#WalaTalagangForever

56 1 1
                                    

#WalaTalagangForever

Akala ko siya na 'yun. Akala ko siya na ang forever ko. Akala ko kami na ang destiny. Akala ko kahit lifetime lang eeh aabot kami.

Akala ko lang pala. Akala na kailan may hindi na maaaring magkatotoo.

But who cares about him anyway? Naka move on na ako.  "Who you" siya sakin ngayun. Wahahaha. *evil laugh*

Sorry kasi hindi ako tumatanggap ng basura.  Hindi ako marunong magrecycle at tsaka hindi ako YES-O president.

Oops,  don't get it wrong. Hindi po ako bitter sadyang  #WalaTalagangForever.

Hey!  *kaway kaway* The name's Kate Anica Austine Clarkson. Kate nalang ang itawag. Nahiya naman kasi ako sa gumawa ng name ko. Sadista ata eh gusto akong pahirapan. Anyways, here's my story. Ayoko naman na matapos 'tong story na tungkol sa kung bakit iyan ang ipinangalan sakin.

Enjoy reading.

"Kate please, kahit isang chance lang. Payagan mo naman akong manligaw. Gagawin ko lahat ng gusto mo. ", sabi ni Gian Briean Trixous Hutchinson ang dakilang manliligaw. Dito naman nagsisimula lahat diba?  Pwede bang sa will you marry me magsisimula? Hindi diba?

Actually, he's a year younger than me but who cares again?  Like duh!!  Age doesn't matter. 'Yun ang palagi kong naririnig eh. Basta wala akong pakialam sa mga taong buhay mo ang pinagkaka abalahan. Pakialamerz? Makakati ang dila ng mga yan! I hate those people. Pero diba kitamz? Instant artista na ako kahit di pa ako nakikita sa T. V. Maraming nag aabang ng buhay ko. *smirks*

"ok", sagot ko. Wag na kayong magtaka.Tsk, patatagalin paba natin 'yan. Pahihintayin mo lang yung tao eh dyan naman yan hahantong. And niniwala kasi ako sa kasabihang 'One word is enough for a wise man'.

In short, naging kami. Away. Bati. Away. Bati. Yes, maraming beses na kaming nagbreak but at the end nagkabalikan parin. Paasa rin tong destiny na to eeh! Ayun si TANGA umasa na hanggang sa huli eh sila parin. Kasalanan ko ba yun?  Ba't kasi di nalang ibigay direkta ni cupido si Mr. Right eh. Masaya siguro siya na makita ang mga tao na pumupunta sa Mcdo para lang maka move on.

First Anniversary. Marami na akong naibigay. Lahat ng pagmamahal ko. Yung picture frame the may picture ko pero hindi ako ang nagbigay. Kinuha niya kasi sakin. Saan nagmula ang picture? Christmas party, bigay sakin ng nakakuha ng name ko. May jacket siyang ibinigay. Madami kaming material things na naibigay sa isa't isa. We love each other very much . We're good...

And everything's okay.

Magsesecond anniversary na namin. I guess 29 days before. Hindi ko alam basta naging cold na siya sakin. Di namamansin. Di ko naman alam kung bakit. He had changed a lot.

Hanggang sa napagdesisyonan namin na magbreak. Para saan pa kung naglilihim siya sakin?  Oo na, na fefeel ko yun. Yung times na alam mong there's something you should need to know. Ayaw naman niyang sabihin kahit ilang ulit ko na siyang kinukulit at tinatanong.

After the break up, I cried. Oo na nahurt ako ng bonggang bongga dahil sa kanya. Umiyak ako noon. Siyempre alangan namang tatawa pa ako.

To the max yung emo ko noon. Yung tipo na kahit pagod kana ayaw paring tumigil ng mga luha mo. Yung tipo na kinakagat mo nalang yung comforter o unan mo para hindi marinig ng nasa kabilang kwarto ang mga hikbing binibitawan mo. At araw araw pagdating sa school ngumingiti ka ng labag sa loob mo. You want to be sad pero ayaw mo na makita ka niyang weak. Ang mas malala pa kasi, I don't have someone that I can call BEST FRIEND. Yes, I do have friends pero hindi ako makakapag open up ng topic na personal. Iba kasi kung kilala mo na tsaka close na close kayo.

Basag na basag ako. Puso. Utak. Mukha,  pero syempre joke lang yung huli. Kasi ang maganda kahit haggard at broken hearted maganda parin. Agree?

Let's continue...

After I think a month after the break up. I saw him with a girl.

Do you know who? 

Siyempre yung beloved snake ng buhay ko. Oops. Yung beloved best friend ko pala.
Sarrey..  *flips hair*

At doon ko narealize na kahit nadugtong na kayo ng red string hinding hindi mawawala ang malandi na may dala-dalang gunting. Hay sarap giritan ng leeg.

Ayun masakit. Siyempre minahal ko yun eh tapos nalaman ko nalang na best friend ko pala ang ipinalit. Ouch lang diba?

Masakit. Masakit makita na magkasama sila. Masakit makita na ang sweet sweet nila. Masakit makita na ang taong mahal na mahal mo noon ay kasama ang isa sa taong pinagkakatiwalaan mo.

Oh, her name pala is Zaya Caroline Villamor.     

One time nga nabasa ko ang text conversation nila ng mutual friend namin.

Sia: di naman kami ni Gian eh..

Friend: huh?  Really girl? Then why are you so sweet and always make lambing lambing???

Sia: actually, di ko rin alam kung ano kami. Basta wala kaming commitment and we are just friends.

Friend: di ka ba nakokonsensya girl? Bestie mo yun tapos inagawan mo?

Sia: hoy B*tch!! Hindi ako yung nang agaw kasi mula noong hindi pa sila at noong naging sila na nga eh may something na samin ni Gian.

Friend: eh diba may bf ka noon?

Sia: Ewan ko sayo. Kampihan nio na yang mang aagaw na yan! Bwisit kayong lahat!!!!!!!!!!!!

Kita nio?  Ako pa ang mang aagaw ngayon? D'hell. She's a b*tch and she doesn't deserve to be loved.

Ugh!!!!!!!! Naiirita ako pagnakikita ko siya. Haaay.

*1 message received *

I opened the message...

From Gian :
Hey musta na?

Dapak. Ano to? Ano na naman ba ang kailangan niya. Kita naman niyang on the process pa ako sa pagmomove-on ko sa kanya.

Me: who you?

*smirks *

Sia: wow. Nakalimutan na ako kaagad. Btw, Itatanong ko lang naman sana kung itinapon mo na yung jacket?

Me:ah Gian.  D pa. Bkit kukunin mo na??

Sia:ah hindi. Thanks.

Me: k

Ayun hanggang sa palagi na kaming nag ch-chat. I realized na I still love him pala.
I also realized that nagpapakatanga na naman ako..

Pero

#WalaTalagangForever.

Thanks for reading this!!

A/n: hi minna!!  This story isn't real.
Yes maybe some parts but some are just MINE.

I only have ideas of my friends' story but not detailed.

I sometimes add exaggerated words just to make this story worth to read.

No offense meant..

T. A. N. G. A. Goals (Barkada's shorts)Where stories live. Discover now