Isang Hakbang sa Bagong Simula

44 2 0
                                    

Isang Hakbang sa Bagong Simula

Sinusubukan mo pa lang gawin, siguro siya tapos na. Tapos na sa mga ala-alang binuo mo. Tapos na sa katangahan mo. Katulad ng pag tapos nya sa inyo. Mahirap, pero kelangan mong gawin. Dahil hindi ka pwedeng maiwan, kelangan mong humakbang. Humakbang para maiwan naman ang mga nararamdaman mo. Humakbang para maiwan ang mga ala-alang nakapag pa'saya sayo pero ngayon ay nagdudulot na ito ng sakit. Sakit na hindi mo hinangad. Sakit na bigla na lang dumating. Kelangan mong humakbang para maiwan ang mga bagay na nakapag-papaalala sayo ng mga masasaya nyong sandali. Isa siyang malaking ala-ala na mahirap burahin. Mahirap kalimutan. Mahirap bitawan. Pero ngayon, bumangon ka. Magising ka sa katotohanang wala na sya. Na hindi mo na maibabalik ang mga ala-ala na magkasama kayo. Na hinding-hindi na magiging kayo. Alam kong mahirap pero kelangan mong magising. Na hindi na mangyayari ang pagyakap niya sayo, ang Pag hawak niya sa mga kamay mo, ang pagsambit niya ng "mahal kita." Dahil para sa kanya, tapos na. Tapos na ang kasinungalingang mahal ka pa nya. Masakit. Sobrang sakit. Na makikita mo sya nagsasaya na at ikaw ay umiiyak pa. Na parang isa tong bangungot lang. Isang mahabang panaginip na nakapagpadama sayo ng sakit. Isang panaginip na hinding-hindi mo makakalimutan pero kelangan. Isang panaginip- na kelangan mong magising. Hindi ka nag iisa. Isipin mong hindi mo na siya kelangan pa katulad ng naiisip niya. Isipin mong madami pang nandyan na nagmamahal sayo at hinding-hindi ka papabayaan. Dahil ikaw yan. Ikaw na naghahangad ng pagmamahal ngunit agad ding binawi. Pero humakbang ka pa. Hindi sayo sinabing magiging mahirap ito. Hindi ka binalaan na magiging masakit ang pagmamahal mo. Pero huwag kang sumuko. Dahil isa pa lang itong hakbang, sa bagong simula.

Kapit ka lang.Di nawala sayo lahat.

Regan's Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now