Chapter 1: Chase and her timeline

284 10 0
                                    

Chase.

I think i was named Chase for a reason.

And here infront of me is the reason.

"Run? Aba pare nabuhay ka" humila si Seven ng upuan at tumabi kay Run.

Yes, his name is Run and just like his name, he keeps running away... from me. Pero dahil Chase ang pangalan ko, pinangatawanan ko ito kaya for 2 decades and a half of knowing Run, im here still chasing him.

I've been chasing him and loving him since i was a fetus, or even bago pa ako maisipan gawin ng parents ko.

Life is full of uncertainties but one thing is for sure, i was born for him.

Sabi nila, lahat ng taong pinapanganak sa mundo ay may kanya kanyang purpose. At ito ang purpose ko. Ang maging kabiyak at nanay ng mga magiging anak ni Run in the NEAR future. Oo near kasi ito na, nafefeel ko na na malapit na kami magkatuluyan. Hihihi.

Yan ang paniniwala ko and even my parents and his parents. Sya nalang ang hindi naniniwala doon.

Our parents are best of friends. And just a fun fact, pinagkasunduan pa nilang sabay mag anak para magkatuluyan daw yung mga anak nila. At kami yun ni Run.

Okay na sana ang lahat kung nakikipag cooperate lang itong si Run.

I rolled my eyes. Nagngingitngit talaga ang heart ko kapag naiisip ko kung gaano kaharsh saakin 'tong si Run eh. Its not as if pangit ako dahil marami naman nagsasabi na maganda naman daw ako. Pero ang walanghiya. Sya ang firt love ko at sya din ang nagpaexperience saakin ng first rejection. Hindi sya nagdadalawang isip na ipakita ang pagkadisgusto nya sakin. The nerve!

At sa sobrang ilag nya sakin ito at kauuwi nya lang after five years of hiding sa abroad. Mas pinili nya talaga na mag abroad after namin makagraduate ng college dahil alam nyang hindi ko sya lulubayan dito sa pilipinas. Hmp! Siguro natunugan nya na hahalayin ko sya at pipilitin magpakasal sakin kasi ano pa bang purpose namin sa earth? Tapos naman na kami ng college. Kumbaga proceed na sa next step, ang pag aasawa!

Pero anong say ni Usain Bolt kay Run kung takbuhan lang ang pag uusapan? Wala. Dahil kung si Usain Bolt ay napapagod sa pagtakbo, itong si Run hindi. Basta ako ang humahabol.

"Ofcourse mabubuhay sya, andito ang oxygen nya eh" seryosong sabi ko at tinuro ang sarili ko.

Nagtinginan lahat ng mga kaibigan namin saamin except kay Run.

"Oxygen? Kung ikaw lang ang oxygen ni Run i bet mas pipiliin nya nalang mag violet sa sobrang pagpipigil huminga" natatawang sabi ni Gray. Isa sa tropa namin. Anim kaming magkakaibigan. Si Gray, si Seven at ang kakambal nyang si Eleven at ang bff kong si Maeve. And kaming dalawa ng sweetheart kong si Run. Magkakaibigan na kami since highschool.

"Gray gusto mong gawin kitang violet? Halika payakap nga sa leeg" lumapit ako kay Gray at pasakal syang niyakap. Nagtawanan ang mga kaibigan namin.

"Tigilan mo nga si Run, Chase kakauwi lang nung tao eh mag focus ka nalang dun sa boyfriend mong si Tristan" sabi ni Eleven at tumingin kay Run na pinapaikot ang daliri sa shotglass ng iniinom naming gin. Yes we are drinking gin circle with calamansi. Requested by me.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Dont talk when your mouth is full" binato ko sya ng pulutan naming mani. "Atsaka break na kami nun no, flavor of the month ko lang yun" patay malisya kong sabi sabay papak sa pulutan.

"Wow playgirl ang atake" natatawang sabi ni Seven.

"Wag mo naman masyadong pagselosin si Run bff" nakatawang sabi ni Maeve at umunan sa balikat ko.

"Ito kasing kambal na to eh, nakakainis kayo! At dahil jan hindi ako bibili this month sa 7/11, mag miministop ako!" Tumawa silang lahat "Pag yang baby ko nagselos ha!" Dagdag ko pa at tumingin sa walang pakialam na si Run.

"Ay oo nga pala bff, ano na palang update sa plano mo?" Napatingin ako kay Maeve at saglit na inisip kung ano ang tinutukoy nya.

"Ah yung baby daddy ng baby ko?" Tumingin ako sa tyan ko at napatingin na din sakin lahat.

"Baby daddy? Buntis ka?" Tanong ni Seven.

"Gagu hindi! Mabubuntis palang. You know naman about my goal diba? Super delayed na ng goal ko na magkababy. Hindi ko naman sinisisi yung isa jan pero kung di umalis alis ng bansa edi sana may 5 years old na ako ngayon. Tsk." Tumingin ako kay Run at napatingin din sya saakin. "Kumbaga sa pagkain sa grocery store, paexpire na me. Time is ticking tick tock tick tok!" Maarteng sabi ko. Hindi makapaniwalang mga mukha ang rumihistro sakanila.

Pinitik ni Gray ang noo ko "Mag twe twenty six ka palang ang OA mo"

"Thats the point! Mag twe twenty six NA ako! I should have done it when i was 20! Pano nalang ang goal ko na maging parang magkapatid kami ng magiging anak ko?" Umiling iling sila.

"Madali lang naman yan, bubuntis nalang ang kulang" tumatawang sabi ni Maeve.

Napangisi ako "Worry no more bff! Dahil andito na ang lalaking yun" dali dali akong tumayo at umupo sa lap ni Run at kinawit ang braso ko sabay halik sa pisngi nya.

Nanlaki ang mata nya.

Run, Just dont fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon