Hennessy Villaraiz

51 2 0
                                    

Ang nagmamahal sayo mula sa ilang-libong taga-suporta.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Ang pag tingin sa mga litratong minsan ko na ding tinitigan. Hindi ko alam kung bakit, ganito? Ganitong nasasaktan ako. Ganitong natutuwa ako. Sa isang baha ng taga-hanga mo, nandito ako mula sa malayo- naghihintay na makilala mo. Naghihintay ng isang himala- na sana. Sana makilala mo ako. Makayakap mo ako. Makasama mo ako. Na sana, yung mga luhang lumabas sa mga mata ko- ay dahilan ng pagkatuwa na nakilala na kita. Oo, kilala kita. Kilalang-kilala kita. San nga ba to nagsimula? Ang panonood sayo mula sa malayo habang sumisigaw ng "mahal na mahal kita." Habang kumakaway at umaasang sana ay mapansin mo ako. Mapansin mo ako mula sa ilang-libong tao. Na sana, ako naman. Pakiusap, ako naman. Para akong isang tinapay na walang palaman. Pitakang walang laman. Dahil ikaw- ang nagku-kumpleto sa araw ko- kahit na hindi mo alam, kung nage-exist ba ko. Gusto ko lang naman na mapansin mo. Na makilala mo. Na makayakap mo. Pero hindi ko alam- madilim ba kaya hindi mo ako makita? Maingay ba kaya hindi mo ako marinig? Madaming tao kaya hindi mo ko makilala? Simula ng makilala kita, isa ka na sa mga pangarap ko. Pangarap kong abutin. Pangarap kong panindigan. Pangarap kong makilala. Pero ang mga pangarap na yun ay hinding-hindi mangyayari dahil- malayo ako. Malayo ako sayo. "Langit ka at lupa ako". Ang sabi nila sa mga teleseryeng hindi magka-lebel. Kung baga ay katulong ako at ikaw ang amo. Pero hindi ako magsasawang mangarap. Hindi ako magsasawang umasa. Hindi ako magsasawang mahalin ka. Dahil sa ilang-libong taga-suporta mo, ako yung sobra-sobrang nagmamahal sayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Regan's Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now