I dedicate this chapter to Ate Alinea. ininspire niya ako sa kanyang mga stories at super friendly niya!. Andami namin similarities. Loveyouu ate :))
Aye's POV
"Mission Complete, Congrats sa inyong dalawa!" Sabi ko dun sa dalawang lovebirds.
"Thankyou ng marami talaga Aye, kung hindi mo ako tinulungan eh hanggang titig lang ako dito kay Ashley"
"Oo nga. Nagpapasalamat din ako sayo kasi tinulungan mo tong torpe na ito. At saka baka siguro ngayon iyak pa rin ako ng iyak dun sa ungas na ex kong yon. Buti na lang pinakilala mo talaga sakin itong si John. Binigyan niya ako ng sobrang saya na hindi ko man lang nakamit dun sa mangagamit na iyon."
"Wala un. Oh, sige maiwanan ko na kayo diyan at may pupuntahan pa ako"
"Sige! Salamat ulit!"
Ang saya pag nakakatulong ka sa iba noh? Ang sarap sa pakiramdam.
Pagkatapos pumunta na ako sa bestfriend ko, nagyaya kasi magmall. At saka weekend naman, walang magawa sa bahay kaya nagyaya itong bestfriend ko. Pumunta na ako sa meeting place sa 7eleven kaso iba ang nadatnan ko.
Ung kaklase kong transferee.
"Uii Aye, bakit ka nandito? Upo ka." Umupo na ako
"Salamat Jared. Kasi magkikita kami ng bestfriend ko, ikaw bakit ka nandito?"
"Ahh, Si Pysha ba un?"
"Oo bakit?kilala mo siya?. " Medyo nagblush siya. Bakit kaya?
"Ahhh, ahmm, Aye, pwede favor?"
"Sige ba. Ano ba yan?"
"Ahmm, Gusto ko kase ligawan si Pysha." Sabi na, may gusto itong si Jared sa bestfriend ko
"Ehh? Oh sige ba? Ano ba maitutulong ko?"
"Gusto ko sana maging BRIDGE ka saming dalawa ni Pysha. Pwede ba?" Ha? Bridge? nanaman? hayy, lagi na lang akong Bridge. hayaan na nga. para naman sa bestfriend ko. Ano ba yan. Un na lang ba role ko sa mundong ito ang maging tulay!.
"Ahh, ehh. bakit sakin ka pa magpapatulong?"
"Syempre ikaw bestfriend nun eh."
"Hmm, Cge try ko."
"Salamat Aye, :)"
"Bes!!" sigaw dun sa may pinto ng 7eleven. Alam ko na kung sino. Kumakaway pa ang loka.
"Oh Bes! Nandito ka na pala. Kanina ka pa diyan?"
"Nd ah, kakadating ko lang"
"Uhmm Excuse me, Aalis na ako Aye."
"C-cge" Nakita kong super pula niya nung dumating ung bestfriend ko. Hay nako, bakit kasi ang torpe ng mga lalaki ngayon.
Nakaalis na si Jared at itong si Pysha nd ko maipinta ang mukha.
"Ohh, Bes bakit ganyang mukha mo? Natatae ka ba?"
"OMYGOSHHH BESSS!! sino un? boyfriend mo? ikaw ha nagsisikreto ka na sakin.nakakapagtampo." Loka talaga toh, Hindi pa ba niya alam na may bagong transferee?
"Transferee un bes. hindi mo ba nabalitaan?"
"Nabalitaan ko. Ahh, un pala ung transferee. Close agad kayo?"
" Hmm. Medyo lang bes. Oh ano, tara na?”
“Tara na!”
Umalis na kami sa 7eleven at nagdiretso sa mall. Naglibot libot lang kami tapos pumunta sa arcade tapos kumain sa mcdo.
--------FASTFORWARD--------------
Gabi na. 9:00 na. Naglalaro ako ng Tetris kaso may nagchat! Ayan tuloy natalo ako. -___-. Sino ga naman tong bwiset na ito.
Jared Macatangay: uiii!
Ayesa Fayn Chua: ohh?
Jared Macatangay: tutulungan mo ako ha.
Ayesa Fayn Chua: cge na nga.
Tsskkk. Un lang naman pala. Natalo pa. Magrarank up na sana eh! Kainis! Makapag wattpad na nga lang. Binasa ko ung Wattpad Love at Sadist Lover. Pagkatapos tumulog na ako.
Monday Morning
Pumunta na ako ng classroom. Wala pa ung mga kabarkada ko. Napaaga ata ako masyado. Umubob na lang ako. Inaantok pa kase.
zzzzzZZZZzzzzz
“Aye, pwede ba kita maging girlfriend?”
“Ha? Ano sabi mo?”
“Sabi ko kung pwede ka ba maging girlfriend?”
A/N: First Chapter na! Haha. Ayun. Salamat sa mga bumabasa. Hope you like it.
be a fan, vote, comment and like kung gusto nyo. thankyouuu!
