THREE

20 0 0
                                    


"YOU DIDN'T get enough sleep?"

Umiling si India sa tanong ni Dan, bahagyang tiningnan ang lalaki na nasa tabi niya. Nasa taxi sila papuntang Gailan, nagpahatid na lamang sila mula sa airport, mabuti na lamang at napakiusapan nila ang driver. Jeep dapat ang sasakyan nila papuntang Gailan.

"May tinapos pa 'ko."

"Matulog ka na muna pagdating natin."

Tumango na siya at tumingin na sa labas ng bintana. May mga nadaanan na silang maliliit na tindahan. Sa entrance ng Gailan ay naroon ang malalaking grocery stores. Mula roon ay beinte minutos ang magiging biyahe kung saan nangyari ang malaking baha at kung saan naroon ang nirentahang bahay ni Dan. Nang maalala ang bahay ay tiningnan niya ang lalaki, may tinitingnan ito sa cellphone nito.

"Safe ba 'yong bahay? Wala bang multo?"

Mula sa cellphone nito ay napatingin sa kaniya ang lalaki at bahagyang natawa. "No. Wala. Safe 'yon. Pinapaupahan talaga 'yon ng may-ari, 'yong last tenants nila ay kakaalis lang kaya habang wala pang nagkaka-interes, tayo na muna ang rerenta."

Tumango siya. "Eh, hindi naman tayo magtatagal, 'di ba?"

"Yes, pero walang kasing malapit na inn doon or motel, since pumayag naman ang mag ari na rentahan for a few days ang bahay, do'n na lang tayo. Actually, nasira 'yong original na bahay dahil sa baha. Pero okay na siya ngayon."

Tumango uli siya.

"Are you scared?"

Umiling siya. Hindi naman talaga. Gusto lang niyang manigurado, malay ba niya.

"Magkahiwalay ang bahay, 'di ba?" tanong niya.

Umiling ito. "Magkadikit lang. Bungalow," anang binata. "Sorry, I forgot to show the photos."

"Okay lang," bahagya siyang ngumiti. Baka sabihin nito nag-iinarte siya.

Nang makarating sila sa destinasyon ay magkadikit nga ang bungalow na mga bahay. Tatlo iyon lahat. Ang isa na nasa kanan ay sarado.

Pinuntahan ni Dan ang isang maliit na wooden shed at may kinuha sa taas niyon. Itinaas nito ang dalawang susi.

"Here's yours."

"Thanks," aniya.

Binuksan na niya ang bahay at ipinasok ang dala niyang maleta. Iyon na ang pang-isang linggong damit niya. Nagpasalamat siya nang makitang nakahanda na ang kama. Marahil ay ibinilin na iyon ni Dan sa may ari. Pero walang gamit sa kusina. Malamang na naroon kay Dan. So, ibig sabihin sabay silang kakain?

Nagkibit na lamang siya ng balikat. Kailangan naman siguro, dahil sila lang naman ang naroon. Ayaw na rin niyang isipin na ganoon pa rin ang epekto sa kaniya ng lalaki, may paru-paro effect pa rin ito sa tiyan niya.

Ganito talaga ang istorya ng buhay ko...

Maliit lamang ang espasyo sa loob pero maayos iyong tingnan. May isang pinto para sa kuwarto, naroon na rin sa loob ng kuwarto ang banyo. May maliit na sala at kusina. Nang tingnan niya ang kama ay parang magnet iyon na hinihila siya. Napailing siya. Ayaw niyang matulog. Gusto na niyang magtrabaho para matapos na sila at makauwi na ng Maynila. Nang tingnan niya ang oras ay alas nuwebe y medya na ng umaga.

"India?"

Napaigtad siya nang marinig ang tinig ni Dan at nagmamadaling tinungo ang pinto sa harap. "Yes?"

Heart Lullabies:  LOOKING FOR -GHOSTS- LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon