A TEENAGE REMEMBRANCE (EPISODE 3)

5 0 0
                                    

A TEENAGE REMEMBRANCE (EPISODE 3)
isinulat ng A N L U W A G I

Tanging si gub lamang ang nasa isip ko ng gabing iyon,
Habang paulit-ulit kong binabasa ang pinaka maikling liham ng isang lalake na nabasa ko at ibinigay sa akin.

Marami na akong natanggap na liham galing sa mga manliligaw ko sa school namin,
Pero ang liham na ito.... Napaka espesyal... Isang simpleng palara na naglalaman ng isa sa pinakamalalim na kahulugan sa buhay ko, dahil ito lang ang kaisa-isang bagay na pinanghahawakan ko upang manatili parin ang pagasang magbabalik si Gub sa buhay ko.
Lumipas ang maraming araw, dumaan ang ilang buwan, hanggang sa umabot ang isang taon pero walang Gub na bumalik. 

Sabi nila, kahit kalian daw, pagbalibaliktarin mo man ang mundo, hindi mo raw malilimutan ang first love mo.
Sabi ko naman, hindi rin... Paano kung magka-amnesia ka?...
Pero buo parin ang pagasa ko na magbabalik si Gub, Yun nga lang may mga panahon talaga na susubukin ka ng Dios.

Isang gabi habang nagsusulat ako sa aking Diary, lumapit ang inay at di sinasadyang napansin niya ang palara sa tabi ng notebook ko.

Akala niya ay kung ano lang, kaya agad niya itong dinampot. Huli nang mapigilan ko siya kaya nabasa niya ito at nang matapos ay nag-iba ang ihip ng hangin. Nagalit ang inay.

"Nililigawan ka ba ng pamangkin ni Rudy??" Galit na tanong ng inay sa akin..
"Naku hindi po inay!"
"Tigiltigilan mo ang pakikipagmabutihan sa Gub na yan ha!"

Hindi ko inaasahan na magagalit ang inay ng ganun, lalo ang saktan niya ang damdamin ko ng sobra nang bigla niyang punitin ang palara. Tila gumuho ang lahat ng pag-asa ko, Sinira ng inay ang isang mahalagang bagay para sa akin na iningatan ko ng kaytagal. Nasaan ka na ba Gub... Sana bumalik ka pa...
Wala na ang palara...
Huwag ka rin naman sanang tuluyan ng mawala...
Hihintayin kita Gub... hanggang sa kaya ko pa...
Lumipas parin ang maraming araw, hanggang sa naisip ko na naghihintay nalang yata ako sa wala.
Suko na ako...
Pero ang totoo, mahal parin kita...
Isang maraming kahapon, na hindi na nga mababago pa.
Hindi na yata kita malilimutan. 

"Ate, naaalala mo pa ba si kuya Gub?, yung nagbigay sayo ng sulat dati..." Wika ni kim, habang naglalakad kami papuntang kanila, may ibibigay daw kasi siya sa akin kaya sinamahan ko siya sa bahay nila.
"Oo naman bakit?" Parang nag uunahan ang tibok ng puso ko ng mga sandaling iyon.. namiss ko nanaman si Gub...
"Ayun siya oh!"

Itutuloy...

"Palara"

A TEENAGE REMEMBRANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon