Halos hindi ako nakatulog buong magdamag. I tried to call Glen pero cannot be reach na talaga siya. Dama ko talaga ang nararamdaman niyang sakit. I remembered Dom said that he has a trust issues. Dammit! How can I be so reckless? Bakit hindi ako nag ingat? Paano na kami ngaun?
Umaga na. Pero pakiramdam ko ay hindi naman tumakbo ang oras. May exam ako ngaun sa Algebra kaya kailangan kong pumasok. Pero, natatakot ako. Sa reaksyon ng mga tao kahapon? Alam kong fiesta na naman ang aabutan ko.
Tamad na tamad akong tumayo. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat sa akin. He's wasn't even sure about us. Kasalanan ko naman diba? Hindi ako naging open sa kanya. I smiled bitterly when I remembered na hiningi ko sa kanya.
No more secrets..
"Ang tanga- tanga mo, Julia.." Halos mapasabunot na ako sa buhok ko sa laki ng frustration na nadadama ko.
"Ate, okay ka lang?" Napaayos ako ng upo ng bigla nalang lumabas si Kimmy sa banyo. Nanliit pa nga ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin. "Natulog kaba, ate? Bakit para kang zombie? Tapos maga pa yung mata mo. May problema kaba?" Umabante si Kimmy palapit sa akin ng bigla akong tumayo at nilagpasan siya.
"Pagod lang ako, Kimmy.. But I'm fine.." I lied. I fucking lied again! Kinakain na ako ng little white lies ko. Minsan kahit para sa ikakabuti ang pagsisinungaling mo, mali pa din. Lesson learned, be honest. Maliit o malaking bagay man, dapat sinasabi mo. Kasi, sa huli hindi mo alam na ito pala ang sisira sa iyo. Hindi ko lang naman nasabi yung kay Simon dahil hindi ko naman alam na mahalaga. And it wasn't a big deal to me.
Sino kaya ang naglabas ng video na yun?
It's still a question to me. Si Simon ba? Para kasing may narardaman ako na iba. At huwag siyang magpapakita sa akin! I will kill him myself.
Huminga ako ng malalim habang nakatanaw sa labas ng university. Kita ko naman na normal lang sila sa loob. Pag ba pumasok ako ganyan din kaya? O ako lang talaga ang abnormal? Ugh! Bakit kaba natatakot, Julia?
Yeah, bakit nga ba ako natatakot? I did nothing wrong.
Pag tapat ko sa gate ay madami agad ang nagbulungan. Okay, kaya mo yan, Julia. Hindi ka mamatay sa bulungan nila. Huling week na naman ng klase kaya konting tiis nalang. Makakalimutan din nila lahat.
Makakalimutan.
Sana..
Ang kapal ng mukha. Pumasok pa talaga?
Kung ako kay Glen pinaalis ko yan sa school.
Bakit may basura dito?
Ilan yan sa mga nadidinig ko habang paakyat ako sa room ko. I shrugged. Ala naman akong mapapala kung papatulan ko silang lahat. Ala silang alam. At hindi ko obligasyon na magpaliwanag.
Nang makapasok na ako sa room ko ay tahimik ang mga kaklase ko pero masama ang tingin sa akin. Napatingin pa nga ako sa gawi nila Kristele ng padabog niyang binaba ang ballpen niya.
"Saan kaba kumuha ng kapal ng mukha, Julia?" Singhal niya. Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase ko. Kagabi nga ay kalat na kalat ang video na yun sa social media. I don't know what happened at bigla nalang nawala.
"Will you please stop, Kristele." Napatingin ako kay Klaus. Gusto kong maiyak sa kanya. I never thought na ipagtatanggol niya pa ako.
"Haaaayysss!!! Sayang kayo! Ang tanga niyo ni Glen." Iritableng tumayo si Kristele.
"Okay ka lang ba?" Tumango ako at nilagpasan siya. Naguilty pa nga ako ng hindi manlang ako nakapag pasalamat.
I finished the exam. Lumabas agad ako at hindi na lumingon pa. One down. Konti nalang at tapos na ang sem.
BINABASA MO ANG
The Perfect Badboy (Completed)
Teen Fiction(Glen Aviel Silverio Series 1) A broken guy who meets an extra ordinary girl that will change his life and gives his world a life. A not so ordinary love for the not so ordinary girl.. She's not special... She's limited edition.. He loves her more...