Anna's POV
"IKAW?!" sabay na sigaw namin maliban kay Krissha na dumiretso sa sofa at prenteng umupo habang may nakasaksak na earphones sa kanyang tenga.
"Hindi ko inaasahan na mapapaaga ang pagpunta niyo dito sa opisina ko," aniya.
"At hindi rin namin inaasahan na makikita namin ang demonyitang tulad mo dito sa lugar na ito," sarkastikong tugon ko sa kanya.
Bumuntong-hininga muna siya bago kami tingnan ng seryoso.
"Simula ngayon, dito na kayo mag-aaral.." pagsisimula niya.
"ANO?!/WHAT?!" sabay-sabay na sigaw namin na maski si Krissha ay nakisali.
"Narinig niyo naman ako diba?" tila naiinis na sagot niya sa amin.
"Kaya lang..."
"Kaya lang, ano?" tanong ni Jazze.
"Magsisimula na bukas ang pasukan ng mga bagong estudyante dito sa paaralan kaya bumili na kayo ng mga kailangan niyo at nang makapagpahinga na kayo. At ikinalulungkot kung sabihin ito..." pagpuputol niya at umarteng maiiyak na siya.
"...Hindi kayo pwedeng pumasok bukas. Pagkatapos ng dalawang linggo lang kayo magsisimula sa inyong pag-aaral dito sa akdemya ko.." pagpapatuloy niya na labis na ikinalito namin.
"At bakit naman?" mataray kong tanong sa kanya.
Tiningnan niya ako at ang kaninang mukha na maiiyak na ay napalitan ng mukha ng isang tunay na demonyita.
"Dahil hindi ako bumabali ng pangako," sambit niya na may ngisi sa kanyang labi at mas lalong ikinalito naming dalawa. Huwag niyo ng tanungin kung nasaan si Krissha dahil wala na siya dito. Matapos sabihin ng demonyitang ito na dito na kami papasok ay lumabas siya at pabagsak na isinara ang pinto. In short, nag walk-out ang Reyna niyo.
"Anong pinagsasabi mong 'pangako' diyan?"naguguluhang tanong ni Jazze.
"Naalala mo pa ba noong nagkasagutan tayong tatlo?"
At talagang dinamay pa si Krissha. Kung nandito lang yung isang yun baka kanina pa nawasak ang opisinang ito...Wait...Nagkasagutan kaming tatlo---..?!
"ANAK NG?!NAALALA MO PA?" sabay na bulyaw namin ni Jazze sa kanya dahilan ng pagtakip niya sa kanyang dalawang tenga gamitang kanyang dawalang kamay.
"KAILANGANG SUMIGAW?!" bulyaw niya sa aming dalawa na ikinatayo namin ng tuwid dahil naiinis na talaga siya. Mahirap na baka patalsikin niya kami palabas ng opisina niya.
"HINDI KO LANG KAYO PAPATALSIKIN PALABAS NG OPISINA KO ANNA, PAPALIPARIN KO RIN KAYO PALABAS NG PAARALANG ITO!" pag-aalburuto niya.
Nako naman! Mukhang ginalit ko ang dragon!
Siniko naman ako ni Jazze sabay bulong niya sa akin ng...
"Ano naman ba ang iniisip mo at sumabog ang bulkan na matagal ng hindi pumuputok?"
"Sa labas ko nalang ikukwento sa iyo. Ang mas mabuti pa umalis na tayo dito sa malas na opisinang ito." sagot ko sa kanya.
"ANG MAS MABUTI PA PUMUNTA NALANG KAYO SA TAGAPAMAHALA NG DORMITORYO AT SABIHIN NA IPINAPAPUNTA KO SIYA DITO!" sigaw niya ulit sa amin na mas lalong ikinatakot ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Napansin siguro niyang hindi pa kami lumayas sa malas niyang opisina kaya binulyawan niya ulit kami sabay sabing...
"ANO PANG TINUTUNGANGA NIYO DIYAN?!LUMAYAS NA KAYO!KAYO ANG NAGDADALA NG KAMALASAN SA OPISINANG ITO EH!"