Mataas na ang sikat ng araw no'ng nagising si Dorian. Amoy na amoy na sa buong bahay ang sinigang na malamang ay niluluto ng lola niya. Kung hindi pa dahil sa kumukulo at nagmamakaawa niyang tyan, hindi pa sana siya babangon.
“Ah!” Dorian cried when he tried to flex his shoulders. The pain felt like he just broke a bone. “Fuck.”
Hindi na ako mag-iinom. Pangako niya sa sarili habang iika-ikang naglakad palabas ng kwarto.
“Morning, Insan!” Bati ni Ariel, pinsan niya, bago buong ganang humigop ng sabaw sa mangkok na para bang walang nangyari kagabi.
Kunot ang noo niyang tumango. Fuck. Even the slightest movement made his head ache.
Naupo siya sa harap nito at buong ingat na nagtimpla ng kape. Hindi na niya matandaan kung anong oras sila nakauwi, o kung paano sila nakauwi.
Yesterday was one hell of a day.
The day before, nagising na lang siya sa yugyog ng mama niya, tinutulak siyang maligo at mag-impake ng iilang damit dahil uuwi raw sila sa probinsya.
Probinsya?! His half-asleep mind could only comprehend that much.
Pagtapos ng isang tasa ng kape, nakaupo na siya sa backseat ng sasakyan nila. His parents, singing along with some song playing on the car stereo. Him, dozing off. Kauuwi lang niya galing sa isang makadurog pagkatao na semester, he just wants to sleep.
Nabalik ang atensyon niya sa kasalukuyan nang marinig ang tawa ang pinsan niya. Malamang dahil sa usad-pagong niyang kilos at sa ngiwi niyang palala nang palala habang papatagal.
Gusto niyang singhalan ito pero, fuuuuuck, even the thought of exerting that much effort hurts.
“Gising ka na pala, Idoy.”
Napalingon siya sa boses ng lola niya kasabay ng paglagatok ng buto niya sa leeg. Impit siyang napadaing habang natawa na naman si Ariel.
“Nako, may stiff neck ka pa, Insan.” Naiiling na pansin ni Ariel.
Mukha ngang may stiff neck siya. Na-miss niya bigla ang malambot niyang kama sa bahay nila. Pero base sa banig at kumot sa sahig na dinaanan niya kanina, mukhang dapat pa siyang magpasalamat dahil sa papag siya pinatulog ng mga pinsan.
Kaso nang lumipat ang tingin niya kay Ariel, mas gusto niya 'tong saktan dahil walang nakakatawa sa sakit ng katawan na nararamdaman niya.
Nagulat na lang sila pareho nang lumipad ang kamay ng lola nila papunta sa batok ni Ariel.
“La!” Daing ng pinsan niya habang sapo-sapo ang batok.
“Wag mong pagtawanan yung pinsan mo. Aba! Kayo ang nagdala sa kanya sa kung saan-saan kagabi. Alam niyo namang hindi yan lumaki dito.” Litanya ng lola niya na tinalikuran na sila at abala sa paghahalo ng niluluto nito.
“Aba, ‘La!” Nanlalaki ang matang sagot ni Ariel bago siya iduro-duro. “'Di naman namin alam na mahina pala 'to sa inuman!”
“Aba'y parang nagtanong naman kayo?”
Sa puntong 'to, nakapameywang na lola nila habang nakaharap kay Ariel. Sa kaliwang kamay nito ang isang gawa sa kahoy na sandok, habang pot holder naman sa kaliwa.
Suminghap si Ariel na para bang nasaktan talaga ito.“La, akala ko pa naman ako ang paborito mong apo.”
“Aba't—”
“Tapos dumating lang dito si Idoy, binabatukan mo na ako? P'wes, lalayas na ako dito!”
Ariel stood up, slamming the table in the process, and hastily walking out of the dining area.
BINABASA MO ANG
Have You . . . ?
Ngẫu nhiênDifferent questions asked by different people answered through different situations.