Chapter 3 Ibang Siya

65 5 0
                                    

Jude pov

Di ka parin ba mamamansin? Tanong sakin ni van

Iniwasan ko lang siya at nag punta na sa kwarto. Ilang araw na ang lumipas simula ng mapag desisyunan kong mahalin ang sarili ko---este manood pa lang ng sine MAG ISA.

Napapansin ko lately lagi ng pagod si van, siguro dahil dun sa pag hahanda nila sa upcoming mall shows nila. Gusto kong icomfort siya pero sa tuwing naiisip ko iyon kumokontra naman ang aksyong ginagawa ko. Like nung iiwasan ko na lang siya bigla. Kapag nag tatanong siya sasagutin ko lang siya ng walang gana. Baka nga nagagalit na siya sa ginagawa ko. Pero genius siya kaya alam niya na ang dapat na ifeel diyan. You know, genius only can understand some typical feeling.

"Sa tingin mo kung di ako mamamansin edi sana umalis na ako dito at hindi na kita kinakausap"

Dalawang araw na lang ang pamamalagi ko sa guess room nila van (sa bahay pala nila) Nahihiya na rin kasi ako dahil sa kanila pa ako nakikitulog kahit naman may sarili kaming bahay. Well actually di ko rin naman desisyon iyon.

Lumapit siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Sorry na jude. Lately nagiging busy na ako, nakalimutan kong di pa pala tayo nakakapag date matapos kong makuha ang pinapangarap ko. Sinabi ko sa sarli ko na hindi na ako matotorpe pa mula noong gabing umamin ako sa iyo. Pero sa tuwing nakikita kita ni hindi ko man lang alam ang gagawing aksyon ng puso at kaluluwa ko. Para kang kuryente na dumadaloy sa buong pag katao ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko na ngayon ay nandito ka na sa harapan ko, na dati lang hinihintay ang pag balik mo. Hindi man ako kasing sweet na katulad ng ibang lalaki. Hindi man ako showy para iparamdam ang pag mamahal ko sayo.Hindi ko man maipakita batay sa gawa, masasabi ko naman sayo sa salita. Na lagi mo tong tatandaan mahal na mahal kita." pagkatapos ng seryosong sabi niya ay hinalikan niya ako sa noo at niyakap.

Hindi ko alam kung anong dapat na sabihin ko at gagawin ko. Basta ang alam ko lang ay kinikilig ako sa sinabi niya. As in. Alam kong hindi katulad si van sa mga ibang lalaki, unique ang pag katao ni van kaya nga mahal na mahal ko siya. Pero this time pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal by saying in words.

"kilig ako" ayan lamang ang lumabas sa bibig ko pag katapos niyang sabihin lahat ng iyon. Sabi niya nga Hindi ko man maipakita sa gawa,masasabi ko naman sa iyo sa salita.  Na para bang kapag narinig mo yun sa kanya bigla bigla ka na lang mapapangiti at mapapaluha. Pinigilan ko lang ang pag daloy ng luha sa aking mga pisngi, gusto ko man iparamdaman ang tears of joy ko ni hindi ko man nagawa.

"wag ka ngang ganyan masyado ka sweet pag ako nasanay nakoo" dagdag ko sa kanya

"dapat masanay ka na. Minsan lang ako mag lambing" sabi niya.

Kainis to may pag minsan pa. Bakit hindi na lang gawing araw araw ayiee.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya patalikod.

"Hmmmm" sabi ko habang nakayakap sa kanya

"Heaven" tawag niya sa akin habang naka yakap ako sa likuran niya

Di muna ako nag salita at inenjoy ang moment na mahawakan at mayakap ko siya ^_^

Nagulat na lamang ako ng bitiwan niya ako sa pag kakayakap.

"Bakit m---"
Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko sa kanya ng bigla niya ako niyakap. Pero this time naka harap na kami sa isa't isa.

"Hmmmm... Ang bango bango mo..
Sabi niya. Tumingin ako sa kanya at iniangat ang ulo ko para tignan siya, nakita kong naka tingin din siya sa akin. Bigla naman akong nahiya at yumuko ng bahagya.

Bigla niyang hinawakan ang baba ko at itinaas ito. Hawak niya parin ito at akamang hahalikan ako ^_^

Hala shemss!! This is it. Our first kiss being a couple.

Unti unti niyang nilapit ang bibig niya papunta sa akin.... Ayan na...

Ng biglang may...

Kring...kring....kring....

Ayy ano ba yan di tuloy na tuloy huhuhu sayang. Ayun na e naka pikit na ako. Feel na feel ko na. Handa na ako. Bakit bigla pang tumunog. Hayss

"hayyss. Istorbo" sabi niya at ginulo ang kanyang buhok

Natawa ako sa naging reaction at pag kasabi niya. Hindi ko alam na pati rin pala siya naiinis dahil hindi nga natuloy. Ngumi lang ako habang sinasagot niya yung tawag dun sa cellphone niya at patingin tingin siyang tumitingin.

Nang natapos na siya sa pakikipag usap ay agad siyang lumapit sa akin

"Sino yung tumawag? Tanong ko sa kanya. Nag tataka kasi ako kung sino yung tumawag. Balak ko sana sapakin, nakakainis naman kasi istorbo bwisit! Malaman ko lang talaga.

"Si kuya nate"

"Ano sabi?

"may gusto daw siyang bilhin na bagong edition nung sa basketball sa xbox maglaro daw ulit kami"

"ahh..."  bwisit si kuya nate. Makakatikim talaga sakin ng sapak to e. Andyan lang siya sa taas oh di pa sinabi na lang ng personal. O kaya naman mamaya kapag nag dinner kami. Talagang tumawag pa parang lang diyan. Di kaya....
Nakikita kami ni kuya nate..?
Gusto niyang mabitin kaming dalawa at mainis..? Hayss sana lang talaga mali itong nasa isip ko.

"Jude" tawag sakin ni van

Teka teka teka.. May parang mali sa pag kakatawag ni van sa akin. Para bang NANGAAKIT?  ⊙_⊙

Di ko maalis ang titig ko sa kanya habang palapit siya ng palapit sa akin. Oh my shemmss nang seseduce nga siya. Hala patay ka na juskoo. May ganito pa lang side ng pagka sillyness si van. Grabe konti na lang matutunaw na ako dito sa kinakatayuan ko grabe ng hihina ang mga tuhod koooo. Gusto kong alisin ang mga tingin ko kay van para maalis sa tukso pero di ko magawa. Traydor yung mga mata ko.

A-ano..
Hala ka nauutal ako whaaaa!!
Bakit kasi ayun ang lumabas sa bibig ko?!

Ayan na lumapit na siya sa akin at nasa  likuran ko siya.
Hala grabe mag kalapit lang kami. Nakukuryente ako sa presensya niya sa likuran ko. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya feeling ko talaga nako maheheart attack ako dito.

Natapos ang pag nginig ng buong katawan ko ng basagin niya ang natitirang sistema na mamayroon ako sa pag kakataong ito. May binulong siya.

"Ituloy natin" husky yung voice niya shemss. Bigla akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit.
--------------------------------------------

GandangSora

 First Love Quarel (WGFIL Fanfiction)Where stories live. Discover now