First date
Pag kagising ko pa lang pumunta na ako sa baba para kumain ng almusal, nakita kong wala pa sila kuya nate sa baba at tanging mga kasambahay lang ang nakikita ko.
"Manang bakit po hindi pa sila bumababa?"
"ayy jude tulog pa ang mga iyon. Ikaw pa lang ang nakikita kong bumaba dito sa kusina."
"ahh kaya po pala sige manang mag luluto lang po ako, para pag baba nila may makakain sila"
"sige dito lang muna ako sa labas at mag didilig ako ng mga halaman."
3rd pov
Umalis si manang para makalayo sa tabi ni jude at tinawagan si miller.
"Hello"
"hello manang ano na po nangyayari jan?"
"eto kakagising lang ni jude hinahanap kayo.
"Ang sabi ko tulog pa kayo baka mamaya mag taka yun kapag wala pa kayo at puntahan kayo sa mga kwarto ninyo""sige po manang basta update na lang po kayo kung ano ng ginagawa niya. Mag aayos lang po muna kami ng kakaylanganing gawin dito"
"sige ibababa ko na ito at baka marinig pa ni mam jude bye na po sir"
Binaba na ni manang ang tawag ni miller at nag tago sa bawat sulok ng bahay kung nasaan si jude. Minamanmanan ang bawat galaw at kilos ng dalaga.
Kasalukuyang kumakain si jude habang nanonood ng sponge bob. Pinipigilang tumawa ni manang habang nakatingin sa pinapanood na palabas ni jude. Walang kamalay malay si jude na pagkatapos ng pinapanood niyang spongebob ay may kung anong mangyayari..
"Hahahah" halos sumakit na yung tiyan ko kakatawa dito sa spongebob kahit medyo corny siya kasi pambata pero maganda talaga.
Malapit ng matapos yung pinapanood kong cartoons and hindi ko alam kung anong sunod na movie dito siguro hihintayin ko na lang yung mga palabas habang hinihintay ko ding gumising sila miller.
"ohmygahddd manang" halos tumakbo na ako sa kinauupuan ko ng may nakita ako dun sa palabas. Agad kong hinanap kung nasaan si manang. Goshhh di ko siya mahanap. Hala ka anong bangungot ang naroon sa tv.
Habang hinahanap ko si manang ay may parang tumakip ng mata ko.Wala akong makita ni isa. Hala ano yun.
"Sino ka ba! Manang manang tulong. May kung anong--" di ko na natapos ang pag sasalita ko ng bigla niya akong hilain at nag lakad kami ng hindi ko alam kung saan.
Hindi ko namalayan na nandito na kami sa kung saan.. Basta ang alam ko lang ay hinawakan nila ako at akmang papababain na. Nung una ayaw ko pero para kasing may tinutok na kung ano sa leeg ko kaya sumama na rin ako.
Hindi ko makita ang mga dinadaanan ko kaya minsan nag pagewang gewang pa ako habang nag lalakad mabuti na lang hinawakan ako nung kumidnap sakin. Ganitong ganito yung mga napapanood ko sa mga tv. Yung may mga kinikidnap.
Hala ka! Walang tutubos sakin "kidnapped for ransom". Pero kapag nalaman nila miller to baka tawagin niya ang kumidnapped at iligtas ako. Parang nighting shinning armor lang.
Nang hindi ko namamalayan pinaupo na pala nila ako at umalis na sa tabi ko. Ni hindi ko man lang kung anong kaylangan nila sakin o kaya man lang kung anong gagawin nila sakin. Wala akong kaalam alam.
May naramdaman akong isang lalaking parang lumalapit siya sa gawi ko. At totoo nga. Tinatanggal nya ang pag kakatali ng blind fold sa mga mata. Unti unti ko ng naaaninag ang liwanag. Medyo malabo labo ang naaaninag ng mata ko dahil sa blind fold kanina.
YOU ARE READING
First Love Quarel (WGFIL Fanfiction)
Tienerfictie5 Chapters... ERICE JUDE SANTOS. VAN MILLER BUENCAMINO. FIRST LOVE QUAREL.