Kaya ko 'to.Hingang malalim.
Kaya ko 'to. Kakayanin.
Paulit-ulit na bulong niya sa sarili. Sa harap ng salamin.
Hingang malalim. "Kaya ko 'to," muli niyang bulong. "Kakayanin."
With one last deep breath and a glance at his own reflection, Keith smiled and gathered his belongings.
"Alis na 'ko, Ma!" sigaw niya mula sa sala.
Lumabas naman ang Mama niya mula sa kusina, a motherly smile on her face. Dumiretso siya palabas ng bahay, kasunod ang Mama niya.
"Kumpleto na ba dala mo? Payong? ID? Panyo? Jacket?" Sunod-sunod na tanong ng Mama niya pagkalabas niya ng pinto.
Tumango lang siya. Alam niyang nasa bag niya ang lahat, hindi naman siya nag-aalis ng gamit sa bag. He doesn't trust himself that much.
"Earphones mo?" Tanong ng Papa niya na papasok sa gate, bitbit ang plastic ng pandesal na binili sa malapit na bakery sa kanila.
Napakapa siya sa leeg. Shit, sabi na e, earphones ko!
Dali-dali siyang bumalik sa kwarto at hinila ang earphones na nakasabit sa pader.
"Ano? Kumpleto na?" Natatawang tanong ng Mama niya na nagpangisi sa kanya. "Isuot mo na 'yang jacket mo," utos pa nito na yinayakap na ang sarili dahil sa lamig ng paligid.
Umiling lang siya, bago lumabas na ng gate nila para maglakad papunta sa sakayan ng bus. Nakatayo ang Mama niya sa gate habang ang Papa niya ay nasa likod nito, inuunti-unti nang kainin 'yong pandesal.
Napailing na lang si Keith dahil malamang mauubusan na naman ng pandesal si Tanya, nakababata niyang kapatid, bago tuluyang humakbang papuntang sakayan.
"Magtext ka ah?" Sigaw pa ng Mama niya no'ng ilang metro na ang layo niya sa kanila, at sa comfort na ibinibigay ng bahay nila. "Ingat!"
Napangiti siyang muli, bago lumingon at tumango sa mga magulang. His heart feels like it'll burst out of too much gratitude for having them as his parents.
It's just quarter to 4 AM kaya madilim pa at halos walang tao ang kalsada maliban sa iilang taong nakakasalubong niya na kung hindi bihis na bihis, yakap-yakap naman ang sarili at pilit ginigising ang tulog pang diwa. Pinaghalong kaba at excitement ang naramdaman niya nang maisip na habang nasa kalagitnaan pa ng pagtulog ang karamihan, heto siya-bihis na bihis na, at may malinaw na destinasyon.
Napatingin siya sa langit na medyo maulap kaya mukhang mas madilim ang paligid ngayon. Isa sa dahilan kung bakit hindi niya isinuot 'yong jacket ay dahil gusto niyang maramdaman ang lamig na dala ng hangin, nagbabakasakaling makakatulong 'yon na mabawasan ang tensyon sa katawan niya. Kahit papaano.
Ilang metro rin ang layo ng sakayan mula sa bahay nila, pero hindi alintana 'yon ni Keith habang parang hinahalukay ang kalamnan niya dahil sa sari-saring emosyon. Kaba, takot, saya, pangamba at antisipasyon.
Pagkarating sa sakayan, saktong may bus na nakahinto. Papaluwas ng Maynila. Nagmamadali siyang sumakay kahit medyo puno na tignan 'yong bus mula sa labas.
Mahirap na, baka abutan siya ng traffic kung maghihintay pa siya ng kasunod.
Marami-rami na nga ang nakasakay sa bus. Mga tulad niyang malamang ay araw-araw lumuluwas para mag-aral, o magtrabaho.
Mag-aral.
Daig niya pa ang kaka-graduate lang na estudyante ng high school at unang beses na tatapak sa college dahil sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Have You . . . ?
RandomDifferent questions asked by different people answered through different situations.