Yonnie POV
"Ang lahat nang sasabihin ko sayo ay totoo kaya dapat maniwala ka sakin."seryosong sabi sakin ni zyle .
Nandito kami sa loob nang silid na sa tingin ko ay opisina ni zyle nakaupo ako sa harapan nya at sya naman ay nakaupo din sa upuan malamang na parang isang boss tas sa gitna namin ay ang table desk nya.
"Okay" kailangan kong malaman ang lahat dahil naguguluhan nako. Seryosong usapan toh kaya dapat magseryoso ako.
"Ang una kong tanong ay ano ang afterlife world?" curios na talaga ako sa afterlife world kase no'ng una kong makausap si zyle tinatanong ko kung anong lugar ito at ang sagot nya sakin nasa afterlife world ako.
"Isa itong mundo kong saan napupunta ang mga kagaya mo at ang dahilan kung bakit ka nandito it's either hindi mo matanggap na patay kana or may unfinished buisness ka pang di nagagawa "paliwanag nya sakin habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi matanggap ang pagkamatay? Unfinished business?
"Ha?bakit naman hindi ko matanggap ang pagkamatay ko at ano yung unfinished business na hindi ko pa nagagawa?"tanong ko sa kanya
"Hindi ko alam"sabi nya habang nakatingin parin sa labas nang bintana "tanging sarili mo lang ang makakaalam kung ano nga ba ang hindi mo pa natapos na misyon"at biglang tumingin si zyle sakin nang seryoso. Tanging sarili ko lang ang makakaalam?
"Ganon ba,pero bakit nong sinakasak ako ay nakaramdam ako nang sakit diba dapat wala na kong maramdaman dahil patay na ako at kaluluwa na lamang ako? " kanina ko parin iniisip kung bakit ako nasaktan nang sinaksk ako diba dapat wala na akong maramdaman dahil patay na ako.
"Dito sa afterlife world ay makakaramdam ka parin nang sakit,saya at ano ano pang emotion,emotionally or physically man dahil dito sa afterlife world ay para ka paring isang tao at parang binigyan ka pa nang isang buhay upang malaman mo kong ano nga ba ang dahilan kong bakit di ka pa napunta sa dapat mong kahahantungan"pagpapaliwanag nya sakin.
"Ang pinagkaiba lang nito sa mundo natin noon ay mga immortal tayo dito. Kaya nga nong pagkagising mo kanina ay wala na ang iyong sugat sa dibdib ay dahil sa naghilom na ito o nawala pero mararamdaman mo pa rin yung sakit kapag nasaktan ka"
"Pero kahit ilang beses ka mang masaksak at masaktan ay babalik parin ang iyong buhay dito."
So, kahit masaktan man ako nang sobra ay mabubuhay parin ako sa mundong ito,pero kahit ganoon man mararamdaman mo parin ang sakit.
"Paano kapag natanggap muna ang kamatayan mo o kaya natapos na ang mission mo? Mapupunta ka na ba sa dapat mong kahantunghan?"
"Oo"tipid nyang sagot sakin.
"Teka!! "
"Bakit?"
"Nung sinabi mo sakin na pasasalihin mo ko sa group mo?ano yun?"bigla ko na lang naisip yung sinabi nya sakin bago ako nasaksak.
"Ahh,yun ba isa ka kasing human soul kaya dapat nararapat na kasama ka sa isang grupo"
"Human soul??"
"Oo,hindi kase lahat nang nandito ay katulad mo,NATIN"
Katulad namin?
"Ah, okay"sabi ko na lang sakanya.
Pero napapaisip ako......
"Lahat ba dito sa afterlife world mababait?"paninigurado kong tanong kase naman sa tingin ko masamang lalake ang sumaksak sakin. Kahit na alam nya na mabubuhay parin ako dito sa AFTERLIFE WORLD lang.
"Depende"tipid na namang sagot nya sa akin
"Bakit ako sinaksak nang lalakeng may pulang mata?"
"Kasali sya sa isang grupo the black league clan sila ang kalaban namin"
"Kaya ka nya sinakasak kase nakita nyang kasama kita kaya akala nya kasali ka samin"pagpapaliwanag nya sakin.
"Bakit wala akong matandaan sa pagkamatay ko?"kahit na wala akong matandaan sa pagakamatay ko ay meron paring konting alaala akong natatandaan noong buhay pa ko.
