MARCH 09
SA BAHAY NILA JULIE
Sam : uhhm, babe san nga pala sina tita?
Julie : huh?
Sam : Sabi ko sina tita nasan? bakit parang kayo lang ni nanay fe ang nandito?
Julie : Umalis din sila kagabi pagkatapos naming macelebrate.
Sam : Sayang di ko nanaman sila makakausap.
Julie : At bakit mo naman sila kakausapin aber?
Sam : (Hinawakan ang kamay ni Julie) Para hingin yung kamay mo.
Julie : ...........
Sam : Julie, Handa akong maghintay at umalalay sayo forever.
Julie : (pinisil ang pisngi ni sam) ikaw talaga samuel napakacorny mo.
Sam : Nasasabi lang ako ng totoo. kaya tara pakasal na tayo.
Julie : Menorde edad pa po ako.
Sam : 21 kana.
Julie : kaya nga bata pa ako.
Sam : Sus.
Julie : Naku, Sam kailangan ko nga pala pumunta sa school tuesday.
Sam : Bakit?
Julie : Di ba nga nagaapply ako ng form para dun sa company na partner ng school natin.
Sam : Then..
Julie : Then, Pagnatanggap ako may chance akong magtrabaho sa ibang bansa.
Sam : Ibang bansa... as in aalis ka?
Julie : Yun eh kung matatanggap ako.
Sam : So, Dapat pala di ka matanggap.
Julie : mean ka. opportunity kaya yun.
Sam : Ayoko lang kasing malayo ka sakin eh.
Julie : Di pa naman sure diba? sasamahan mo ba ako?..
Sam : Di na kailangan tanungin yan sasamahan kita kahit san.
