Chapter 2

946 33 6
                                    

Chapter  2 ; Poison Case?

Tuluyang nagpanic ang mga tao sa canteen. Kahit ako, napako na ako sa kinakaupuan ko. Sino bang di magugulat sa nangyari?

"Tumawag kayo ng ambulansya at ng pulis! Bilis!"  Sabi ni Blake sakanilang lahat. Walang nagawa yung iba kundi sumunod na lang sa iniutos ni Blake. Grabe ah. Kahit baguhan pa lamang siya ay napasunod na niya ang mga estudyante dito.

Nang tingnan ko si Matthew, ay di maipinta ang mukha niya. Ano nga ba ang nangyari kanina sa canteen?

Ang nagbigay ng pagkain kay Matthew ay isang estudyante rin sa Lorenzo High. Siya si Andrea Flores. Mabait naman siya sa pagkakantda ko.

Masiyahin pero kanina ay mukhang malungkot siya o guilty? Di ko rin masasabi. Looks can be sometimes decieving.

Everytime ay may kumukuha ng pagkain ng bawat isa sakanila. Ang nakatoke ngayon ay sila Cyrill, Justin at si Red. Silang tatlo ang kumukha ng mga pagkain kaninang merienda. Halo halo na rin ang pagbibigay nila. Meaning, first come first serve.

Then, dun na sila nag start kumain at nagsimula na rin ang pag-poison kay James but kay James nga ba?

Aha! The posion was not really for James! It was really for Matthew! But sino ang posibleng gumawa nun kay Matthew? Pero ang tanong isang Posion case nga ba ito?

"Oy. Diba sabi mo nagaway si Ms. Monique at si Matthew?" Tanong ko kay Pearl.

"Oo. Kanina lang nangyari yun e." Sabi ni Pearl saakin.

Oh. May posibilidad kaya na si Ms. Monique ang may gawa nun? Pero imposible na posible! Teacher naman siya. Alam niya ang tama sa mali, pero talaga ughhh! Nakakagulo ng isip!

Aha! Alam ko na! Mamaya na lang ako magreresearch tungkol diyan. Mamaya. Sana di naman ako mahuli mamaya ahe.

Dumating na ang mga pulis at ang ambulansya. Sana lang na maging okay na si James.

Nilagyan na ng mga pulis ng mga sticker dun. Alan niyo yung yellow na mahaba na parang sticker? Oo yun nga. Paktay! Paano ako neto? Haist. Bahala na si Doraemon mamaya.

Pinabalik na kami sa dorm ng mga police dun. Pagpasok ko naman sa dorm ay nagpunas na lang ulit ako at nagbihis na. Marami-rami rin ang mga activities na gagawin ko bukas.

-

Kinabukasan ay maaga ako nagisig para sa gagawin kong investigation. I'm a fan of Detective Conan at Sherlock Holmes kaya kahit sa mga ganitong bagay ay naeexcite ako ㅡ imbis na matakot at magpanic ay mas naeexcite ako sa mga nangyayari.

Nang tingnan ko yung orasan ay 4:35am na.

Naligo at nagbihis na ako. Nagsuot na lang ako ng all black na damit. From jacket to shoes ay all black. After kong magbihis ay bumababa na ako.

Pagdating ko sa canteen ay salamat na lang at walang tao rito! Thank God!

Nang tingnan ko yung table na kinainan nila Matthew ay wala naman kasuspi-suspicious dito. Katulad lamang ito ng ibang table. Paano nangyari na nalason si James dito?

"Boo." May isang boses ang nagsabi niyan saakin. Ah isang bose--ISANG BOSES?

"HOLEEFLOWER?! AH--" Naputol yung sigaw ko nung takpan niya an bibig ko.

Oh diyos ko. Gabayan niyo po ako. Our father. Hail Mary. Mama Mary. Papa Jesus. St Lorenzo Ruiz. San Pedro. Angel Gabriel, ako ninyong gabayan.

"Oh bat mukhang natatae ka?" Ay! Parang kilala ko boses na yun ah?

Lorenzo High (Case 1) Where stories live. Discover now