Di ako makapaniwala na ipinagkatiwala lahat ni Mommy ang mga lahat properties niya. Pati tong bahay sakanya niya binigay. Wala man lang iniwan sa akin.
Kakatapos lang basahin ni Atty. Diaz ang last and will niya. Si Gag* ang lapad ng ngiti niya. Pero di ako makakapayag na sakanya lahat mapunta ang pinaghirapan.ni Daddy at mommy ko.
Gusto ko maginum ngayon. Gusto makalimot kahit ilang sandali lang sa mga pinagdadaanan ko. Kaya naman nagpasyahan kong pumunta sa isang sikat na bar sa bayan namen.
Maraming nang kotse na nakapark sa parking area ng bar. Kaya naman masasabi mong sikat talaga tong bar na to kahit weekdays palang.
Pagpasok ko sa loob ng bar ay sibrang ingay, usok at siksikan ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. Pumunta ako sa may bar counter.
Nagorder ako ng two shot of bacardi. Pinagmamasadan ko lang ang mga taong nagsasayawan. Di ko alam bat ang hilig makipagsiksikan. Ang mga iba ay nakikipaglaplapan sa kasayawan. Napansin ko ang isang babae na papalapit sa akin.
"Hi are you alone?" ang malanding tanong niya
Tumingin lang ako sa kanan at kaliwa ko at tinaasan ko lang siya ng kilay
"Di mo ba nikikita?" ang pilosopo kong sagot sa kanya.
"Ang suplado mo naman but i like that so may i join you?" naramdaman ko nalang na hinihimas na ang binti ko na patingin ako sa gawi na yun
"Please dont touch me. Di ako pumapatol sa isang Cheap na kagaya mo" ang seryoso kong sabi.dito.
"Excuse me! Cheap ako?! How are you" akmang sasampalin niya ako. .
"Kung ako sayo wag mo na ituloy yan." ang agad kong sinabi sa kanya.
Umalis na nang ang babae na lumapit sa akin. Totoo naman Cheap siya. Halata sa kilos at pagmumukha niya.
Di ko namalayan na napaparami na pala ako ng inum at lumalalim na ang gabi. Medyo nahihilo na ako nang magpasya ako umuwi na. Pero napatigil ako nang may pamilyar na mukha ang aking nakita.
Pinuntahan ko ang kinaroroonan ng magaling kong Stepfather na nakikipaglandian sa isang babae.
Kahit na nahihirapan ako dahil nahihilo ako ay nakarating din agad ako sa puwesto niya. Nakita ko na nagulat siya nang makita niya ako.
"Oh Tito Romeo ayos ah. Di pa nga nakakapag 40days may kapalit na pala si Mommy" ang galit kong sabi dito
"Mali ka sa kinaakala mo Jasper" ang tarantang sabi niya sa akin
"Baby sino ba yan?" ang sabi ng babae na nakaakbay sa braso niya
"Ako lang naman ang Step son niya. Bakit ikaw ba ang magiging step mother ko. Wait isang Cheap Girl from the Slut ang ipapalit mo sa mommy ko" ang sabi ko sakanila
"Let me explain Jasper pero tara uwi na tayo" ang sabi niya sa akin at hinawakan na niya ako sa kamay para ilabas sa bar. Pero nagpumiglas ako. Di ko kailangan ang tulong niya.
"Dont ever dare touch me Cheap guy. Kaya ko ang sarili ko" pero bigla nalang ako nakaramdam ng pananakit sa dibdib. Napahawak ako sa dibdib ko at nahihirapan ako himinga.
"jAsper are you. Oh Sh*t!" ang pagaalalang tanong ni Romeo sa akin.
Naramdaman ko nalang na binuhat ako nito at nawala na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
My StepFather
Mystery / ThrillerSi Romeo ang aking Stepfather. . . Marami siyang lihim sa nakaraan.... Masyadong magulo ang kanyang buhay.... Jasper ang aking pangalan.... Tulad nang aking Stepfather may lihim dun ako.... Masyadong marumi ang lihim ko... Ako si Romeo ang Stepfat...