Chapter Nineteen - confessions

3.2K 125 9
                                    

* Patricia's POV

2 weeks after....

Hindi na kaya ng konsensya ko ang mga pangyayari. Kanina ko lang nalaman na comatose pa rin si Richard.

" Damn you Miggy! Hindi ka tumupad sa usapan natin, nangako kang walang mangyayaring masama kay Richard! Fuck you!" sigaw ko sa isip habang nag iimpake ng damit. Luluwas ako sa Maynila para puntahan ang asawa ni Richard sa ospital at sabihin ang lahat ng nalalaman ko.

Nang tapos na akong mag ayos, agad na akong bumyahe pa-Maynila. Ilang oras pa at nasa tapat na akon ng ospital kung saan naka confine si Richard. Kinakabahan man ay tumuloy pa rin ako.

Matapos magtanong sa nurse station kung saan ang room ni Richard agad na akong nagpunta. Kumatok ako at makaraan ang ilang segundo, bumukas ang pinto. Halos malunok ko ang dila ko nang makita ko si Maine.

Nagsalubong ang mga kilay nito ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Maine, mag usap tayo please. May sasabihin ako na makakatulong sa kaso ni Richard."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at bahagyang nagliwanag.

" Come on, sa labas tayo mag-usap."

Agad akong sumunod sa kanya.

----------

* Maine' POV

"What it is?" agad kong tanong kay Patricia matapos naming umupo.

" It's about the picture Maine. I'm sorry kung nagkalamat ang relasyon ninyong mag asawa dahil sa mga pictures na iyon. Pero planado ang lahat ng iyon. Three years ago nagkakilala kami ni Miggy at nagkasama sa MaiChard's . Nagkakwentuhan, nagkapalagayan ng loob. Until inamin ni Miggy sa akin na may gusto sya sa iyo. Actually hindi lang simpleng gusto, he fell in love with you noong una ka nyang nakita sa binyag ng mga babies nyo ni Richard. Nalaman nya rin na may gusto ako kay Richard. So doon nagsimula ang plano ni Miggy. Pinalabas namin sa lahat na mag boyfriend kami para walang mag hinala sa plano nya. Kinasabwat nya ako at pinaniwala na kapag nagkahiwalay kayo mapupunta sa akin si Richard at ikaw naman ay mapupunta sa kanya. I was naive and fool before kaya napaniwala nya ako na maaring mangyari iyon. Kaya noong nakakita sya ng perfect timing, agad nyang isinakatuparan ang plano."

Napasinghap ako.

" Are you okay?" tanong ni Patricia.

" Yes, continue please."

Tumango si Patricia bago ipinagpatuloy ang pag kukwento.

" Matagal naming hinintay na umattend si Richard ng mga special gatherings ng kompanya na hindi ka kasama. Pero mailap si Richard at hindi umaattend kapag wala ka. Kaya nagulat kami noong birthday ni Jerald at sya lang mag isa. Sabi ni Miggy, iyon na raw ang perfect timing na hinihintay namin. Almost pauwi na kami noong mag cr si Richard. Sinamantala ni Miggy na busy sila Jerald sa videoke at wala si Richard, nilagyan nya ng drugs ang inumin ng asawa mo. Walang nakapansin sa ginawa ni Miggy. Hanggang sa nagpasya na kaming umuwi. Pinalabas namin ni Miggy na nauna na kaming umalis pero nag stay lang kami sa parking space at naghintay na umepekto ang gamot kay Richard. Hanggang sa nawalan ng malay si Richard at pinag tulungan naming buhatin papunta sa kotse ni Miggy ang asawa mo at dinala namin sa pinaka malapit na motel. Noong una pinipilit ako ni Miggy na makipag sex ako sa asawa mo habang kinukunan nya kami ng larawan pero tumanggi ako. Sabi ko pwede namang pumaibabaw lang ako sa asawa mo dahil picture lang naman ang kukunan nya, buti na lang pumayag si Miggy. Nang matapos nya kaming kunan ng pictures agad naming ibinalik si Richard sa bar kung saan kami uminom at isinakay sa kotse nya. Everything was planned Maine, walang nangyari sa amin ni Richard. Matapos nun, pinaalis nya ako papuntang probinsya para magtago. Then the accident happened, wala sa usapan namin ang nangyari kay Richard." she paused.

" What do you mean, Patricia?"

" I' m not sure Maine, pero malakas ang kutob ko na si Miggy ang may kagagawan ng pagkaka aksidente ng asawa mo. Naalala ko noong naaksidente ang anak mo, tinawagan nya ako at sinabing palpak ang plan A dahil nagkabalikan kayo ni Richard. Pero sabi nya may niluluto daw sya na plan B at malinis nya itong gagawin. Kailangan ko lang daw tumahimik at sya na ang bahala sa lahat. Sumang ayon ako pero pinilit ko syang mangako na walang mangyayaring masama kay Richard, nangako naman sya. Pero sinira nya ang usapan namin. Wala akong ebidensya Maine pero sigurado akong si Miggy ang may kagagawan ng lahat."

"Oh my God, so tama ang hinala ko."

"Hinala?"

"Yes, may footage ang mga pulis na may nagtanggal ng preno sa kotse ni Richard. At base sa tindig ng lalaki, si Miggy ang may gawa."

"Miggy was crazy Maine. Kaya nyang pumatay para lang mapunta ka sa kanya. Kung sumablay ang plano nya ngayon, I'm sure mayroon pa syang back up plan. Ganyan sya kabaliw sa iyo. At ayoko nang sumali pa sa mga kabaliwan nya kaya nandito ako ngayon sa harap mo Maine. I'm sorry sa lahat."

"Thank you Patricia, you've been a great help."

"No, kulang pa ang mga sinabi ko sa mga nagawa namin sa inyong mag asawa. Patawarin mo sana ako Maine."

"Pinapatawad ka na namin, Patricia."

" Salamat, pero kailangan ng malaman ng mga pulis ang kinaroroonan ni Miggy bago pa sya tuluyang makalayo."

" May idea ka ba kung nasaan sya?"

" Yes, last time na tumawag sya pinilit ko syang ibigay sa akin ang address kung saan sya nagtatago. Pinalabas ko na gusto ko magkasama kaming magtatago para makapag plano kami ng mabuti. Buti na lang napaniwal ko sya." may kinuha syang papel sa bag nya at binigay sa akin.

" Aurora, Quezon?"

" Yes, Maine."

" Thank you, Patricia. I owe you one."

" Your welcome. Call me anytime kung kailangan ninyo ako sa kaso laban kay Miggy." sabi ni Patricia sabay abot ng calling card sa akin.

" Okay, Patricia. Mag iingat ka."

" You too, ipagdadasal ko ang mabilis na paggaling ni Richard, Maine."

Mahigpit kaming nagyakap bago sya tuluyang umalis.

-And I'm back! Namiss ko kayo! At magaling na ako..thank you for your kind words mga bes! Lamyu ol! Originally plano ko na mag publish ng 3 chapters ngayon pero nakita ko sa drafts ko na malapit na palang matapos ang Betrayal ko kaya one chapter ulit everyday mga bes...sorry julayn at robie! Bawi ako bukas ha..Siguro before this week ends matatapos ko na ang Betrayal and I can't wait to start my new fanfic. Nagtatakbuhan sa utak ko ang mga scenes doon mga bes kaya kailangan ko na silang ilabas.

- Hold on lang kayo mga bes sa story ng mag asawang Faulkerson ha...

-tweet me up @iamlhudy87 or kindly follow our fc @MaiDenNeyshen thanks!

Betrayal (AlDub) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon