#FacebookLoveIsn'tReal

43 0 0
                                    

#FacebookBoyfriendIsn'tReal

Ako?  Isang makulit, masayahin, happy-go-lucky lang at maliit.  Ok fine! Maliit, pandak at cute. Ano naman ngayon kung maliit ang height atleast bawing-bawi naman sa mukha!

Anyways, I'm always wearing a sweet smile on this pretty face.

Pero isa lang ang nakakabura ng mga ngiti kong to. Ang facebook boyfriend ko.

Let's get started!!!!!

"Hoy! Tumigil ka nga! Ano ba?!?", bulyaw sakin ni Ellise. Isa sa mga kaibigan ko.

Kinikiliti ko kasi siya pero dahil ipinanganak siyang hindi marunong tumawa at maging masaya, pinapagalitan ako. Pero dahil pinanganak din ako na makulit, hindi ko siya titigilan.

"ASHLEY ANO BA!!!!!!???!!  NAKAKAIRITA KA NA AAAH!!!! "

"WAAAAAAAAAAH!!!!", tulong!! Hinahabol niya na kasi ako. May kasama pang death glare. Ito ang napapala mo kapag kinukulit mo ang ice princess.

Lesson learned : never make her mad!!

Waaaaaaaah!!!!!  Help me!

"Bahala ka na nga! Pinapagod mo ako eh!  Bahala ka naring gumawa ng pixel art mo! ", cold niyang sabi.

"Oy! Wag namang ganyan. Sige na. Pweaaaase. *insert pout and puppy eyes here* ano nalang... Uhmmm.  Gagawan kita ng ano..  ng news!!  Ok tama!  Gagawan nalang kita ng news article mo para sa English. ", medyo kinakabahan kong sabi may clingy effect pa ako. Please gumana ka.

Mahina pa naman ako sa arts. Ok I'll admit it, she's really good in arts. Ako, sa news lang. And proud akong isa ako sa student journalists sa school.

"ok", matipid niyang sabi.

Yes!!!! Gumana siya!

Btw,  I'm Ashley Queenette Carlson. Mahilig magbasa ng wattpad at magfacebook.

So, this is how my story started.

Minsan ng nagfefacebook ako may nagmessage sakin.

Richard Cobb. Ang gwapo ng profile picture.

Sia: Hi!!

Ako: Hi!

Sia: Maganda ka pala.

Ako: edi ako na.

Sia: porke't maganda magsusungit agad?

Ako: ano naman ngayon??

Sia: wala.. Sige.. Bye.

Hanggang sa naging close kami. Halos magkaedad lang kami. Yun ang nakalagay sa facebook info niya. Ayun, pinakilala ko siya sa mga friends ko kaso ayaw nila kasi baka poser daw. Pero nakipagfriends din naman.

After a month, may ipinakilala siyang girlfriend. Lyza Thompson ang pangalan. Nakipagfriends ako sa girl. May lahing British. Maganda, maputing maputi, sexy at matangkad.

Naging ate ang tawag sakin ng girl. Alam ko ang lahat ng sikreto niya. Tungkol sa pag aaway nila ni Richard at lahat ng sweet moments. Sinabi din niyang may hika daw siya. Na palagi siyan inaatake ng hinihika sa school .

'di nalang tinuloy' joke lang.

After half a year na ganoon ang sitwasyon nalaman ko nalang kay Richard na namatay si Lyza. May lung cancer daw.

Nalungkot ako siyempre.

After I think mga 3 months, nanligaw si Richard sakin. Sinagot ko naman siya kahit labag sa rules ng barkada. Di naman nila malalaman eh.

So wala na si Lyza.

Parang ang bad ng dating ko. Pero di ko naman yun ginusto eh.  Destiny ata.

Noong nalaman ng mga barkada ko ayun puro kantyaw ang ibinabato kasi may baby na daw ako. Yun kasi callsign namin sa mga conversation namin  tapos nakita ng isa sa mga kaibigan ko.

Everything went good until isa sa mga kaibigan ko ay nagduda na. Ipinagdiin niyang di daw totoo si Richard.

One time tinanong nila ito.

Sila: Is Richard Cobb real?

Richard: oo naman. bakit ba yan nalang ang palaging pumapasok sa utak nio ano ba ako sa akala nio alien?

Sila: di naman sa ganoon.

Richard : sorry guys kayo na ang magpaliwanag kay Ashley sa gagawin ko. Bye.

Sila: uy!  Wag ka ngang magbibiro ng ganyan. Huy!

*end of conversation

Ayun nakipaghiwalay sakin si Richard. After ng ilang buwan,  nalaman kong trip niya pala ang isa sa mga barkada ko. Oo masakit kaso wala na kami eh.  Sinabi naman sakin ng friend ko. Pinakita niya ang mga screenshots ng conversation nila. Sabi ko nalang sa sarili ko na magmomove na ako.

After pa ng maraming months nalaman ko na lang na mahal ko parin pala siya. Actually in doubt din ako kung totoo siya. Marami na kasing proweba na hindi eeh. May isa kasi akong friend na nakita daw ang mukha ni Richard sa account ni Alvin Fuentes sa instagram.

Pero alam niyo ang ginawa ko?  Pinagkatiwalaan ko parin siya.

Sa araw araw na pinapasaya ko ang mga kaibigan ko,  gabi gabi rin akong umiiyak dahil sa sakit na dinulot niya.

Oo na, mas nagpakatanga ako kasi araw araw at gabi gabi ko parin siyang pinipilit na bumalik sakin.

Pinapadalhan ko siya ng mga litrato ko na umiiyak pero ayaw parin niya sakin. I'm just... So desperate right now.

Ito ang dahilan kung bakit ako palaging gumagamit ng cellphone kahit na oras ng klase. Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong ipahiram at may phone lock ang cellphone ko.

Para walang may makaalam kung gaano ako nagpakatanga sa isang lalaki sa facebook na hindi nga ako sigurado kung totoo.

Walang may makaalam na patuloy parin ang pagmamakaawa kong balikan niya ako..

Nagpapakatanga ako kahit alam ko naman na..

#FacebookLoveIsn'tReal

T. A. N. G. A. Goals (Barkada's shorts)Where stories live. Discover now