"Normal nga lang yan dito sa mundong ito ang mawalan ka nang alaala pero mas mabuting hindi mo muna maalala kung anong dahilan nang iyong pagkamatay baka mahirapan ka lang ,pero darating di ang tamang araw na maalala mo yun pero sa ngayon wag muna,"bakit kaya sinabi nyang wag muna?at sa tamang oras na lang?
"Isang tanong na lang t-totoo ba talaga nap-p-patay na a-ko?"paninigurado kong tanong sa kanya,hindi man halata pero sa bawat salitang binibitawan ni zyle ay parang nasasaktan ako dahil hindi ko lubos maisip na patay na ako?at nagbabasakaling sabihin nya sakin na joke lang ang lahat nang ito at babalik din sa normal ang lahat.
"Oo,at kailangan mong tanggapin ang katotohanan na talagang patay kana sa ayaw mo man o gusto"pagkatapos sabihin ni zyle ang mga salitang iyan ay ang pagbuhos ng mga luhang kanina ko pa tinitiis na hindi bumagsak.
Masakit sakin na patay na ako. Sino ba namang hindi?
Paano na lang yung mga pangarap ko? Yung mga gusto ko pang gawin noong nabubuhay pa ako sa mundo?"Wag kanang umiyak"tiningnan ko si zyle habang umiiyak parin ako.
"I-ikaw ba zyle b-bakit nandito ka? hindi ka ba nasasaktan sa mga nangyayari sayo sa ating lahat na nandito" hindi ko alam pero bigla ko na lang nasabi ang mga salitang iyan kay zyle pero nang sinabi ko yan ay seryoso parin ang kanyang mukha.
"Nasasaktan rin ako"malamig na boses galing sakanya.
Itinakip ko na lang ang aking mga kamay saking mukha kase ayokong ipakita kung gano ako kahina at para sakin ang mga taong umiiyak mahihina.
"Wag mong isipin na mahina ka,sadyang nagpapakatotoo ka lang sa iyong sarili ,hindi masama ang umiiyak kaya umiyak ka lang dyan makakaya mo rin yan"
Mind reader ba sya?ikalawa nato eh.
Pero hindi ko inakala na sasabihin nya ang mga salitang iyon galing sa bibig nya kase naman ang sungit nya kaya naman medyo nabawasan yung sakit na nararamdaman ko pero kahit ganon di ko parin magawang tumigil sa kakaiyak.
"Tumayo ka na nga dyan!!"
"Akala ko pa naman matapang kang babae,wag mong hayaan na lamunin ka ng lungkot mo alam ko kung anong nararamdaman mo dahil galing rin ako dyan pero isipin mo na nandito lang ako tss ayoko ko talagang nagsasabi ng ganito pero simula ngayon nandito lang ako para sayo at magiging okay rin ang lahat,okay? "
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatayo sya at nakatingin sakin nang p-parang ewan hindi ko maintindihan yung mukha nya.
Zyle POV
Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas na lang sa bibig ko ang mga salitang iyon.
Ewan ko ba pero a-ayokong makita syang umiyak dahil ng makasama ko sya palagi syang ngumingiti at tumatawa kaya siguro nasabi ko yun kase naman nakakapanibago na umiyak sya.tss ewan.
Tinignan ko sya na para akong ewan dito eh di ko kase alam kong ano bang irereact ko kase pati ako nagulat sa sinabi ko 'nandito lang ako para sayo' bakit ko ba sinabi yun.
Nakatitig parin sya sakin na parang naguguluhan pero unting unti syang ngumiti sakin kaya napaatras ako.
*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG*
"Talaga???"
"O-oo nandito lang ako p-para sayo " ah..shit nasabi ko na naman ....
Ughh!! Ewan para nakong timang.Kaya ayaw kong kasama tong babaeng Ito nawawala yung coolness ko. Tsk. Tsk.
Kakilala ko pa lang naman sakanya pero bakit ganito ang nararamdaman ko ayoko syang makitang umiyak.
Pero pakiramdam ko sumasaya din ako kapag nakikita ko syang ngumingiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/88275748-288-k101753.jpg)
BINABASA MO ANG
Afterlife World
RandomDeath? Can't accept? Unfinished business? A world for human soul ? A world called.. AFTERLIFE WORLD?.....