Pagmamayari ba yan ng Spider Web? I think na wag na lang natin pakielaman yan marahil ay privacy yan ng grupo nila. Kahit mysterious ang grupo nila, di parin natin dapat ginagawa to."
Explain ko at nakita ko naman na umiling sila at napatawa na lang.

"Actually, iniwan to ng former head ng Spider Web society nung 2015. Hindi niya ito sinabi sa iba at tinago lang dito. Di na rin naman siya nahanap nun dahil graduation year niya yung year na yun." Sabi naman ni Raya.

"Eh paano niyo to nakita?" Tanong ko. For sure, being the leader of the Spider Web society means that you're a great keeper.

"As you can see, kami nga nagbabantay ng library and sometimes kami rin nagaayos ng mga libro. Nachambahan lang namin na nahanap ko yan notebook na yan"

Lakas ng chamba hehe.

"So? Maguusap lang ba tayo? O bubuksan natin yan para sa mga information?" Tanong saamin ni Chrisha. I still do not approve about this whole notebook thingy. Tumango na lang sila at binuksan na ni Sam yung Notebook.

Nakailang turn pa siya ng page bago na binasa saamin ng malakas yun.

"Greetings. We are the Spider Web society! If you ever saw this note, meaning you are able to find the notebook hidden by our head, Golem."

Nagstop siya sa pagbabasa at tumingin saamin. Ilang segundo muna ang pinalipas niya bago ulit siya bumaliksa pagbabasa.

"If your mind is in a curios state, I can give you some information about our society. You can find our flyer at the bulletin board together with the other flyers with the candidates. With that flyer, you'll be able to contact us since we've put our contact number there. I wish you the best of luck!"

Lorenzo High (Case 1) Where stories live. Discover now