Bitter po ako dito. Sorry for the words. — Regan (PenguinAddicted1025)
PS. Dedicated to HENZ SQUAD! YEY! Mwaps! :*
Pa-Hulog
Gusto ko tong simulan sa isang salitang, kamusta? Wala na akong balita sayo simula nuong sinabihan mo ko ng "mahal kita." Mahal kita? Siguro tatawanan na lang kita. Para kwits kasi gago ka. Naaalala ko tuwing gabi, tatawagan mo ako para istorbohin sa mga pambobola mo. Tuwing gabi, masisilayan ang ngiti sa aking mga labi dahil sa mga sinasabi mo. Tuwing gabi, nakahiga sa aking kama habang nakikinig sa mga kalokohan mo. Tuwing gabi, hindi magkandamayaw sa pagpigil ng tawa dahil sa tuwa. Tuwing gabi, tuwing gabi na pinapaasa mo ako. Araw-araw nakaabang ka sa aming labas naghihintay sakin. Ngayon gago sabihin mo sakin kung bakit ako umasa? Oras-oras nangungulit ka. Araw-araw ay hindi mo pinapalampas ang oras ng hindi ako kasama. Araw-araw na hindi mo ako hahayaang mahawak ng iba— araw-araw na wala tayong pakialam sa mundo. Dahil ikaw at ako, ay may sariling mundo. Ngunit hindi ko maintindihan at hinding-hinding-hindi ko maiintindihan kung bakit nawala ka na lang bigla? Paulit-ulit ang pagtatanong kung nasaan ka? Pagkatapos mo kong sabihan ng "mahal kita", nasaan kana? Nandon. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagkasiya mo sa iba. Tuwang-tuwa sa presensya nya— habang ako? Nandito hanggang sulyap na lang sayo. Hanggang sulyap na lang sa taong minsan ng nagpasiya sakin at nagpakilig. Patawad ha? Patawad dahil nagpa-uto ako. Patawad dahil naniwala ako sa mga salita mo. Nakalimutan ko kasing uso pala ang mga gagong katulad mo. Pero salamat narin. Salamat dahil hindi ka man naging sakin at hindi man ako naging sayo— nakaramdam ako ng saglit na kasiyahan. Saglit na kasiyahan na puno ng kasinungalingan. Pero salamat. Salamat sa pagpaparamdam sakin na mahal mo ako kahit hindi naman pala. Sa pagpaparamdam sakin na ispesyal ako kahit kasinungalingan lang ang lahat. Salamat.
YOU ARE READING
Regan's Spoken Word Poetry
PoetryI'll try to make you cry. I'll try to make you laugh. And I'll assure you that the reason behind that is my own spoken word poetry. Read at your own risk. - Regan (PenguinAddicted1025)