#Don't worry.. I'll be fine.

18 0 0
                                    

  Kung sino pa ang naging tulay, siya pa 'yung nahulog. Sana humingi siya nang tulong sakin para naman naitulak ko!

   "Cath! Hindi ba si Kent 'yun? " sabi ni Princess at tinuro ang lalaking may kausap na babaeng parang pamilyar sa akin.

   "Si Kent nga.... Kasama si Grace. " hindi ko maiwasang malungkot. Kasama ng crush ko ang bestfriend ko. Wala naman akong karapatang magreklamo kasi... crush ko pa lang naman siya.

    "Cath, papunta sila dito. Ngumiti ka naman para kang nawalan ng isang libo ah. " mahinang sabi niya at sinisiko siko pa ako.

   Ngumiti ako ng pilit at tumingin sa kanila.

   "Cath! Princess! Hi, may ipakikilala ako sa inyo. " Tinuro niya si Kent,  "Si Kent pala guys.  Siya 'yung sinasabi kong kasama ko sa church."

    "Hi Kent!" masiglang bati ni Princess.

    "Ahh... Hi. " nahihiyang sambit ko. Di narin ako nagshake hands.

"Hello, Catherine. " sabi ni Kent at pinakita pa ang dimple niya. Omegesh! Ene be nemen 'yen. Nekekekeleg.

"Hoy! Tinatawag ka ni Grace. Anyare 'te? " sabi ni Princess sabay batok sa akin. Kakahiya ka Cath! Anlandi! Pwe. Tinignan ko si Grace ng may pagtatanong.

"Shake hands naman kayo. " masayang sabi niya. Nagsmile nalang ako. Maya maya'y kinuha na niya ang kamay namin ni Kent at pinagdikit sabay wink sakin.

Ramdam na ramdam ko talaga ang pag akyat ng dugo sa mukha ko. Sigurado akong pulang pula talaga ako ngayon.

"Can I have your number Cath?" tanong niya. Ngumiti naman siya at talagang inaakit ako ng dimple nito.

Pagkatapos ng araw na yun napag alaman ko na hindi pala sila kaya 'dun na nag umpisa ang panliligaw ni Kent.
Now, to make it short. Naging kami. Noong nag anniversary kami, pumunta si Kent sa bahay para imeet si mama.

Wala naman masyadong naging problema except sa bestfriend kong pinagseselosan ko. Bakit? Kasi palagi silang magkasama. I know kasi church mate sila. Pero kahit sa dates namin ni Kent, palagi siyang andun. Minsan sabi niya nagkataon lang na nandoon siya kaya sasabay nalalng daw sa amin. Hindi naman ako maka-hindi kasi nga bestfriend ko. Kahit sa birthday ng pinsan ko. Tinanong ko kung sino ang umimbita wala naman daw.  Naiinis na talaga ako ehh!

Minsan, gustong-gusto ko talaga siyang tanungin. Ang kaso nahihiya ako at tsaka ayoko ng gulo.

Isang araw nandito ako sa ilalim ng mangga, nag aaral ako para sa quiz sa english namin sa afternoon class nang may naramdaman akong may umupo sa tabi ko.

"Hi Cath. Alam mo ayokong sirain ang relasyon niyo ni Kent pero dahil bestfriend kita sasabihin ko sayo. " tinignan ko lang siya at hindi ko napigilang mapataas ang isang kilay ko.

"Whoah! Kalma dear. Gusto ko lang naman sabihin na... may ibang mahal si Kent at 'yung relasyon niyo ay isang malaking kasinungalingan. Sabi kasi ng friends ni Kent na kapag naka 18 months kayo, ibibigay nila ang 1 kotse at 2 motor sa kanya. " Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. 18 months? Ngayong month na 'yun ah.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa? " naiiyak kong sabi.

"Pasensya na. Humingi kasi ng pabor sakin si Kent na huwag kong ipapaalam sayo. " yumuko nalang siya at pinaglalaruan ang kanyang mga kamay.

"Pero bestfriend mo ako Grace! Matagal na tayong magkaibigan! Pinagkatiwalaan kita! Minahal na prang kapatid at tinuring na pamilya! Bakit Grace? Ahh... Alam ko na! Kasi mahal mo si Kent. 'no?  Ha! Tama pala ang hinala ko! Sinungaling! Traidor ka! Mang---"

"Oo na mahal ko siya kaya kung ako sayo Cath layuan mo na si Kent." siya pa talaga ang may ganang magalit? Tumakbo siya papalayo sa direksyon ko. Lalayuan ko talaga 'yung gagong 'yun.

Pagkatapos ay hindi na ko pumasok. Pumunta ako sa tambayan at dun umiyak umiyak. Wala pa namang tao kasi nakaumpisa na ang afternoon period.

Nasa paligid lang pala ang sisira ng pagtitiwala mo. She chose him over me. Mahigit isang oras na akong umiiyak dito pero parang gripo naman 'tong mata ko.

"Oh. Chocolates. " nakita ko ang kamay niyang may chocolates kaya kinuha ko ito...si Ellise. Minsan lang siya kung magbigay ng chocolates kasi favorite daw.

Tinitignan ko lang siya na umupo sa tabi ko.

"Thanks. *sobs*" isang tango lang ang natanggap ko. Hinahagod niya pa ang likod ko. Ganito lang talaga siya mag comfort. Walang words pero mafi feel mo talaga ang warmness at love. Dakilang Ice princess ng grupo with a warm heart.

Ang pangyayaring 'yun ay hindi na naulit. Hindi na kami nagkakasalubong ni bestfriend at ex.

Balita ko hindi naman sila. Paki ko ba? Pakihanap ng paki ko please.

Ah oo nga pala andoon kay ex yung Care ko. I'm still into him parin. I love my bestfriend parin. Hay nako.

Magtransfer na ako next year ganito pa ang mangyayari.

Inlove na ako
Inlove na sayo--

"Sinong pumatay music? Ba't mo pinatay si Darren? Bakit? " pag iinarte ni Ashley.

"OA mo. Batukan kaya kita, gusto mo? "

"Bitter!" at umalis na.

Maya maya ay bumalik din para kunin ang phone niya. Ay tanga!

Ayokong pinapatugtog 'yun kasi kinanta ni Kent ang kantang 'yun. Oo bitter pa ako.

Lumabas narin ako sa tambayan upang pumunta sa cafeteria. Habang papunta doon nagkasalubong kami ni Grace. She looks fine naman kaya parang hindi naman ata apektadosa nangyari.

Pagpasok ko sa cafeteria ay nagkasalubong naman kami ni Kent. Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Umiwas nalang ako ng tingin at dali-daling pumunta pumili ng bibilhin.

Ayoko pa namang makita sila ngayon. Pero sa nakita ko,ang haggard ng mukha ni Kent. Tapos ang laki ng eyebugs. Baka.... apektado siya. Ay nako...kung ano ano na ang iniisip ko.. Pinapaasa ba naman ang sarili. Nako, malala na 'to.

Nang pabalik na ako sa tambayan ay may nakita akong naghahalikan sa hindi kalayuan. Nang mas malapit na ay napagtanto kong si Kent at Grace pala. Nakita ko ring nagulat si Kent ngunit hinatak ulit ito ni Grace.

Sila na pala... Congrats! Kapag makita ko lang na masaya ang mga taong malapit sa akin na masaya, ok na ako.

Sabihin niyo mang tanga ako.. Dahil napatawad ko sila ng ganun ganun lang...  #Don't worry.. I'll be fine.

T. A. N. G. A. Goals (Barkada's shorts)Where stories live. Discover now