Pierce poked Misha's back who's currently absorbed in finishing their project na kailangang maipasa mamayang alas kwatro.Masyado itong abala para pansinin siya kaya kinalabit niya ulit ito ng isa pa.
Isa pa.
Isa pa.
At isa pa.
"Ano ba?" Misha suddenly snapped, glaring at her which she returned with a gleeful wide smile.
Gumulong naman ang mata nito dahil sa itsura niya bago yumuko ulit at sumubsob sa illustration board na pinagdra-drawingan nito.
Poked.
No response.
Poked.
Misha groaned.
Pok-
"Isa pa, Pierce! Sinasabi ko sa'yo, kakalimutan kong babae ka at sisikmuraan kita!" Inis na sabi nito sa kanya, but she returned it with an even wider smile.
Glaring at her, Misha suddenly gave a resigned sigh, dropped the pen, straightened his back and looked at her with deadpanned eyes. "Ano ba 'yon ha?"
If it's possible, Pierce' smile grew even wider. Hinila niya ang bag na nasa tabi niya saka ito niyakap bago balingan ang kaibigang nauubusan na ng pasensya.
"Nginitian niya 'ko," Pierce breathed out, the smile stretching even wider across her face.
Misha's eyes rolled back, something that's slowly becoming a habit of him. Lalo na kapag ganitong parang nakalaklak ng ilang bote ng energy drink ang kaibigan. Wala naman sanang problema yung pangungulit nito, kung silang project na deadline ngayon.
"Tapos?"
"Nginitian niya 'ko."
Another guy plopped beside Misha, inilapag ang mga dala nitong plastic sa lamesa saka siya tiningnan nang kunot ang noo. Si Mark.
"O, anong nakain nito?"
Misha sighed before returning his attention to their project. "Tanong mo sa kanya."
Mark raised a brow, while tilting his head to the side. "Anong nangyari, Pierce?"
Hinigpitan ni Peirce ang yakap sa bag, sabay ngiti ng malawak naguguluhang kaibigan. "Nginitian niya 'ko."
Kasabay no'n ang sabay na pagbuntong-hininga ni Mark at Misha.
Mark might have cussed, too.
"Seryoso 'to?"
"Seryoso."
"Kelan pa 'yan?"
"Nung dumating siya dito galing sa huli niyang klase, ganyan na 'yan."
Sabay na napatingin ang dalawa sa kaibigang malawak parin ang ngiti at malayo parin ang tingin.
"Nginitian niya 'ko."
"Malala na 'to." Sabay nilang buntong-hininga bago hayaan si Pierce sa sarili niyang mundo at hinarap ang project nilang deadline na in two hours.
"Nginitian niya ako."
"You, got me caught in this mess." Pierce almost skip with every word she sings. "I guess, we can blame it on the rain-"
"Pierce?"
The deep voice behind her shook her own bubble. It sounds so damn familiar that her whole body suddenly become alert. Her heart started beating crazily in her chest and she may or may not feel her knees go weak.
BINABASA MO ANG
Have You . . . ?
RandomDifferent questions asked by different people answered through different situations.