Spoken Word Poetry

295 9 0
                                    

Ako nga lang ba talaga? Ako nga lang ba itong nagiisip na magkakaroon pang muli ng ikalawang tyansa para sa ating dalawa? Ako nga lang ba itong naghahangad na mapasaakin ka muli at makatabi? Ako nga lang ba itong umaasa na magiging tayo muli? Sabihin mo, minahal mo nga ba talaga ako o pinaglaruan lang tulad ng ginagawa mo? Sige, para malaman ko/mo umpisahan natin sa umpisa sa pinaka-simula kung saan nakita kita't nakayuko, hindi man lang tumatango at ako'y lumapit sayo, habang papalapit ako sayo nakita ko luhang dumadausdos sa iyong mukha. Oo, naawa ako sayo nun at inaamin kong nahuhulog na ako sa patibong na ako lang mismo ang gumawa. Patibong na...dapat ay iwasan ko para hindi mahulog sayo ngunit ito'y mas nilapitan ko. Hindi ako nagsisisi't minahal kita spagkat alam ko sa kaloob-looban ng puso ko'y ito ay totoo na, ngunit dumating sya. Oo, mahal na natin ang isa't-isa masaya, kontento, hindi na naghahanap ng iba, ngunit dahil lang sakanya nawala na lahat na parang bula. Parang bulang naglaho ang mga binuo nating pangarap ng sabay, pinaghirapang ipagtanggol ang salitang 'tayo' sa ibang tao at naghirap tayo para lang maisalba ang ating relasyon sa mga pagsubok ngunit ng dahil lang sakanya, nawala lahat. Ngayon, walang ng 'tayo' pero meron ng "kayo". Inaamin ko na mahirap kang kalimutan pero mas mahirap masaktan muli sa paulit-ulit na pagkakamali. Kaya mas pinili kong palayain ka kasi alam kong hindi ka na masaya at nawawalan ka na ng gana. Hindi ko masasabing tragic ang kwento natin pero nasasayangan lang ako sa tatlong taon na minahal kita iiwan mo nalang ako bigla-bigla, wala man lang paalam. Siguro nga hindi tayo itinadhana para sa isa't-isa ngunit alam nating pareho na sa isang sulok ng mundo ay nandun lang sila't naghihintay na matagpuan natin tulad ng pagkahanap natin sa isa't-isa. Naghihintay na may gagamot sa sugatan nilang mga puso't magbubukas ng isang pahina para masulat ito ng bagong kwento. Naghihitay lang sila. Balik tayo sa kwento, kung saan ikaw at ako ang bida. Bida sa istoryang tayo lang mismo ang gumawa. Istoryang dati ay puno ng kulay at patuloy na kinukulayan pero ngayong naging kulay abo at puti nalang. Mahal, anong nangyari sa ating dalawa? Bakit ganun ka nalang sumuko ng bigla? Alam kong wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan na wala ka na dito sa tabi ko at wala na akong karapatan sa iyo kaya ito, sasabihin ko na...paalam na...pinapalaya na kita. :)

All about Hugot Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon