Yung ka-member mo siya sa badminton group pero di mo man lang siya makausap. Yung tipong hanggang tabi ka na nga lang sakanya may space pa na half meter. Ni mag titigan nga ng isang minuto di namin magawa kasi hindi ko kaya, hindi ko kayang tumitig ng matagal sa mga mata niya. Yung parang pag napatitig ka sa mga mata niya ng mahigit pa sa sampung segundo eh may mababasa ka. Yun bang parang mahuhulog ka ng dahil lang sa mga mata niya, oo napaka-showy ng mga mata niya kaso sayang nga lang at di ko magawang tumitig pabalik sakanya.
BINABASA MO ANG
All about Hugot
RandomAng mga hugot ng sawi, in-love, complicated, umaasa at higit sa lahat pinaasa. In short ito ay ang hugot ng buhay ko o buhay mo, malay mo may similarities pala tayo. Ay nga pala, walang "Tayo"...sorry nalimutan ko.