A TEENAGE REMEMBRANCE (Episode 2) teaser

7 0 0
                                    


A Teenage Remembrance

Halos mabuwal ako sa aking kinauupuan

habang binabasa ang mga huling sinabi ng babaeng

kachat ko. Mga katagang nagbalik sa akin sa nakaraan..

At dahan-dahang nagbalik ang lahat ng mga kahapon

na pinagdaanan naming dalawa...

mga nakaraan kung saan nagsimula ang lahat.

Nung mga araw ng aking kabataan nang

magsimulang dumating sa Buhay ko ang lalakeng

kauna-unahan ko'ng minahal.

"Bata pa ako, hindi uso sa akin ang mga ganyan..."

Yan ang lagi kong sinasabi sa tuwing pinag-uusapan

Ang kwentong pag-ibig tungkol sa akin.

Ngunit nagbago ang lahat ng Makilala ko si Gub,

Isang simpleng lalake na nagpatibok sa puso ko ng biglaan...

Isang binatang naninirahan sa maynila na pansamantalang

Nagbakasyon dito sa lugar naming sa bayan ng San Pablo Laguna.

Araw-araw ko siyang nakikita tuwing dumadaan ako sa tapat ng kanilang bahay,

Sa tuwing pumapasok ako sa eskwela.

Ewan ko ba....

Pero sa tuwing makikita ko siya, nasasabi kong,

"Kumpleto nanaman ang araw ko..."

Ngunit tila hindi naman niya ako napapansin...

Kaya naman itinuring kong hanggang doon na lamang ang kung anoman ang nararamdaman ko..

Pero "May mga bagay na kusa nalang ibinibigay ng Dios kahit hindi hilingin ng tao..."

Isang araw, habang naglalakad ako pauwi galing sa eskwela,

Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan...

Nataranta ako at hindi ko alam kung saan ako sisilong.

Kaya't ipinandong ko ang gamit ko'ng bag habang napapapikit sa malakas na kulog at kidlat.

Ngunit sa pagmulat ng aking mga mata, ay biglang tumila ang ulan sa aking tapat at nakita ko ang laalkeng may hawak na payong...

Si Gub...

"Gamitin mo na 'tong payong."

'yun lang.. At umalis na siya...

Sobrang nasorpresa ako ng mga sandaling iyon...

At namalayan ko nalang ang sarili ko na napakasaya.

Napansin din nya ako...

Kahit sandali lang...

Kinabukasan ng umaga, dumaan ako sa kanila.

Upang isauli ang payong na ipinahiram niya sa akin kahapon.

Ngunit indi siya lumabas ng bahay,

Pasimple ko siyang hinanap ng tingin pero wala siya.

Wala ang tao na inaasahan kong makikita...

Pero ramdam ko'ng nasa palid lang siya.

Umalis akong malungkot...

Kabaligtaran ng akala ko'ng magiging masaya parin ako dahil makikita ko siyang muli.

Ilang araw ang lumipas pero hindi ko na siya muling nakita.

Inisip ko'ng umalis na siya at bumalik ng Maynila.

Pero mali ang akala ko.

Tila biglang huminto ang oras... At bumilis ang tibok ng aking puso.

Nang isang kisapmata ay nakita kong siyang nakatayo sa harap ko.

Hindi ko alam ang aking sasabihin.. biglang may kung anong kabang dumadagundong sa aking dibdib.

"Ah.. ehh.. sorry ha.. hindi ko pa naisoli ang payong mo kasi..."

Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi dahil bigla na siyang nagsalita.

"Tag-ulan na, Ayokong mabasa ka nanaman ng ulan kaya sayo na ang payong na yun."

Tuluyan ng tumigil ang ikot ng aking mundo ng mga sandaling iyon.....

Tanging siya nalang ang aking nakikita sa buong paligid.

Habang mabilis na nag-uunahan ang bawat pagtibok ng puso ko.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay nabuo sa aking nararamdaman na hindi ko na mapipigilang magmahal...

Nag-umpisa ng mangarap ang aking puso na sana ay huwag na siyang umalis sa tabi ko...

Kung pwede lang...

Pero makapangyarihan talaga ang Dios,

Kapag ginusto niya, gagawin niya...

"Babalik na ako ng Maynila bukas."

Natulala ako... Wala akong magawa na para bang tumigil ang tibok ng puso ko...

Kinabukasan maaga akong gumising,

Nagbakasakaling Makita ko pa siyang muli.

Kahit sa huling pagkakataon...

At para sana maibigay ko rin ang sulat na ginawa ko kagabi.

Pero huli na yata ako... Wala na siya...

Wala na ang lalakeng minamahal ko na.

Hindi ko manlang siya nakausap, ni hindi ko manlang nakita bago umalis.

Hindi ko narin naibigay ang sulat na ginawa ko para sa kanya. Hindi ko akalain na kaagad din siyang mawawala.

"Na matapos kaagad ang nag-uumpisa palang"

Tatanggapin ko na lamang ba na wala na talaga? O aasa pa akong babalik pa siya?

Habang malungkot kong binabagtas ang daan pauwi sa amin ng may biglang tumawag sa akin,

Ang pinsan kong si kim... tumatakbo papalapit sa akin.

"Ate may ibibigay ako sayo, ipinabibigay sayo galing kay kuya Gub."

Tila nagluluksuhan ang bawa't tibok ng puso ko habang inaabot ko ang ibinigay sa akin ni Kim.

Nagtataka ako kung para saan at bakit isang palara ng sigarilyo.

Agad ko'ng binuksan ang nakatuping palara na naglalaman ng isang liham.

"Ingat ka palagi... Wag ka na magpapakabasa sa ulan ha. Basta sana pagbalik ko, buo parin ang payong nating dalawa. Ingatan ka nawa ng Dios... GUB."

"P A Y O N G"

Itutuloy....

A TEENAGE REMEMBRANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon