Ako kasi, yung tipo ng babae na mas pipiliin ang magpakatanga kesa sa gawin kung ano ang tama. Ako kasi, yung babaeng madaling mabola. Ako kasi,yung babaeng matibay sa una pero habang tumatagal rumurupok din pala. Ako kasi, yung babaeng madaling maloko. Ako kasi, yung babaeng mahuhuli mo gamit lang ang mga mabubulaklak mong mga salita. Ako kasi, yung babaeng gagawin ang lahat para mapasaya ka. Ako kasi, yung babaeng kayang tiisin lahat para sayo. Ako kasi, yung babaeng handang magmahal ng walang hinahantay na kapalit. Ako kasi, yung babaeng nahulog sayo. Pasensya na ha, hindi ko napigilan. Sadyang ganun e. Sadyang madali lang ako...madali lang makuha. Pasensya kasi nakilala mo pa ako. At patawad nadin kasi ginulo ko pa ang buhay mo...ikaw, siya, kayo...lahat kayo ng kaibigan mo. Pasensya sa lahat kasi ako lang naman ito, ang babaeng minsang nagmahal sayo ay hinding-hindi na muling magpapaloko sa isang katulad mo.
BINABASA MO ANG
All about Hugot
RandomAng mga hugot ng sawi, in-love, complicated, umaasa at higit sa lahat pinaasa. In short ito ay ang hugot ng buhay ko o buhay mo, malay mo may similarities pala tayo. Ay nga pala, walang "Tayo"...sorry nalimutan ko.