MW 20: Ball

137 6 0
                                    

AN: THIS CHAPTER WILL BE WRITTEN IN A 3RD PERSON'S POV BECAUSE IT'S MORE EASY AND MORE DETAILED. ENJOY EVERYONE!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

3RD PERSON'S POV:

Matapos ang madugong labanan ng mga gang ay nakatanggap si Takara ng tawag mula sa kanyang ama.

Pinapapunta ito pabalik ng bansa kung saan sila nakatira dahil magkakaroon ng selebrasyon ang kaibigan ng ama nito at imbitado lahat ng kasapi ng pamilya ng mga Tatsu.

Ng marinig ang tawag ng ama ay agad na naghanda si Takara at ang mga kaibigan nito.

Ng makarating sa bahay nila sa ibang bansa ay agad na itong nagbihis.

Nagsuot ito ng itim na gown. Diretso lamang ang disenyo ng gown. Nagipit rin ang dalaga ng mga armas gaya ng baril sa may hita nito, nano bomb na nakakabit sa hikaw niya at marami pang iba.

Ganoon rin ang ginawa ng mga kaibigan nito.

Ng makarating sa lugar na pag dadausan ng kasiyahan ay nag-suot na sila ng kani-kaniya nilang mga maskara.

Lingid sa kaalaman nila na imbitado rin sila Kyle at ang mga kaibigan ng binata.

Nagsimula ng mag sayaw ang mga kasama sa pagdiriwang.

Kasalukuyang magkasayaw si Takara at Kyle. Lingid sa kaalaman ng dalawa ay isinasayaw nila ang isa't-isa.


"What's your na--" hindi na naituloy ng binata ang itatanong ng biglang mamatay ang mga ilaw ng lugar.

Lahat ng tao ay nagsimula ng mataranta maliban na lamang sa mga grupo nila Takara't Kyle.

Agad silang may narinig na putok ng baril sa gitna ng pasilyo.

Pagkatapos na pagkatapos ng putok ng baril ay agad na bumalik ang mga ilaw sa pasilyo.

Bumungad sa kanila ang 3 lalaking nakabulagta sa harap at naliligo sa sarili nilang mga dugo.

Nanatiling kalmado ang 6 na mga kabataan.

Nagsimulang lapita ng groupo ng mga babae ang 3 lalakeng duguan. Pinagmamasdan nila ito ng mawaring may kakaiba sa mga ito.


Lahat ito ay puti ang mata. Animo'y multo na tinanggalan sila ng kaluluwa. Nagulantang ang dalawang kasama ni Takara maliban sa kanya. Sapagkat tingin niya'y alam niya ang rason.


Habang nagiimbestiga ang mga kalalakihan naman ay napagpasyahang lumabas upang hanapin ang pumatay.

May nakita silang kahina-hinalang tao na papuntang banyo. Kaya't sinundan nila ito.

Ng masundan ay naabutan nila itong walang buhay.

Kagaya ng nangyari sa 3 kalalakihan sa loob ng pasilyo ito rin ay kulay puti ang mata.

Matapos ang insidente ay napagalaman kung sino sino ang mga namatay.

1. Francisco Alvarez- Multi- millionaire sa buong pilipinas. May ari ng isang tanyag na pasugalan. Siya ay may milyong milyong pera sa bangko.

2. John Kiefer- May ari ng isang tycoon. Mayroon siyang chain of restaurants, hotels and such.

3. David Kiefer - Nakatatandang kapatid ni John Kiefer. Ito rin ay kasing yaman ng kapatid.

Lahat silang 3 ay may koneksyon sa droga. Lahat sila ay maiuugnay sa underground transactions.

Ang huling pinatay ay si

Juanito Perez ang pinagtataka ng mga imbestigador ay kung bakit pinatay ang ganitong tao? Ito'y isang hamak na mangagawa lamang at hindi kasing yaman ng mga nabanggit.



Matapos malaman ito ni Takara agad siyang pinangunahan ng pagdududa...


Mafia WarsWhere stories live. Discover now