A Teenage Remembrance (Episode 4)

5 0 0
                                    

EPISODE 4

Isinulat ng A N L U W A G I

Tila bumilis ang ikot ng mundo nang Makita ko si Gub,

Na para bang ang puso ko na ang unang nagpapasalamat.

Nagbalik ka Gub...

Ang lalaking kaytagal ko'ng hinintay..

"Hi! Kamusta ka na?" Si Gub na tila nagulat din ng makita niya ako.

Halos hindi ako makapagsalita, napakabilis ng tibok ng puso ko.

"a..e... eto... ganun parin... ikaw? Kamusta ka na?"

Nang mga sandaling iyon, para bang wala na akong mahanap na lugar kung saan ako hihimatayin sa sobrang kaba at kilig na nadarama lalo na na'ng nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat.

"namiss kita..."

Biglang lumipad ang diwa ko sa kalawakan na para bang inilipad ng makapangyarihang katagang iyon ang puso ko.

Hindi ko malaman ang aking gagawin. Ang tanging alam ko lang sa mga oras na iyon ay napapaligaya ni gub ang puso ko. Ngunit hindi ko maiwasan sa sarili ko ang magtanong, "mananatili ba siya, o muling aalis..."

Ilang araw ang lumipas, mas lalo ko'ng nararamdaman si Gub dahil halos araw –araw ko na siyang nakikita at nakakasama. Kay sarap isipin na hindi na siya muling aalis, pero sa tuwing naiisip ko ang sinabi ng inay sa akin, nalulungkot ako. Pero bahala na, walang makakapigil sa akin maliban sa kung ano ang loobin ng Dios. Naumpisahan ko na 'to, kaya susubukan ko nalang harapin. Mahal ko na talaga si Gub, at mamahalin ko siya kahit mahirap. Kahit anong mangyari. Kahit alam ko'ng hindi pa ako pwedeng magmahal para sa inay. Iba na nga talaga itong nararamdaman ko, palagi ng laman ng isip ko si Gub, lalo na sa puso... Napaka saya ng mga bawa't sandal lalo na kapag nasa tabi ko lang siya. Pero isang gabi nakita ko siya sa bahay namin habang kausap ang inay ay magkahalong kaba at pagtataka ang naramdaman ko.

Sobrang saya... Hindi ko maintindihan kung baki't magkasundo si Gub at ang inay, hindi ko narin inalam kung bakit, basta ang mahalaga wala na akong iisiping sakit ng ulo na para ba'ng nabunutan ako ng tinik sa dibdib, inisip ko nalang din na ok na ang lahat at wala ng kontra.

Naging mas masaya ang bawa't araw na magkasama kami ni Gub. Tuwing hapon ay pumupunta siya sa amin upang tulungan ang inay sa mga Gawain sa bahay, nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy, at iba pa na mga bagay na pwede niyang maitulong tuwing nandun siaysa bahay namin.

Hindi ko inaasahan na makakasama ko ng ganito si Gub, at mas lalo ko siyang nakikilala sa bawa't araw.. hindi naman siya kagwapuhan, isa lang din tipikal na itsura ng mga lalake, Siya yung tipon ng lalake na kapag nag-hi sayo sa facebook at tinignan mo ang picture, ay hindi mo papansinin. "seen zone " ika nga. Pero kapag nakilala mo siya, siya pala yung lalakeng hindi mo lang pinapangarap, kundi pangarap ng lahat ng mga babae.

Pero hindi maikakailang umiikot parin sa isip ko, ano nga ba ang ibig-sabihin ng mga ginagawang iyon ni Gub? Bakit niya ginagawa ang mga bagay na iyon para kay inay? Para kanino, at para saan? Kasi ang alam ko, ginagawa lang iyon ng mga nanliligaw. Hindi naman siya nanliligaw, at di naman niya sinabi sa akin na liligawan niya ako. Basta masaya lang siya sa ginagawa niya?

Pero mas masaya ko, kasi araw-araw ko na siyang nakikita at nakakasama.

Isang araw, nagkaroon kami ng project sa school at kailangan ko ng maipasa bukas. Hirap na hirap akong abutin ang mga dahon ng sampalok. Isa kasi yun sa mga sample ng herbal medicine na kailangan ko kolektahin at idikit sa oslo paper.

"ako na ang kukuha."

Hindi ko namalayang dumating pala si Gub.

"ibigay mo sa akin ang listahan ng lahat ng mga dahon na kailangan mo at ako na ang maghahanap."

Napangiti ako... Ngiti ng labis na kaligayahan hindi dahil siya na ang gagawa ng project ko, kundi dahil nakita ko nanaman si Gub.

"umuwi ka na sa bahay nyo, umaambon na oh."

"p...pero marami pang dahon na kailangang hanapin.. tsaka ikaw paano ka?"

"ok lang, ako na ang bahala, basta iwan mo na sakin yang listahan."

Wala na akong nagawa ng mga sandaling iyon, kusang sumusunod ang puso ko kapag si Gub ang nagsasabi. Kaya ibinigay ko na kay Gub ang listahan at nagpasalamat.

Labis na kasiyahan ang nadarama ko sa mga sandaling iyon, lalo nan g Makita ko ang mga ngiti niya bago ako umalis at inabot sa akin ang isang bulaklak ng gumamela...

"alam ko'ng hindi yan kasama sa project na kailangan mo,

Pinitas ko lang yan para sayo."

"Gumamela"

Itutuloy...

H|m

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A TEENAGE REMEMBRANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon