Chapter Eleven-aftermath

2.9K 122 5
                                    

*Richard's POV

Kahit labag sa kalooban ko, pansamantala ko munang iniwan ang asawa ko. Kilala ko si Maine, kapag may tampuhan kami dati mas gusto muna nyang mapag isa para makapag isip kaysa kinukulit. Pero alam kong hindi lamang simpleng tampuhan ang namamagitan sa amin ngayon kaya dapat ayusin ko kaagad.

Nagpasya akong pumunta sa Quezon city branch ng MaiChard's Gourmet. Naguguluhan pa rin ako sa sagot ni Miggy kanina.

Nang makarating sa restaurant, agad akong dumiretso sa opisina ni Miggy.

" Miggy, we need to talk."  hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"T-tungkol saan boss?"

" About this,"  nilabas ko ang mga pictures sa envelope. "May alam ka ba sa mga pictures na ito?"

Isa-isang tinignan ni Miggy ang mga pictures. Napatiim-bagang pa ito bago sumagot.

" You're having an affair with my girlfriend?"

" Stop twisting the story Miggy. Kaya ko tinatanong sayo kasi wala akong matandaan sa mga pangyayari dahil nawalan ako ng malay kanina. Ipapakita ko ba sa iyo ang mga pictures na yan kung totoong may affair kami ni Patricia?"  pinigilan ko ang sarili ko na suntukin ang kausap ko.

" O-okay boss, sorry. Kung hindi mo alam ang tungkol sa mga pictures na yan, si Patricia lang ang makakasagot sa lahat."

" Where is she?"

" Dapat nandito na sya ng mga ganitong oras eh, hindi naman kasi nalelate yun. Tinawagan ko ang cellphone nya pero unattended na."

" How about sa bahay nya?"

" Tumawag na rin ako sa inuupahan nya, yung landlady nya lang ang nakasagot. Kanina pa raw 7am umalis."

" Damn! Pero sabi mo na hinatid mo sya kanina diba?"

" Oo boss, malapit lang ang bahay nila sa pinag- inuman natin kagabi. Pero after ko syang ihatid, umuwi na ako dahil may pasok pa ngayon."

"May nangyari kanina na hindi natin alam and I need to find out. Give me her address ."

"Pero bo-"

"Damn! Just give me her fucking address !"

Atubili man, sinulat pa rin ni Miggy sa papel ang address ni Patricia. Agad akong umalis ng makuha ang address.

"Magbabayad sa akin kung sino man ang may pakana ng mga bagay na ito."  sabi ko habang mahigpit kong hawak ang manibela.

----------

Nang makarating sa ibinigay a address ni Miggy agad akong nag- doorbell. Makalipas ang ilang sandali, isang mid 60's na babae ang nagbukas ng pinto.

" Magandang tanghali po."

"Magandang tanghali din, anong sadya nila?"  tanong ng babae.

" Ah employer po ako ni Patricia tanong ko lang po kung nandyan sya."

"Ay wala sya dito iho, kanina pang umaga."

"May idea po ba kayo kung saan sya nagpunta?"

" Wala iho, basta may dala syang maleta kanina."

" Ganun po ba, salamat po. Mauuna na po ako."  bumagsak ang balikat ko sa narinig.

Agad kong pinasibad ang sasakyan ko pauwi sa bahay. Wala mang nangyari sa lakad ko umaasa pa rin ako na mag kakausap na kami ng maayos ng asawa ko. Pero ganun na lamang ang panlulumo ko ng hindi ko sya abutan sa bahay.

" Damn!"

-Sabaw ba?? Sabaw nga mga bes sorry na agad.. Bukas na lang ung susunod ha.

- Ano kaya ang susunod na mangyayari sa buhay ng mag-asawang Richard at Maine? Abangan po! At salamat po sa lahat ng nagbabasa ng fanfic ko!! Mahal ko kayo!

-tweet me up @iamlhudy87 or gusto nyo bang sumali sa fc namin? Kindly dm us @MaiDenNeyshen...salamat po ulit!

Betrayal (AlDub) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon