A Teenage Remembrance (A Very First Episode)

6 0 0
                                    

Labing-anim  na taong gulang ako ng magsimulang bumilis ang ikot ng mundo sa aking buhay.

Bukod sa nangunguna sa klase ay namumuno rin ako sa mga ktibidad sa aming paaralan.

Kaya naman palagi akong abala sa maraming bagay.

Madalas kong kasama ang mga classmates ko, lalo na ang mga malalapit ko'ng kaibigan.

Araw-araw kami ang laging magkakasama, dagdag pa ang mga makukulit ko na manliligaw na hindi nagsasawang pabuntot-buntot sa amin kahit saan kami naroroon ng aking mga kaibigan.

Si Gub naman ang boyfriend ko, na pansamantalang nasa malayong lugar dahil kinakailangan...

Napakabait ng boyfriend ko at sobrang mapagmahal, talentado at napakatalino kapag tungkol sa malalim na bagay. Pagdating sa karunungan, sa medaling sabi ay marami siyang alam.

Pero isang araw, nagcheck ako ng facebook...

At nakita ko sa wall niya ang pakikipagpalitan ng comments sa ibang mga babae, at ang dating relationship status na dating "Married" na ngayon ay "It's Complicated". At sa huli ay nagging "Single"...

Nagalit ako sa kanya, at sinabi ko sa sarili ko na ayaw ko na. Hindi ko na siya kinausap at lalong hindi na ako nagparamdam at ni ang magpaalam sa kanya ay hindi ko na ginawa. Ayoko ng malaman ang mga paliwanag nya, sapat na yung mga nakita at nabasa ko...

Naging masaya parin naman ang buhay ko kahit wala siya.

Pero isang araw, tila binatukan ako ng tadhana. Habang nagreresearch ako sa internet para sa project namin sa school, naisipan ko na muling magbukas ng facebook.

Dami ko na palang notifications, ilang buwan narin kasi akong hindi nag-open.

Nakita ko sa wall ko ang napakaraming messages galing sa kanya, At ganun din sa inbox. Mga mensaheng punong-puno ng mga kadramahan at pagmamakaawa. At wala na akong panahon upang malaman pa ang mga iyon. Maglalog-out na sana ako nang biglang may nagmessage...

"Hi! Ikaw si Marrah right?"

"Oo, ako nga.. bakit po?..."

"Ikaw pala yung gf ni Gub, lucky girl huh.."

"Bakit naman?..

"Grabe naman kasi, mahal na amahl ka ng bf mo."

At nagsimulang magkwento ang ka-chat ko'ng babae,

"Isa ako sa mga kaibigan ni Gub, I'm Ira...Sobrang bait nya at madaming alam sa buhay, maraming humahanga sa kanya, kaya naman madami siayng nakilala ditto sa fb. Laging ikaw ang pinag uusapan naming tuwing magkachat kami, palagi ka niyang hinahanap sa akin at lagi niya akong tinatanong kahit alam naman niyang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Matatag si Gub, kahit sobrang miss na miss ka na niya. Kaya wala siyang magawa kundi ibigay nalang sa Dios ang lahat kung ano ang mas nakakabuti. Paraan anrin siguro yun, para mawala kahit papaano ang kalungkutang nararamdaman niya... Kasi nung last month yata yun, , nakausap niya ang pinsan mo, at nalaman niya ang totoo na ayaw mo na dahil pagod ka na sa sitwasyon ninyong dalawa.

"The real reason"

Itutuloy...

A TEENAGE REMEMBRANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon