Pagpapalaya

192 2 0
                                    


Eto yung nagsimula ng lahat. <3 Dedicated to Bea Alvarez Punzalan and for all the guys and gals who liked my comment! Mwaps. :) -Regan (PenguinAddicted1025)

Pagpapalaya

Pagpapalaya. Masakit sakin pero kelangan kong gawin. Sumuko ako at ngayon papalayain kita. Papalayain kita dahil hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya kasi ayoko na, ayoko na kasi wala na. Walang wala. Mananatiling ala-ala na lamang ang pagtulog sa gabi na ika'y kasama, ang paghiga sa damuhan habang nakatingin sa mga bituin na nais nating abutin. Abutin ng tayo'y magkasama- noon. Pinapalaya na kita sa kalayaan- kalayaan na para kang Nasa kalawakan. Maabot mo ang mga butuin ngunit hindi mo na ko maka kasama dahil pinapalaya na kita. Pinapalaya na kita kaya bumitaw kana. Bumitaw kana dahil wala ka ng mapapala. Ang pagyakap ko sayo ay mananatiling ala-ala na hinding hindi ko na hahangarin kasi pinapalaya na kita. Ang mga ala-ala natin na magkasama na masayang masaya na wari mong mga batang walang pakialam. Walang pakialam sa paligid dahil tayo. Tayo lang. Sa atin ang sentro, ikaw at ako, pero ang mga ala-ala ay mananatiling ala-ala na hinding-hindi na kailanman maibabalik dahil pinapalaya na kita. Pinapalaya na kita sa aking mga kamay na minsan ng humawak sayo at sumakal. Kalayaan. Kalayaan na dati mong hinangad pero hindi ko binigay dahil ayoko. Pero ngayon eto ako at sinasabi ko sayo- malaya kana. Ika'y magmi-mistulang Isang ibon na malayang lumilipad. Lumilipad sa kalangitan. Ang kalangitan na minsan nating tinitigan. Tinitigan ng magkasama. Pero ngayon ako na lang at ikaw. Wala ng tayo. Kasi pinapalaya na kita sa kadahilanang nakakasawa na. Pasensya na dahil nagmistula kang lobo na ako lang ang nagko-control sayo at bigla-bigla na lang pakakawalan. Pasensya. Patawarin mo ako dahil iyon ang desisyon ko at patawarin mo ako dahil pinalaya na kita- pero maniwala ka sakin. Pinalaya kita dahil merong nandyan. Merong nandyan na naghihintay sayo at kayo. Kayo na ang gagawa ng sarili nyong mga ala-ala na kelan man ay hindi mapapantayan ang ala-alang iniwan ko sayo dahil iniwan kita ng may kasamang sakit. Patawarin mo ako. Pero sinasabi ko sayo, ang pag-iisa mo ay may hangganan. Pero sa ngayon, sana ay tanggapin mo ang pagpapalaya ko sayo.

Regan's Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now