"Ako? Loyal ako." sabi niya
"Ows?! Di nga?!" sagot ko
"Oo, loyal ako" sagot niya
Oo na, loyal ka na. Maswerte kung sino man ang babaeng magustuhan mo kasi loyal ka. At sana ako nalang yung babaeng magustuhan mo, pero, parang malabo. Malabo at malayong magka-gusto ka sakin kasi friend mo lang ako. Alam ko yung 'ideal girl' mo. Sinabi mo na sakin dati. Pero sana, kahit konti man lang lumampas ang tingin mo sakin bilang isang kaibigan lang, yung tipong crush pero hindi crush. Masaya na ako dun. Alam mo naman na mababaw akong tao diba? Madali lang akong pasiyahin pero madali lang din akong masaktan. Oo, may tawag ka sakin, sabi mo pa nga "Maliit ka kasi" sabay ngumiti ka pa sakin at abot nung inaabot ko na di ko maabot-abot. Nagiging hobby ko na ang pagtitig sayo, pero di naman ako kumportable pag tumititig ka pabalik kaya magdadahilan nalang ako. Minsan nahalata yun ng classmate natin kaya tinukso niya tayo sa isa't-isa, diba? Alam kong di mo 'to mababasa kaya dito ko 'to sinulat. Alam ko kasing di ka mahilig magbasa ng mga ganto. Isang araw sinabi mo sakin na mas gusto mo yung siya mismo ang aamin sayo na-gusto ka niya. In-explain mo din kung bakit mo iniiwasan yung mga babaeng classmate/schoolmate natin na nagkakagusto sayo. Kaya parang nabigyan ako ng lakas ng loob para umamin tuloy sayo pagdating ng Christmas Break, kahit sa chat lang kasi di ko masabi ng personal. At eto na nga ako ngayon. Nag-iisip ng mabuti kung aamin na ba talaga ako o itatago ko nalang? Ang hirap kasi e. Ang hirap kung alam mo lang. Ang hirap na lagi kitang kasama kaso walang lumalabas sa bibig ko. Yung tipong normal moment lang sayo yung nangyayari pero para sakin e special na. Yung dati nating ginagawa na walang kulay unti-unti ng nagkakaroon ngayon. Yung simpleng bagay na ginagawa mo nagiging mahalaga na. Ang sakit kasi alam kong NEVER kang magkaka-gusto sakin. Ang sakit na kahit anong gawin ko manhid ka pa din. Ang sakit isipin na, may espesyal na akong nararamdaman para sayo pero ikaw wala, kaibigan lang ang turing mo sakin, parang kapatid kahit mag-classmate lang tayo, at higit sa lahat yung pagiging manhid at malamig mo parin. Hayaan mo pagkatapos nito di na ako aasa. Titigal na ako. Sususko na kumbaga.

BINABASA MO ANG
All about Hugot
AcakAng mga hugot ng sawi, in-love, complicated, umaasa at higit sa lahat pinaasa. In short ito ay ang hugot ng buhay ko o buhay mo, malay mo may similarities pala tayo. Ay nga pala, walang "Tayo"...sorry nalimutan ko.