My StepFather

42.9K 481 24
                                    

"Ah Jasper tara na kase gumagabi na" ang nahihiyang sabi ng aking Stepfather na si Romeo

Nasa harap kami ng puntod ng mommy ko. Namatay siya sa isang car accident. Paguwi ko galing school sinabihan agad ako ni Tito Romeo.

Alam kong may kinalaman si Tito Romeo dito. Di ko nga alam kay mommy bat nagpakasala pa siya dito.

Isang araw umuwi nalang si Mommy na kasama si Tito Romeo. Sinabihan akong nagpakasal na sila sa States. Nagtampo ako kay mommy noon. Di man lang nagpasabi na gusto pala niya magasawa ulit.

Hanggang ngayon na namatay siya di man kami nakapagsorry sa kanya. Sinisisi ko din ang sarili ko sa pagkamatay niya.

"J-jasper . . " naramdaman ko ang kamay niya sa aking balikat.

"Wag mo kong hahawakan!" ang galit kong sabi sakanya. Nakaharap pa din ako sa puntod ng aking mommy.

Lumipas ang isang linggo ay di ako pumasok sa school. Nagkulong lang ako sa kuwarto. Minsan di ako kumakain wala akong gana. Nakahiga ako ngayon sa aking kama at nakatingin sa kisame. Natauhan lang ako sa narinig nang malakas na katok.

"Jasper! Buksan mo nga tong pinto!" ang sigaw ni Tito Romeo.

"Ayoko!" ang matigas kong sigaw

"Jasper kapag di binuksan tong P*tang In*ng Pinto na to makakatikim ka sa akin!" ang galit na sigaw ni Tito Romeo

Lumabas din ang tunay na kulay ng Gag*! Pinilit lang naman ako ni Mommy na tawagan siya ng Tito.

"Kapag sinabi kong ayoko! Ayoko!!!"

Narinig ko nalang na bumukas bigla ang pinto.

Napatayo ako dahil sa sobrang gulat.

"Ikaw Jasper sumosobra ka na ah! Sinabi ni Manang di ka daw kumakain at di ka pa daw pumapasok sa school!" ang sigaw niya sa akin.

Napangisi nalang ako sa inasta niya.

"Lumitaw din ang tunay na kulay mo noh!" ang mayabang kong sabi dito

Napatahimik nalang sa sinabi ko si Romeo. Simula ngayon di ko na siya tatawagin Tito. Di naman nagkakalayo ang aming edad 24 siya ako 20.

"Ano bat di ka nakasagot? Kung puwede lang lumabas ka nalang ROMEO!!!"ang inis kong utos sakanya.

Nakita ko siya napayuko siya at tahimik na lumabas sa aking Kuwarto.

Wala siyang karapatan dito sa bahay. Kaya bukas papalayasin ko na siya. . .

My StepFatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon