Yonnie POV
"Halika kana ipapakilala pa kita sa mga kasamahan ko"sabi sakin ni zyle
Tumayo ako at pinunasan ang mga luha ko.
"Yosh,makakaya ko'to mwahahahaha"sigaw ko at tumawa na parang sira haha ganito talaga ako kapag malungkot dinadaan ko na lang sa tawa atleast medyo nawawala yung lungkot ko.
Tinignan ko si zyle at nginitian lang habang sya naman nakakunot ang noo haha ang cute nya.
"Nakarecover kana agad"
"Hehe medyo, at tyaka sabi mo naman sakin nandyan ka lang palagi para sakin "nakangisi kong sabi sa kanya.
Biglang nyang iniwas ang tingin nya sakin at binuksan ang pintuan at naglakad palabas.
Kaya sinundan ko na lang sya papunta pa lang kami sa ahh di ko alam kung saan ba kami pupunta pero sa tingin ko sa sala?ewan basta papunta pa lang kami ni zyle naririnig ko na ang ingay nila.
"Nandyan na sila"
"Bilis linisin nyo yang kalat nyo"
"Magagalit yan si zyle "
"Asan si weyn? "
"Ewan baka kinaiin na nang pating"
"Eh, si sheen asan?"
"Hala!baka nag date na nga sila hahaha"
"Sira di mangyayari yon"
"Bilis linisin nyo na"
"Diba yonnie yung pangalan ni girl"
"Yeah,and I don't care"
"Grabe ka naman"
"Ang ingay nyo pwede ba tumahimik kayo kitang natutulog ang tao"
"Tao kaba? Alien ka nga eh"
"Ha?alien sya"
"Sira joke lan----"
Natigil sila sa kakasalita ng makita nila kami.
"Si Yonnie at zyle"
Rinig kong sabi pa nang isang babae at waahhh ang cute nya yung buhok nya nakapigtail tapos bagay na bagay sa kanya yung uniform na suot nya para syang cosplayer.
"Kilala nyo na si yonnie pero di nya pa kayo kilala kaya gusto kong magpakilala kayo sa kanya"biglang sabi ni zyle.
"Okay"sabay nilang sabi at nagulat naman ako nang biglang silang nagform ng line sa harap ko bali silang lahat nakalinya habang kaharap ko sila at sila naman kaharap ako.
"Hello yonnie, my name is Klein"sabi nya sakin yung mukha nya parang nababagot na parang bagong gising lang tinignan ko sya kung may sasabihin pa sya pero bigla lang syang naghikab sa harapan ko habang nakatakip ang kamay nya sa bibig nya.
BINABASA MO ANG
Afterlife World
RandomDeath? Can't accept? Unfinished business? A world for human soul ? A world called.. AFTERLIFE WORLD?.....