3RD PERSON'S POV:
Habang naglalakad ang mga tinaguriang Queen bitches sa gitna ng campus. Lowkey speaking nakatingin si Kyle kay Takara at pinagmamasdan nito ang dalaga habang naglalakad.
Nalaman nila ang ginawa ng magkakaibigan kaya naiinis ang mga prinsipe dahil walang pang naglalakas ng loob na makipaglaban dito sa campus dahil sila lang at walang iba ang nagtatangkang gumawa ng gulo dito
at ng dumating ang mga babaeng to mukhang may katapat na sila.
May tumawag sa kanila at sinabing may magaganap raw na labanan mamaya. At may mga bagong salta na makikipagbuno.
Nung nakita ni kyle ang mukha ni takara o mas kilalang ryouri ay naalala pa rin niya ang halik na sinadya naman niya
pero may kung ano sa kalooblooban niya na may parte ba gusto pa niyang ulitin ang halik. Naguguluhan na ang binata
Dahil iba ang misyon niya sa nararamdaman niya.
Gabi na at ito ang sinasabing labanan sa uderground octagon na pinagdadausan ng mga underground fights.
Nakapasok na sila sa underground octagon. At mukhang magsisimula na ang laban.
"Goodevening gangs, tonight we shall witness a fight. Let us welcome the Killers and they are going to fight with the Empresses of death"
lumabas na ang mga killers at laking gulat ng mga taong nanonood na isang groupo ng mga babaneg nakamaskara ang kanilang nakita. 4 lamang ang mga babaeng lalabanan. Samantalang 8 namang matitipumong lalaki ang kanilang bubunuin.
Kinabahan at mga tao sapagkat hindi kaya ng 4 na babae ang mga lalake. Yung ang inaakala nila😏
Nag simula na ang labanan at tila nagpapakiramdaman ang mga magkatagpo.
Umatake na ang mga lalake ng sabay sabay. At hindi maikakailang mabibilis gumalaw ang mga ito.
Ngunit napanganga ang mga manonood ng animo'y iwasan ng apat na dalaga ang pagsugod ng mga lalake.
Pinalibutan sila ng mga lalake at pinaulanan ng mga sipa, suntok at iba pa. Ngunit para mong nagsasayaw lamang ang mga dalaga.
"magdasal dasal na kayo mga binibini, hindi kayo nararapat sa lugar nato" maanghang na sambit ng lalake.
At imbis na sumagot ay ngumisi lamang sila.
Bumunot na ng punyal ang 2 lalake. Espada naman sa 2 lalake, pana sa 2 pa at ang 2 pa ay baril.
Nagkanya kanya sila. Ang 2 lalake na may punyal ay napunta sa babaeng naka puting maskara na kasing linis ng balahibo ng mga kalapati.
Ang 2 lalake naman na may hawak ng pana ay napunta ay napunta sa babaeng may maskara na kulay pula na kasing kulay ng mga dugo.
Ang dalawang lalake naman na may espada ay napunta sa babaeng may kulay lila na maskara. Na ka kulay ng buhok nito.
Ang huling 2 lalake naman ang may hawak ng baril ang may hawak ng baril ay ang pinuno at kanang kamay niya. Nakaharap naman nila ang babaeng may kulay itim na maskara na kasing kulay ng mga mata nito. Maskara na kapag tinignan mo ay babalutin ka ng kilabot sa katawan.
Sabay sabay itong umatake. Mabilis na inatake ng 2 lalake ang babaeng naka puting maskara. Pero imbis na ilagan ay agad nitong nadakot and kamay ng lalake bago pa man tumama sa kanya ang punyal. Paghawak niya non ay binali niya ang kamay ng lalaki patalikod naman siyang aatakihin ng isa pero bago pa man maisaksak ang punyal ay agad na iniharap ng babae ang lalake na hawak nito at sa noo nito tumama ang punyal.
Laking gulat ng lalake sa kanyang nagawa. Sa sobrang galit ay sunod sunod niyang isa saksak ang punyal ngunit naiiwasan ng babae to. Ng makahanap ng tiyempo ay tumambling ito patalikod at agarang kinapitan ang ulo ng lalake at binali ito. Walang humpay ang pagtagas ng dugo mula sa katawan nito. Matapos makipaglaban ay agad itong tumabi.
Ang sunod ay ang mga lalakeng may hawak na espada at ang babaeng kulay lila ang maskara.
Sabay silang sumugod dalawa. Ngunit ng tatamaan na ang babae ng espada ay tumalon ito at tila nakalutang sa hangin. Inapakan nito ang talim ng espada ng hawak ng 2 lalake. Para itong nag baballet sa may talim ng espada. Muli itong tumalon. Nung babagsak na ay agad nitong ikinawit ang paa sa leeg ng lalake at ibinilabag ng babae ang lalake papunta sa kasam nito gamit ang mga binti. Natalong bali-bali ang mga buto ng kalaban.
Sumunod ang mga lalakeng may pana at ang babaeng may maskarang kulay pula. Inasinta nilang dalawa ang babae at mabilis pinakawalan ang pana. Ngunit nasalo ito ng babae. Kaya gamit ang dalawang daliri ay ibinalik nito ang pana sa mga lalake ng pabato na siya namang tumama sa dibdib nito sa may puso. Na siya naman ikinamatay ng dalawa.
Panghuli ay ang 2 lalake na may baril at ang babaeng may maskarang itim.
Sumugod ang babaeng nakaitim ngunit nasalag ng lalake ang mga atake nito. Ang isa naman ay inaasinta ang babae. Ngunit hindi ito maka tiyempo dahil masyadong mabilis ang paglalaban ng dalawa. Tinamaan ang babaeng may maskarang itim at tumalsik ito sa gitna ng octagon. Ngayon ay nasa magkabilang dulo na niya ang mga lalake.
Sabay na itinuro ng dalawang lalake ang mga baril nila sa dalagang nakayuko pa rin. At pagkalabit ng baril ay agad na itinukod ng babae ang kamay sa sahig at itinaas ang paa nito at ipinaikot at nang tumama ang bala sa sapatos neto na gawa sa bakal ay agad na bumalik sa dalawang lalake ang bala nila. At tumama sa mga ulo nila.
Nag mistulang ilog ng dugo ang octagon dahil sa dami ng dugong naubos.
Hindi makapaniwala ang mga tao sa kanilang nasaksihan. Maging ang mga prinsipe ay napahanga rin at nagulat.
Pare parehas walang kumikibo dahil sa gulat na kanilang nararamdaman.
"At ang nanalo EMPRESSES OF DEATH" sabi ng emcee.
At nayanig ang buong underground ng pumalakpak at humiyaw ang mga tao.
Parang wala naman sa mga babae ang nangyari ngayon.
Para lamang silang mga batang naglaro ng kanilang mga barbie.
Agad na tumalikod ang mga babae at sabay sabay na umalis sa harapang ng mga tao at ng mga prinsipe.
PATIKIM PALANG YAN
Sa isip isip ng mga dalaga.
Ng tumalikod ay napansin si kyle sa babaeng nakamaskara ng itim. Meron itong letrang T na maliit at nakaukit sa gilid ng maskara nito.XXXXXXXXXXX
SAKIT SA ULO NETO HAAHAHAH PERO PAG TIYAGAAN NG LANG. SALAMAT ^_^
READ X VOTE X COMMENT
YOU ARE READING
Mafia Wars
ActionPara sa kanila death is a nightmare. Pero para sa kanya death is her game. Death is a gift and death is pleasure. Cold hearted, mga mata na pag tumingin sayo ay parang may lason na unti unti kang pinapatay. Words that kills more than anything. Do...