Nagising na ako sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Nasaan na ako. Ang tanda ko ay nasa bar ako at nakita ko si Romeo may kalandian na babae.
Iminulat ang aking mata. At pinagmasdan ko ang paligid. Nasa kuwarto pala ako. Pero sino ang nagdala saken dito.
"Buti gising kana nagugutom kana ba? Ano gusto mo" napatingin ako sa nagsalita na kakapasok palang sa kuwarto ko.
"Ano ginagawa mo dito?" ang inis kong tanong ko dito.
"Tinitignan ko lang kung ano lagay mo" ang sabi niya sa akin
"Umalis ka lang uurrgghhh...." biglang sumakit nanaman ang dibdib ko
"Ano masakit sayo? Ayos ka lang ba?" ang pagaalalang tanong nito.
"W-wag mo ko hawakan" ang nahihirapan kong sabi dito.
"Puwede alisin mo nalang ang pride mo. Tignan mo nga mamamatay matay ka nalang ayaw mo pa na tulungan kita. Tigas talaga ng ulo mo. Tama nga sinabi ng mommy mo sa akin!" ang pagalit na sabi ni Romeo
Di ko alam bat siya ganyan siya sa akin ngayon. Nagaalala bakit? Nakuha nga niya lahat eh. Heto siya ngayon sa tabi ng kama ko nakaupo nakatulog siya sa pagbabantay sa akin. Kahit ganon di ko pa din siya tanggap. Di ko alam kung saan nga napulot tong tao na to. Kailangan ko malaman kung saan nagmula tong Sosyal Climber na to.
Kinabukasan ay nagpatulong ako sa mga kaibigan ko. Sinabi ko sakanila ang balak ko.
"Jas baka mapahamak tayo lalo kana" ang pagaalala sabi ni Chan
"Oo nga Jas tama si Kuya Chan. Tsaka di mo sinabi samen na umatake nanaman pala ang sakit mo" ang sabi ni Mike
"Tama sila Jas diba sabi mo nga inalagaan ka niya." ang pagsangayon naman ni Xander
"Ano ba kayo mga kaibigan ko ba kayo. Pwes kung ayaw niyo mga pare akp nalang ang gagawa" umalis na ako pumasok na ako magisa sa classroom.
Buong maghapon ay di ko sila pinansin at iniiwasan ko sila. Kailangan ko malaman kung sino ba talaga si Romeo.
Lumipas ang linggo at naging buwan ay di ko pinabayaan ang aking pagaaral. Ang plano ko ay hahayaan ko muna si Romeo magpakasarap sa pera namen. Tignan ko lang kung saan siya pupulutin kapag binawi ko na sakanya ang lahat ng meron sa kanya.
Lagi siyang wala sa bahay at sabi ni Manang ay gabi o madaling araw na siya umuuwi. Di ko alam kung saan siya nagpupunta. Nag hired ako ng isang private person para alamin ang background ni Romeo.
Wala pang binabalita ang tao ko. Kakakuha ko palang nung isang Linggo. Ang sabi niya ay aabot sa dalawa linggo bago makalap ang mga impormasyon na kailangan ko.
Samantalang sila Mike, Xander at Chan ay tuluyan ko nang iniwasan at may mga bago na ako mga kabarkada sila Paolo at Justin. Ayos silang kasama kahit mga varsity sila ng basketball ay di nila pinapabayaan ang pagaaral nila.
Minsan ay tinatangka akong kausapin nila Chan pero iniiwasan ko na sila.
Dumating Sunday ay nakipagkita ako sa Tao ko. Sa isang coffee shop.
"Ano na balita sa pinapagawa ko?" ang seryoso kong sabi dito
"Ayon sa nakalap kong impormasyon ay. . . . " Di na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang dumating si Chan at marahas na hinila ako nito palabas ng Coffee Shop at sinakay ako sa kotse niya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa.mo ah Chan?" Ang galit kong sabi dito habang hinihima ko ang aking braso na nagkaroon ng pulang marka dahil sa mahigpit na hawak ni Chan kanina sa akin.
Napatingin dun si Chan at kita ko sa mga niya na ang pagkaguilty.
"Im sorry.....''
BINABASA MO ANG
My StepFather
Детектив / ТриллерSi Romeo ang aking Stepfather. . . Marami siyang lihim sa nakaraan.... Masyadong magulo ang kanyang buhay.... Jasper ang aking pangalan.... Tulad nang aking Stepfather may lihim dun ako.... Masyadong marumi ang lihim ko... Ako si Romeo ang Stepfat...