Jazze's POV
Nagising ako sa ingay na narinig ko sa labas. Minulat ko ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang kulay puting kisame.'Kailan pa naging puti ang kisame ng kwarto ko?' tanong ko sa aking isipan.
<.<
'Kurtinang puti?' tanong ko uli sa aking isipan.
'Kailan nagkaroon ng puting kurtina sa loob ng aking silid? Sa pagkakatanda ko, walang kurtina ang aking silid.' bulong ko sa aking isipan.
>.>
'Kurtinang puti na naman?!' asar na tanong ko sa aking isipan.
'Teka, nasaan ba ako?! Ang alam ko walang puting kisame at kurtina ang aking silid kaya kung hindi sa akin itong silid, eh kanino to?' tanong na bumabagabag sa aking isipan ngayon.
Nasagot ang tanong 'kong iyon nang may humawi sa kurtina at bumungad sa akin ang isang babae na nakasuot ng kulay puting damit na abot hanggang tuhod at may kulay puting sinturon ang pumaikot sa bewang niya.
"Bakit laging puti ang nakikita ko? Uso na ba ang kulay puti ngayon? Kung ganoon, bakit hindi ko nalaman agad? Outdated na ba ako sa balita ngayon? Nasaan ako? Bakit wala ako sa aking silid? Sino ang nagdala sa akin dito? Sino ka?" sunod-sunod 'kong tanong sa babae na mukhang nasa edad na 23-24.
"Hinay-hinay lang po,Maam. Mahina ang kalaban." natatawang saad niya.
"Una, ako po si Odette Estrelya. Tawagin niyo na lang po akong Dette. Pangalawa, nasa hospital ka po ngayon ng Light Academy kaya halos lahat ng nakikita niyo dito ay kulay puti. Pangatlo, dinala ka dito ng punong-guro ng akademyang ito kasama ang dalawa mo pang pinsan. Ang iba mo pang mga tanong ay hindi ko po alam ang sagot." mahabang salaysay niya.
"Light Academy?" nalilitong tanong ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya ng mapansin ang ekspresyon ng aking mukha.
"Mayroon bang ganong akademya?" tanong ko sa kanya.
"Hindi niyo po ba alam?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Umiling naman ako bilang sagot sa tanong niya.
"Ang Light Academy ay isang paaralan para sa mga katulad natin na may natatanging kakayahan. Itinatag ito upang mahasa at matutunan ang paggamit ng wasto ng inyong kakayahan. Ang Light Academy ay hinati sa tatlong dibisyon.
Ang Neutral Class, Wizardy Class at ang panghuli ay Charm Class. Ang Neutral Class ay ang dibisyon para sa mga freshmen. Dito tinuturuan ang mga baguhan upang makontrol ang kanilang kakayahan. Ang kakayahan natin ay tinatawag na Charm o Attribute. Pag nakontrol mo na ang iyong Charm o Attribute ay maaari ka ng ilipat sa ikalawang dibisyon, ang Wizardy Class. Dito hinahasa ang iyong Charm o Attribute para makagawa ka ng mga pangunahing tactica. Tinuturuan ka ding gumamit ng wand para kapag hindi na kaya ng katawan ng isang tao ang paggamit ng kanilang Charm o Attribute pwede niyang magamit ang wand para pang depensa sa kanyang sarili dahil kaunting enerhiya lang ang nababawas kapag gumagamit ng wand ang isang tao. At kapag natutunan ng isang mag-aaral ang mga pangunahing tactica sa paggamit ng wand at ng kaniyang Charm o Attribute, maaari na siyang lumipat sa ikatlong dibisyon, ang Charm Class. Dito itinuturo ang mas malakas na tactica sa paggamit ng kaniyang Charm at dito na rin itinuturo ang pagdarasal o chant gamit ang wand upang mas mapalakas ang tira na gagawin niya sa isang kalaban." paliwanag ni Dette habang inaayos ang mga gamot sa kabilang kurtina."Aah..Ganoon ba? Teka? Nasaan ba ang mga pinsan ko?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa kabilang kwarto, katabi ng sa iyo." sagot niya.